Chapter 25

5 0 0
                                    

"Gising na siya."

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Bumungad sa akin ang mga mukha nila Loisselle nang maimulat ko nang tuluyan ang mga mata ko at kasama si Zhanaiah na sa pagkakatanda ko kasama ko lang sa taas kanina.

"Jusko naman Elmira. Kala ko pa naman din napakatapang mo. May humatak lang sayo, nawalan ka na kaagad ng malay"

Humatak? Napakunot noo akong napatingin kay Loisselle nang sabihin niya yon.

May humatak saken? Bakit parang baliktad ata yon. Sa pagkakaalala ko, hindi ako ang hinatak, kundi sila. At naiwan ako mag-isa bitbit ang bag ko na walang laman.

Tinulungan nila akong makatayo at kinuha ko ang bag ko na bitbit ni Liezel kanina. Nandito pa rin yung mga nakuha kong ilang mga gamit na nakuha ko kanina sa isang tagong lalagyan na yun.

Sa pagkakaalala ko, nilagay ko sa bulsa ng bag ko yung sulat. Kinapa ko yun doon dahil medyo madilim nanaman dito kung hindi lang dahil sa flashlight na gamit nila Loisselle, wala na talaga akong makikita.

Nandito pa rin naman siya. So it means totoo yung nangyari kanina. Hindi ko lang alam kung bakit nawalan ako nang malay at kung anong nangyari sa mga kasama namin kanina doon.

Hindi ko alam kung nakalabas ba sila o hindi dahil dito na ako nagising. Pero hindi ko alam kung bakit ako lang ang nawalan ng malay gayong kasama ko naman si Zhanaiah sa taas kanina.

"Sandali."

Napahinto ako nang huminto silang lahat na nasa harapan ko at sinilip kung bakit sumigaw si Shiela.

Sa harap namin ngayon ay may mga nagbabagong pwesto na mga pader at nang matapos magbago ang mga posisyon ng mga yon, nagkaroon ng tubig sa nag-iisang pwede naming madaanan ngayon. Yun na lang ang natitirang daanan na hindi nakasara.

Lumapit si Shiela doon at pinagmasdan ang tubig.

"Hindi ko makita kung gaano kalalim 'to. Pero ito lang ang pwede nating madaanan."

Lumapit din si Loisselle doon at may nilabas galing sa bag niya na isang panukat sa lalim ng tubig. Hindi na ako nagulat pa doon dahil ang laman ng bag niya ay mga gamit na kung ano-ano  pero nakakapagtaka lang na hindi siya nabibigatan doon.

"6 ft ang taas ng tubig. At may naramdaman akong kaunting ground. Hindi natin kakayanin kung dadaan tayo diyan."

"Pero yan lang yung natitirang pwede nating daanan."

Napatingin ako sa taas. Kung hindi kami makakadaan sa baba, baka pwedeng sa taas.

"Loisselle."

Napatingin silang dalawa sa akin na nag-uusap pa rin sa harap naming tatlo.

"Baging."

"Ano?"

Dahil Earth Attributer siya, kakayanin niyang makagawa ng mga baging na pwede naming pagdaanan. Pwede pa siyang makagawa ng tulay na gawa sa mga baging kung kakayanin niya. At kung gumagana ang kapangyarihan niya dito.

Naguluhan siya sandali pero naramdaman ko ang paggalaw ng mga baging sa paligid namin at nagkaroon kami ng daanan na mas maganda pa sa naisip kong tulay. May pahagdan pa siya na hindi ko inasahan.

Natawid namin yung tubig nang walang kahirap hirap salamat sa ginawa ni Loisselle na daanan.

Naghanap kami kaagad nang pwedeng madaanan pero palagi kaming napapabalik sa pinanggalingan namin dahil sarado ang mga daanang nalilikuan namin.

"Pang-ilang beses na nating nakapunta sa lugar na to pero wala pa ring daanan."

"Sa kabila tayo maghanap."

Lumapit kami sa kanang bahagi ng maze at doon naghanap ng pwedeng madaanan pero wala pa rin kaming nakita. Nakasarado pa rin lahat. Puro pader pa rin ang sumasalubong sa amin palagi.

Pero hindi pwedeng walang daanan sa kahit saan.

Sinubukan kong kumatok sa pader at inilawan ko rin. Ginawa ko na to kanina. Baka meron pang daanan na nakatago lang sa likod ng mga pader na to.

"Anong ginagawa mo Elmira?"

Lumapit sa akin si Loisselle at pinagmasdan ang ginagawa ko.

"Hindi pwedeng walang daanan. Find something on the walls. Kahit ano."

Nagsimula rin nilang katukin at pakinggan ang mga pader. Pero hindi tagong bintuan ang hinahanap ko. Switch. Something na makapagbubukas ng pintuan.

Bumalik kami sa kaliwang part ng maze at naghanap din sa mga nadaanan namin. Pero wala akong nakita kahit ano. Pati rin sila.

We missed something, sigurado ako don. Umupo ako sa sahig at nag-isip.

Inalala ko ang mga dinaanan namin at mga lugar na pinaghanapan ko. Ilalagay ba nila yon sa lugar na makikita kaagad namin? I'm sure hindi.

Kung wala sa pader, pwedeng nasa sahig o malapit sa sahig. Right.

Hindi ako nagtingin sa babang part kanina, at ganon din sila dahil pintuan ang hinahanap nila.

"Patayin niyo ang mga ilaw niyo."

Nagtataka man, ginawa na lang nila ang sinabi ko. Ginagamitan namin ng ilaw para makita, pero paano kapag walang ilaw. Now we need to find it again. But this time, hindi na ako umalis sa kinaroroonan ko at nanatiling nakaupo.

Binalikan ko ang mga nadaanan namin gamit ang paningin ni Shiela. Alam kong hindi yun magagamit dahil sa mga pader na nakaharang at sa dilim ng paligid pero sinubukan ko pa rin.

Hindi gumagana, dahil sa limitation na meron ang kapangyarihan ni Shiela. Pero kung matatanggal ko yon, pwede sigurong gumana.

Nabuksan ko na ang mga kapangyarihan nila noon, pero may limitasyon ang bawat kapangyarihan katulad nang kay Shiela na hindi makakakita nang malayo kung may nakaharang sa mas malapit.

"Elmira. May plano ka ba? Hindi pwedeng wala tayong ginagawa. Gumagalaw ang oras."

Nanatili lang ako sa posisyon ko at hinayaan ko sila sa ginagawa nila.

Kung hindi ko magagamit yung kay Shiela, kailangan kong subukan yung akin. Nagamit ko na ang kapangyarihan niya nung nakaraan kahit wala siya sa paligid ko. Maybe, I can use that again.

Tumitig ako sa mga pader dahil nakapag-adjust na yung paningin ko sa dilim.

Gumagana. Kahit hindi ko alam kung paano. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at sa mga nadaanan namin. Tiningnan ko ang bawat sulok at sa sahig.

"Nakita ko na."

Nagulat ako nang magsalita si Shiela at dahil sa sinabi niya.

"Anong nakita mo na?"

Napatingin ako sa kanya nang may pagtataka.

"Hindi ko alam kung paanong nangyari, pero nawala yung limitasyon ng paningin ko. I mean, tumatagos sa mga pader. Tara na."

Kahit naguguluhan ako, kinuha ko na yung mga gamit na nilapag ko kanina ar sumunod sa kanila. Nakita ko rin kung nasaan nakalagay, pero mas nakakapagtaka yung nangyari kay Shiela. Does that mean na kaya ko ring magdagdag ng ibang branch or uri ng kapangyarihan sa iba? Mas nainhance yung kapangyarihan niya. Maganda yun pero paano?

Lumuhod siya sa sahig nang makarating kami sa kung saan ko rin nakita yung switch at siya na ang pumindot non.

Sa likod namin, isang daanan ang nagbukas kaya agad din kaming dumaan doon.

Isinantabi ko muna ang nangyari kay Shiela at nagpatuloy kami sa paghahanap ng mga dadaanan palabas sa pasikot sikot na maze na to

Harzenia RoyaleWhere stories live. Discover now