Chapter 18 After

1.3K 35 4
                                    

Tanghali na.

May naririnig na ingay si Amelia down stairs. Napilitang bumangon at kinuha ang revolver sa tabi.

Dahan-dahang bumaba.

"Kuya Bron, Kuya Erick? Ate Hannah?" tawag si Amelia pero walang sumasagot.Wala sila sa salas. May kumakatok sa main door.

"Sino iyan?"

Walang sagot. Pero kung zombie man eto, siguradong sinira na nito ang pinto.

Binuksan ni Amelia ang pinto at sa gulat niya isang batang babae around 4-5 yrs old ang nasa harap niya. Maputla, payat at umuubo pa ito. Nawawa si Amelia ang kanyang baril na hawak.

" Anong pangalan mo? Nasan ang mga magulang mo?Tanong ni Amelia.

Pero hindi sumsagot ang bata na patuloy paring umuubo.

*sigh* "Kawawa ka naman... Halika, pasok ka. Paiinumin kita ng tubig."

Niyaya ni Amelia ang bata at pinaupo sa sofa. Pumunta naman siya agad sa kusina para kumuha ng tubig.

Pagka labas niya ng kusina, nagulat nalang siya nang nakitang nakahiga na ang batang babae sa sahig, umuubo ng dugo. Agad itong tinakbuhan ni Amelia.

"Naku! Napano ka ba? Halika. Inumin mo muna itong tubig. Tatawagin ko kuna mga kuya't ate ko." Kinakabahang sabi ni Amelia sa bata

Pagkatapos niya itong painumin ng tubig, sinubukan niya itong kargahin at ilagay sa sofa. She did it kahit nahiran. Kumuha siya ng pamunas sa dugong inuubo ng bata.

" Kuya! Patulong please. May bata rito! " Sigaw ni Amelia.

Maputla na ang bata at parang hindi na humihinga. Hindi naman ito napansin ni Amelia dahil itoy bahagyang pinupunasan ang dugo sa sahig.

"Dito ka narin kumain. Sa tingin ko lumabas sina kuya para kumuha ng pagkain. Kaya relax ka lang diyan ha.." Sabi pa nito, hindi napansin ang batang wala na palang buhay.

BAGG !!

Sinipa ng malakas ni Bron ang main door na ikinagulat ni Amelia.

"Kuya-

"Sa likod mo, Amelia!!" Sigaw naman ni Hannah na nasa likod na ni Bron.

Lumingon si Amelia at ang batang inosenteng pinapasok niya kanina lamang, ngayon ay zombie na. All white na ang mga mata nito. Itoy pumatungo kay Amelia.

Hindi makagalaw si Amelia. She cant fight it. Bata pa ito. Inosenteng bata!

Agad tumakbo si Bron hawak hawak ang kanyang sword at hiniwa sa dalawa ang batang zombie.

Talsik ang berdeng dugo sa mukha ni Amelia. Napapikit ito at hindi makapaniwala. Bigla nalang itong napaiyak.

"Tara na!" Sigaw ni Erick na nasa loob na ng red truck.

Hinila ni Hannah si Amelia at sumakay na sila. Binigyan ni Erick ng tig iisang baril sina Amelia at Hannah. Sumunod ng pumasok si Bron.

Nanlaki ang mga mata ni Hannah when she saw dozens of children sa daan. Lahat sila ay kabilang na sa undead. Nakaka awa.

May mga bata pang umaakyat sa sasakyan kaya napipilitan si Hannah barilin ang mga ito.

" Amelia, tulungan mo ko. Shoot them! " Sigaw ni Hannah at inilabas uli ang kalahating katawan sa bintana. Umandar na rin ang sasakyan.

Tumutulo pa rin ang mga luha ni Amelia. Hindi makapaniwalang lahat ng mga batang itoy kailangan nilang labanan at patayin.

Erick just hit some of the kids with the truck. Wala na dapat silang pagkaawaan. Wala ng pag asa ang mga batang ito, inisip niya. Sa hindi kalayuan may isang building na sa hinala nilay isang orphanage. Meron ring mga nag lalakad na zombie nuns. Nakakakilabot tignan.

The Last Flower (ZOMBIE apocalypse) Where stories live. Discover now