Chapter 23 White Fey

1.1K 23 7
                                    

"Boss, She's dead.. Kailangan pa ba nating dalhin to sir?" Sabi ng lalakeng naka white suit.

" Hindi mag tatagal, boss, mangangamoy na ang bangkay na to. "  Sabi naman ng ikalawang lalake.

Lumingon ang isang payat at may malaking mga mata na lalake. Mataas ito at may makapal na bigote. His eyeglasses are square that looks too big for his thin face.

"Itapon niyo na 'yan diyan sa ilog." Simpleng sagot ng matandang lalake.

Tumango lamang ang dalawang lalake.

Pero bago pa nila tuluyang itapon ang babaeng dala nila, pinigilan sila ng doktor.

" Teka lang! May plano pa ako para sa babaeng iyan!" Sambit niya. Bakas sa kanyang mukha na may masama siyang binabalak. Hindi natuloy ang pagtapon ng bangkay.

" Nga pala, boss, sigurado ho ba kayong dito makikita ang White Fey ?" -lalake 1

"Hindi ako nagkakamali. Sa ngayon, hindi natin ito nakikita dahil makapal ang fog. Kaya ko nga kayo inuutusan mag hanap. Daldal pa kayo ng daldal." -doktor

** (Take note) 

The name of the flower is a name created by the author. But the term Fey has its real meaning in the dictionary.

Fey - Doomed or destined to die, especially as indicated as unusual behavior.

---------------------

Biglang nagising si Bron.

'Si Hannah!' Napaisip siya.

Hapon na at hindi niya namalayang nakatulog pala siya ilang oras. Bumilis ang kabog ng puso niya sa kaba at pag aalala.

Agad niyang nilingon ang kapatid..

"Amelia?? Okay ka lang ba???"Nag aalalang tanong ni Bron sa kapatid na nakapikit pa ang mga mata.

Ngayon, Bron has finally came back to his senses. Hindi tulad kanina na matamlay dahil sa sobrang pagod.

" K-kuya... Si ate Hannah? Hindi pa ba nakakabalik? Nag aalala ka ba kuya?" Mahina ang boses ni Amelia habang nakapikit parin ang mga mata.

" Shh.. Magpahinga ka lang muna. Hindi kita iiwan dito. "  Sambit ni Bron.

Minulat ni Amelia ang kanyang mga mata at tinignan ang kanyang kuya sa mga mata.
"Kuya, kaya ko naman ang sarili ko ah. May mga baril naman ako dito oh. Tska kayang kaya ko na iyang mga zombie na iyan. Ako pa!" Sabay pinipilit na ngiti na sambit ni Amelia.

Tinignan ng mabuti ni Bron si Amelia. Ayaw niya itong iwan nalang ng basta-basta lalo nat may sakit pa ito. Hindi maari. Ngunit hindi talaga siya mapakali sa kaiisip kung na pano na si Hannah.

" Makaka tayo ka ba, Amelia? Kaya mo ba? Tara. Tayong dalawa ang pumunta sa kanya. " -Bron

" No kuya. Huwag mo na akong isama. You know I'll just slow you down. Tsaka kuya alam ko'ng pagod ka na ring kargahin ako noh.. Kaya it's okay. Dito lang ako. Nais ko pang mapahiga eh. " Pahayag ni Amelia. Tinignan niya ang nga baril sa tabi niya and held a revolver on her chest then a sweet smile for his brother.

" Pero, Amelia.. Responsibilidad kita. Hindi makatarungang iwanan ka dito magisa. "-Bron

" Kuyaaaa... Stop. I'll protect myself. Basta siguraduhin mong sa pagbalik mo, kasama mo na si ate.. " Nagsimula nanamang maluha

Bron sighed " Please do protect yourself out here, okay? Babalik agad kami. I just have to make sure Hannah is alright. Pag balik ko, I'll have ate Hannah, tas tubig." he patted his sister's head and gave her a forehead kiss.

The Last Flower (ZOMBIE apocalypse) Where stories live. Discover now