Chapter 7

13 1 0
                                    

Inuwi ko din kaagad si Loisselle sa dorm nang magising siya. Nawalan talaga siya nang malay hindi pa man kami nakarating sa infirmary. Buti na lang may isang taga level 1 akong nakasalubong na may kakaibang lakas. Ginamit ko muna 'yon para maidala ko siya.

"Nagamit ko yung kapangyarihan ko. Seriously."

Nasa kwarto ako ngayon at rinig na rinig kong sinasabi ni Loisselle yun sa mga kasama namin dito sa dorm. At nakailang beses na niyang sinabi yon.

"Pero hindi ko magawa ngayon. Arrgh."

Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko sa natitirang libro na hindi ko pa nababasa kahit ang ingay-ingay niya.

Alam kong may kakaiba sa libro na 'to noong una ko palang makita 'to. Maliban sa sinabi ni Loisselle na wala nang nakasulat dito, alam kong may iba. Naramdaman ko na yon nang unang hinawakan ko pa lang 'to sa library pero hindi ako nagpahalata.

Hindi ito libro para makapasa nang mabilisan sa bawat level. Isa itong libro ng mga sekreto na nilagyan nila nang panibagong cover para hindi makita agad.

Alam kong may iba pang mga libro na kagaya nito doon sa library, pero maswerte si Loisselle dahil nakakita siya nang isa.

"It's You, The Summoner"

The Summoner was always the most Dangerous Enchanter of all ages depending on what she can summon. It's either she can summon things, powers,  people or anything if she wanted to.

The Summoner can use, remove or bring back one's power if she wanted to.

And, welcome back, Elmira — The Summoner.

Parang may sariling buhay ang libro na 'to at sinusulat niya ang mga gusto niyang sabihin at pinapabasa niya yon sa akin.

Sa bawat paglipat ko ng pahina, may isang bagay na tungkol sa akin ang nakikita ko. Minsan may mga gumagalaw pa na litrato at pinapakita ang naging buhay ko dito at sa labas ng mundo na 'to.

Sinasabi niya kung ano ang Summoner at gampanin nito pero hindi ko naiintindihan. Dahil parang napakabigat ng gampanin non para sa akin.

Sinara ko ang libro nang may kumatok sa pintuan ko. Nilagay ko yon sa ilalim ng kama ko bago ko pinagbuksan yung kumakatok.

Bumungad sa akin ang mukha ni Rebecca — the Red haired lady. Nagpakilala sila isa-isa kanina pagdating namin dahil sinabi ni Loisselle.

Pero bihira lang magsalita 'to at alam ko kung anong kaya niyang gawin.

Nasa level 3 na siya pero isa lang siyang may hawak ng Sub-element at alam kong malakas siya para makarating siya kaagad sa level 3. Siya pa lang ang nasa level 3 sa kanila at yung dalawa na sina Shiela at Liezel ay nasa level 2.

"It's time for dinner."

Yun lang ang sinabi niya pero kinilabutan ako doon. Minsan lang siya magsalita pero nakakakilabot. Napakalamig kagaya ng element niya. Yelo.

Parang palaging may kasamang aircon 'tong tao na 'to dahil sa lamig na dala niya.

Tumango ako at lumabas nang kwarto ko.

Nakabihis na ako nang pantulog kanina pa at hinihintay ko na lang ang dinner dahil  sa first floor lang naman yun ng building.

Sabay-sabay kumakain lahat kapag dinner at libre yon ng dorm palagi kaya masaya ang lahat kapag dinner na dahil nakakatipid kami pare-pareho.

Sabay-sabay kaming bumaba papuntang first floor gamit ang elevator na ilang saglit lang ay nakalapag na kaagad sa 1st floor.

Pagdating namin sa dinning area, medyo marami na rin ang tao. Umupo kami sa usual na inuupuan namin na medyo nasa gitna.

Ayoko sanang nasa bandang gitna kami nung unang beses kong nakakain ng dinner dito dahil nasasagap ko halos lahat ng kapangyarihan nila, pero alam ko namang kontrolin, kaya okay na ako na dito na kami. Dito daw talaga sila nakapwesto ever since.

Malawak ang dinning area dahil naaaccommodate niya lahat ng tao sa dorm na may 30 floors, may 15 units kada palapag, na may maximum na 6 person per unit.

Mahigit 2000 kaming kumakain ng sabay-sabay at hindi ko rin alam kung paano nangyaring ganon kalawak 'tong area na 'to.

Para kaming nasa isang open field. Actually nandito talaga kami ngayon, at sa taas namin ay isang transparent na bubong at nakikita namin dito ang kalangitan pero hindi yon ang pinunta ko dito. Pumunta ako dito para kumain.

Nagsimula na kaming kumain pare-pareho at nagsimula na ang ingay. Hindi ko rin sila maintindihan dahil tuwing kumakain kami, kailangan laging maingay. Lalo na dito sa dinner.

Kwentuhan sila nang kwentuhan nang mapatigil ako sa pagkain.

Napatingin ako sa kabilang table hindi kalayuan sa amin.

"Anong nangyayari sayo?"

Merong malapit sa akin somewhere na matalas ang pandinig kaya naririnig ko rin ang pinag-uusapan nila doon kahit maingay pa yung paligid.

"Bro, hindi ko makontrol yung kapangyarihan ko. Parang gustong lumabas."

Namimilipit siya sa sakit dahil alam kong pinipigilan niya yung sarili niya.

Nilibot ko ang paningin ko para makita kung sinong gumagawa non pero sa dami nang nandito, hindi ko alam kung kanino yon.

Pero isang tao ang nakakuha nang atensyon ko. Nakaupo lang siya at kumakain nang mapatingin rin siya sa akin.

Alexis.

Bakit ikaw ang nararamdaman kong gumagawa nito? Anong problema mo sa taong yun at kailangan mong paranasin ng ganon? Hindi naman katanggap tanggap kahit ginagantihan mo lang siya.

Pwede mo siyang mapatay nang dahil doon. Kapag hindi niya nakontrol ang kapangyarihan niya, pwede niyang ikamatay 'yon, kaya nga sineal ko ulit yung kapangyarihan ni Loisselle dahil doon. Dahil alam kong pwede siyang mapahamak, tapos ikaw? Ganito yung ginagawa mo?

Ayaw kitang pagbintangan pero ikaw lang ang tinuturo sa akin na gumagawa neto. Maliban nalang kung may nag-uutos sayo.

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko at bumalik kami sa unit namin pagkatapos kumain.

Kailangan ko nang humingi nang gabay mula sa taas. Sa kanila lang ako makakakuha ng sagot.

Umupo ako sa kama ko at pumikit. Pagdilat ng mga mata ko, may isang babaeng nakatayo na sa harap ko. Kulay asul ang suot niyang bistida na umaabot hanggang sahig at natatakpan ang kanyang mga paa.

Mayroon siyang buhok na mahaba na kulay itim at nakalugay lamang ito.

Yumuko ako bilang paggalang sa kanya.

"Princess Arithia."

"Muli tayong nagkita binibini. Anong gusto mong malaman ngayon?"

Harzenia RoyaleWhere stories live. Discover now