Chapter 25 Bite

1.1K 28 3
                                    

Nag simula nang mag lakbay sina Hannah at ang kanyang ama kasama ang dalawang lalake. Si Bron naman ay nakatago lang pala sa likod ng mga damuhan, nag hihintay sa dulo ng bridge.

'Pupuntahan ko kaya si Amelia. Uunahan ko sila at aalis kami bago pa nila kami makita. He will recognize me and Amelia. That bastard did so much evil things to my sister. Hindi ako papayag na paglaruan pa niya kami.'
Napaisip si Bron.

Agad nang tumakbo si Bron sa kinaruruonan ni Amelia. Gabi na nga pero maliwanag ang buwan. Habang malapit na si Bron sa kinaruruonan ni Amelia, napansin niyang parang may mga kasama si Amelia. Ngunit ang mga kasama niya, they’re all down.Nakahiga… Nakikita naman niya ang figure ni Amelia na naka sandal parin sa puno. Bron bolted para tignan kung anong nangyari.

------------------------------------------

Nanlaki ang mga mata ni Bron, ilang distansya palang siya sa puno. Mga zombies pala ang nakahandusay sa lupa.

Lumapit si Bron sa naka upo at naka sandal sa puno na kapatid.

“Amelia??” Tawag niya…

Sarado ang mga mata ni Amelia. Madaming blood stains sa kanyang damit, blood stains ng zombies. Putlang putla pa si Amelia. Mahigpit pa ang hawak ni Amelia sa kanyang revolver at ang shotgun ay nasa tabi niya, eyes still shut closed. Pero bakit hindi niya sumasagot kay Bron?

Lumuhod si Bron sa harapan ni Amelia at parang iba na ang kanyang nararamdaman.

“Amelia!??” Tawag ulit ni Bron sa kapatid.

Gumalaw ang kamay ni Amelia. Agad kibuha ni Bron ang mga kamay ng kapatid ng itoy mabibitawan na ang baril. Kampante si Bron na walang nangyari sa kanyang kapatid, dahil wala itong kagat na nakikita niya.

“Naghintay ka nga….” Masaya pa ang tono ni Bron at agad niyang hinagkan ang kawawang kapatid.

“ Hali ka. Dadalhin kita sa ilog, iinom tayo ng tubig doon. ” Dagdag pa ni Bron habang higpit parin ang pagka yakap nito sa kapatid.

Hindi sumsagot si Amelia pero alam ni Bron na buhay pa ito. Namulat ang mga mata ni Amelia pero hindi ito nakikita ni Born dahil naka akap pa rin ito sa kanya.

Iba ang kulay sa mga mata ni Amelia, at iba rin ang titig nito..

“Nag antay ka ba ng matagal Amelia?” Tanong ni Bron.

Hindi sumasagot si Amelia pero ramdam ni Bron na gumagalaw ang ulo nito na nakasandal sa leeg ni Bron. Naalala ni Bron na hindi pala niya naisama si Hannah.

“Pasensya ka na, Amelia.. Sa tingin ko hindi na uuwi sa atin si ate Hannah mo. Natagpuan na niya ang kanyang pamilya. Patawarin mo ako Amelia hindi ako tumupad sa usapan… pata-

Biglang may naramdamang kirot si Bron sa kanyang leeg sa bandang kanan kung saan nakasandal si Amelia.

Parang may kumagat…??

Numb ang katawan ni Bron dahil sa halong ginaw at gutom na nararamdaman niya ilang oras na. Ngunit ngayon, damang dama niya ang sakit sa kanyang leeg.

“ Hindi….” Nanlaki ang mga mata ni Bron habang dahan dahang kumawala sa kapatid.

'Diyos ko, hindi ako umabot?' Naisip niya.

At sa laking gulat niya, lumantad sa kanyang paningin ang madugong bibig ng kababatang kapatid.

She’s chewing her brothers flesh.

Hindi makapaniwala si Bron. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Ayaw niyang isipin at hindi niya matatanggap na ganito na ang kanyang kapatid, na si Amelia ngayo’y isa na sa mga kasindak-sindak na mga zombie.

“Amelia! Get back to your senses!!” Sigaw ni Bron, hawak ang kanyang mga balikat, shaking her aggresively.

Hindi kumikibo si Amelia. Tapos nag sisimula na itong kumawala sa higpit na hawak ni Bron. Nag simula nang lumakas ang bawat sipa at pagwawala ni Amelia.

“NO! Amelia!! Huwag kang pumayag!! Hindi ako papayag. Hindi! ” Galit at umiiyak si Bron.

" HrRrRrr" Iyan lang ang lumabas sa bibig ni Amelia.

Nanatili paring naka luhod si Bron umiiyak, hindi alam kung anong gagawin. Nasa kanan niya lang ang kanyang espada, pero hindi niya lubos gustong isiping kailangan niya itong gamitin sa kapatid.

'Hindi ko kaya……….' Patuloy ang iyak ni Bron; Malakas na hagulhol.

Hinayaan ni Bron makawala ang kapatid ss hawak niya. Habang patuloy parin ang agos ng dugo galing sa kanyang leeg, nag sisimula na ring lumabas ang mga dugo sa bibig ni Bron. Hindi niya mapigilan.

“Amel-Amelia-a”

Tumayo si Amelia.. Ang dating Amelia..

' Ito na yata ang katapusan ko. Hindi ko na kayang iligtas pa ang ibang tao. Sarili ko ngang kapatid hindi ko nga nailigtas. Hannah, mabuti narin at nahanap mo na ang iyong pamilya.. Hannah –

 

 

“BRON !!!!!”

Nangunot noo si Bron at napalingon agad sa narinig niyang boses.

“Han-naa-h?” Mahina ang boses ni Bron at hindi na niya masyadong nakikita ang paligid.

Si Bron naman ngayon ang naka sandal sa puno. Marahas na lumapit si Amelia pero agad niya itong sinipa habang pinapanuod si Hannah na tumatakbo. Natumba ang zombie'ng Amelia pero she right back up, crawling towards Bron.

Napatingin ulit si Bron sa kapatid. Hindi na ito nagmumuhkang si Amelia niya. Tumutulo ang nakakadiring likido sa kanyang bibig. Naalala niya si Erick. Lalong kumirot ang kanyang puso. It's like his heart broke into more peices now.

'Nasaan na ang maamong mukha ng aking kapatid??'

Patuloy ang agos ng kanyang luha at mga dugo mula sa bibig niya. Lahat ng lakas na naiwan sa kanya, tila sa isang iglap ay naglaho. Nag flash muna sa isip niya ang mukha ni Erick, ng kanyang inosenteng kapatid at ang mukha ni Hannah, bago paman tuluyan na niyang pinikit ang mga mata.

The Last Flower (ZOMBIE apocalypse) Where stories live. Discover now