Chapter 2

16 1 0
                                    

Huminto ang sasakyan sa harap ng isang malaking pintuan pagkatapos dumaan paikot sa isang malaking fountain sa gitna.

Bumaba kami ng sasakyan.

Tahimik ang lugar. At may iilang tao akong nakikita na naglilinis ng paligid. May mga nagpapantay ng halaman at mga nagdidilig.

Hindi ko alam kung nasa Harzenia na ba talaga ako o nasa mundo pa rin ng mga tao kasi napakanormal ng lahat nang nakikita ko.

Para lang akong nangibambansa dahil sa mga tanawin.

"Pumasok na tayo."

Hindi ako nagsalita at sumunod na lang ako sa kanila. May nagbukas ng double-door para sa amin at nakita ko kaagad si Mama.

Maraming nakapaligid sa kanyang mga tao at sa tingin ko mga taga silbi ang mga yon, dahil pare-pareho sila ng kulay ng mga soot.

Nakasuot si Mama ng isang napakagandang gown at may gwantes din sa dalawa niyang kamay. She's so beautiful. And this is my first time seeing her wearing an elegant gown.

Noong bata ako, ang palagi niya lang soot ay mga normal na kasuotan ng mga taga Silangan, normal na kasuotan na kagaya ng sa mundo ng mga mortal. Tshirt at pants. Ipinagbabawal magsoot ng short dito sa Harzenia noon pa, pero yun ang nakasanayan kong sootin sa mundo ng mga mortal.

"Elmira, anak."

Siya ang lumapit sa akin, dahil hindi ko alam kung anong ikikilos ko sa loob ng Palasyo na 'to. Hindi ko rin alam kung totoo nga ba ang mga 'to.

Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya. Umiiyak siya. Pero naguguluhan pa rin ako Sa lahat nang nangyayari.

"I missed you so much!"

Hinalikan niya ako sa noo ko.

Nakita ko ang kwintas na nakasoot sa kanya. Isang gawa sa Diamond na kwintas, at napakaganda non. Bagay na bagay sa ayos niya ngayon.

"Kamusta ka na? Ha? I've been longing to see you again my daughter. I really really missed you!"

Niyakap niya ako ulit, pero hindi ko sinagot ang tanong niya.

Naging maayos ang pamumuhay ko sa mundo nang mga mortal, pero may mga pagkakataon lang talaga na hindi pumapanig sa akin ang kasiyahan.

"Ma."

Tinanggal niya ang pagkakayap niya sa akin at tiningnan niya ako. Tumulo ang luha niya at agad niya rin yong pinunasan.

"Yes baby?"

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa tinawag niya sa akin.

Noong bata ako, yan ang tawag niya sa akin at tuwang-tuwa ako sa tuwing maririnig ko yon sa kanya, pero ngayon, I'm turning 19, it feels so strange and awkward.

"Are you the Queen?"

Alam kong hindi ko na kailangan pang itanong 'yon. Pero gusto ko pa rin nang sagot mula sa kanya.

Tumango siya at ngumiti bilang sagot. Now, hindi na talaga ako sigurado kung ano ang ikikilos ko sa lugar na 'to. Marami nang mga matang nakatingin at bawat kilos ko.

"I know you're all tired dahil sa mahabang byahe, pero Mama Red, pwede bang kumain muna tayo ng sabay-sabay? Parating na rin po si Jack."

Nauna si Mamang maglakad papuntang dinning area I guess.

Napapalingon ako sa bawat painting na nakikita ko sa loob ng palasyo. Sobrang nakakakuha ng atensyon, lalo na yung mga taong nandoon.

Yung mga dating hari at reyna ng Harzenia. At sa pinakadulo ay ang family painting nila Mama, at wala ako don.

Harzenia RoyaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon