Chapter 13 To Save a Friend

1.4K 32 1
  • Αφιερωμένο στον/ην goobunny
                                    

Pa lakad lakad si Erick sa loob ng kwarto, hindi mapakali.

" Tama naman siguro ako. Puro kasi kasungitan lang ang alam ng Bron na 'yan. Aba, dapat may gawin din siya. Ginawa ko ang lahat dun sa school para maligtas ko si Hannah. Tapos nakuha pa niyang matulog katabi si Hannah??? "
Napigilan si Erick sa nasabi niya. " Sinabi ko ba 'yon lahat kay Bron dahil lang nag seselos ako?? Hindi. Hindi.. Napaka babaw naman niyan para papuntahin ko si Bron sa gubat mag-isa sa gitna ng gabi at umuulan pa. Aghh! Kainis. " Gulong gulo ang isipan ni Erick.

While looking around napansin niyang nasa kwarto pala siya ng uncle nina Bron. Malinis pa rin ang pagka ayos ng mga gamit dito at may mga litrato pang naka dikit sa pader.

'Hmmmm close pala sina Bron sa uncle nilang to.. - Napaisip si Erick habang nakatingin sa isang malaking picture frame. Nasa litrato ang uncle nila na naka damit hunter, si Bron at si Amelia. Ang babata pa nila. Ang saya nila tignan.

Napakunot noo si Erick habang naka tingin sa batang si Bron sa litrato. 'Masayahin naman pala si Bron dati.. Ba't hindi ko siya nakikitang masaya ngayon?'

Lalong na kokonsensya si Erick sa ginawa niya.

Napatingin naman siya sa kasunod na litrato. Litrato ito ng uncle nila. Mestiso at matangkad ito. Naka suot hunter pa rin siya. Kaya siguro dito siya nakatira dahil sa hilig niya sa pag hunt. 'Paano kaya siya namatay. Ito kaya ang dahilan ng kalungkutan ni Bron?'

Nakaramdam ng lungkot si Erick at napa upo ito sa kama. Bahagyang naka tingin pa rin sa mga litrato sa pader.

Naalala ni Erick nung unang araw niyang nakita si Bron sa stock room. Nasiyahan siya nun dahil hindi siya nag iisa. Nakita niya ulit ang imahe ni Bron sa isip niya nung sinagip siya nito mula sa nagraragasang zombies sa labas ng ospital. Naalala niya yung tinawag niya si Bron at agad siyang niligtas nito nung inatake sila ng zombies sa loob ng bahay niya.

Na alala niya nung tinanong niya si Bron tungkol sa kanyang ama. Iniiwasan niyang pagusapan ito.

" Ahhhhhhgh ang tanga tanga mo Erick." Mahinang pinopokpok ni Erick ang sariling ulo. " Wala nga siyang ginawa pag dating sa pagkain pero ilang beses niya kaming pinagtanggol. Nauna pa niya kaming salbahin kaysa dun sa kapatid niya. F*ck ang sama sama kong kaibigan. "

Tumayo si Erick at huminga ng malalim na tila nakapag disisyon na.

Bumababa siya sa hagdanan at nakita niyang naka antabay parin sina Hannah at Amelia sa bintana. May suot na silang mga jacket dahil nakakapasok na ang malakas na hangin.

Nagpatuloy sa pag baba si Erick at kinuha ang baril na kanina lang ay nilagyan niya ng bala. Lumakad na siya papuntang pinto at nilingon siya nina Hannah at Amelia.

" Bakit Erick? Ngayon mo lang ba na realize ang ginawa mo?" Tinitigan ni Hannah ang Erick na naka yuko. Hindi maka harap sa kanila.

" Pag si kuya magsabing may gagawin siya, gagawin niya yan. Hindi yon babalik pag hindi siya makakakuha ng pagkain. Naaawa ako sa kanya. Napano na kaya siya ngayon.. " Malungkot na sabi ng bata

" Hindi kita maintindihan, Erick. Alam kong malaki ang utang na loob mo sa kanya. Pero bakit..." -Hannah

" Alam ko nagkamali ako sa mga sinabi ko. " Nakayuko pa rin si Erick

" So ano na ngayon? Maibabalik mo ba si Bron dito? Sabihin mo nga, ba't mo ba sinabi yon kung alam mong hindi naman tama.. " -Hannah

Napalingon si Erick kay Hannah. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Ang kulay asul niyang mga mata. Napangiti ng konte si Erick.

" Nakangiti ka pa? Erick, make me understand please. Kilala kita, mataas ang respeto mo kay Bron, hindi ba? Niligtas niya tayo. " -Hannah

Yumuko nanaman si Erick " Hindi naman talaga ako ganito. Masayahing tao ako eh. Tska tama ka nga Hannah, niligtas tayo ni Bron. Paulit ulit niya tayong sinalba sa piligro. Naging makasarili ako sa nararamdaman ko. Hindi ko man lang inisip kung ano ang mararamdamn niya. I put my unessesary feelings first before our friendship. Inisip ko, mag isa lang ako sa buhay tapos kukunin niya pa ang isang taong gustong gusto ko. "

Naguluhan sina Hannah sa narinig nila. Hindi nila maintindihan. Meron siyang nagugustohan?

Tumulo ang mga luha ni Erick, shaking with guilt and regret. Na gulat sina Hannah at Amelia. Hindi nila inakalang iiyak din pala ang isang tulad ni Erick.

Pinunasan niya ang kanyang mga luha at nakangiting tumingin kina Hannah at Amelia.
" Sa tingin ko, Bron deserves more than me. " And he locked eyes with Hannah. His heart broke.

" Erick.." Lalapit na sana si Hannah ngunit nag simula na itong lumakad.

" Uuwi akong kasama si Bron. Antayin niyo kami ha.." Pilit na pinapahinaon ni Erick ang boses na nanginginig sa iyak.

Tumakbo si Hannah at hinagkan si Erick ng mahigpit.

"Mag ingat ka Erick, please. Bumalik kayo dito ni Bron na ligtas. Ipangako mo saakin, Erick..." Sabi nito habang naka akap kay Erick. Pinipilit na hindi maiyak kahit lumuha na.

Naka dama ng kirot si Erick sa yakap na iyon. He liked Hannah. He liked her more than anyone in his life. He hugged Hannah back. Tightly at bumulong "Pangako..."

Bumitaw na siya sa yakap ni Hannah at tumalikod na. Pinupunasan pa rin ang mga luha.

That moment, Erick broke his own heart para sa kaibigan niya. He have never seen Hannah's eyes shine for him. Those eyes were for Bron. Inisip niya it's better not to tell anyone tungkol sa nararamdaman niya para kay Hannah. Sa pagkakataong ito, siya naman ang mag sasakripisyo.

Mahigpit na hawak ni Bron ang kanyang baril at nag patuloy mag lakad papunta sa gubat.

Totoo nga. They're in the middle of nowhere. Napapaligiran ang lugar ng gubat. Gumagala pa rin dito ang mga mababangis na hayop. Sino bang mag aakalang may naka tira dito. Walang ibang bahay na nakatayo. Grabe ang love for hunting ng uncle nina Bron.

Erick's hoping na sana hindi pa infected ang mga hayop sa gubat na iyon. Pero kahit na.. Kailangan niya paring maging handa. Kinakabahang nag lalakad ng sigurado si Erick sa madilim na kagubatan. Eyes wide open and ears clear to hear.

----------

Dumaan ang isang oras, walang natagpuang hayop si Erick. Wala ring Bron na nagpakita.

" Pambihira. Saan ba to pumunta itong si Bron? " Napa bulong sa sarili si Erick.

Far ahead, may napansin siyang kumikinang. Nanlaki ang mga mata niya dahil ang kumikinang na ito ay sword ni Bron. Itoy nasa ilalim ng isang balete. Nag madaling pinuntahan ito ni Erick.

'Sigurado akong espada yan ni Bron' -Binilisan ni Erick ang pag lakad, hoping na makikita niya rin si Bron.

"Bron, pare! Nandiyan ka lang pala!"

Nawala ang excitement ss boses ni Erick nang nakita niyang iba ay may hawak sa espada ni Bron.

Dahan dahang lumingon ang may hawak ng espada..

Hindi maka galaw si Erick sa takot nang nakita niya ang kakila-kilabot nitong mukha. Smashed faced zombie.

Tumayo ang zombie gamit ang espada ni Bron.

May preskong dugo pang dumadaloy at tumutulo sa espada.

" H-hindi.. Hindi maari.. " Nanginginig na sabi ni Erick habang dahan dahang umaatras.


The Last Flower (ZOMBIE apocalypse) Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα