Chapter 26

7 0 0
                                    

Paglabas namin sa maze, bumungad sa amin ang isang tipak nang napakalaking bato na papunta sa direksyon namin na agad din naming naiwasan dahil kay Loisselle at sa kapangyarihan niya na nagamit ko din dahil sa kaba at reflexes.

Pero kung wala yon, hindi ko alam kung buhay pa kaming lima nang dahil doon.

Nagkakagulo ang mga grupong naunang nakalabas mula sa maze at parang gusto na nilang magpatayan lahat dahil sa mga kapangyarihang nilalabas nila para panlaban sa ibang grupo.

"Anong nangyayari?"

Pinanood lang namin silang lahat na nag aaway.

Apat na grupo na sila at kami ang panglima, pero isang malaking katanungan kung bakit nag-aaway-away sila ngayon gayong nasa kalagitnaan kami ng assessment.

"Talagang dito pa talaga sila nag-away-away ha."

Napatingin ako kay Shiela nang sabihin niya yon dahil mukhang may alam siya sa nangyayaring away nang mga grupo na 'to.

Napatingin siya sa akin nang maramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kanya.

"Well you know, matagal na naming alam na may alitan yang mga yan. Magkakaibigan yang mga yan dati. Nahati-hati lang sa grupo."

Binalik ko ang tingin ko sa kanilang lahat na todo ang gamit ng kapangyarihan.

Maling ginagamit nila yan ngayon dahil hindi pa namin alam kung anong susunod sa assessment na to. Kapag napagod sila sa kagagamit ng kapangyarihan nila, malaki ang chance na hindi sila makapasa.

Sayang lang yung pagod na ginawa nila kung dahil lang sa away nila mawawalan nang saysay ang lahat.

"Losers."

Napatingin kaming lima sa bagong labas na grupo sa likod namin.

Puno sila nang putik sa katawan na parang nanggaling sila sa paggulong sa kung saan.

"What?"

Inirapan kami nang nag-iisang babae sa kanila at napapailing lang yung mga kasama niyang lalaki sa likod niya.

Mukhang hindi din sila magkakasundong lima dahil sa sama ng tingin nila sa nag-iisang babae sa grupo nila.

Nilagpasan nila kami at nakisali sila sa gulo na nangyayari sa ibang grupo.

"Kasali din ba sila sa magkakaibigan na yan?"

Si Loisselle ang nagtanong at nacurious din ako kasi hindi ko alam kung bakit sumali rin sila doon. At alam agad nila na kailangan nilang sumali doon, samantalang kami na mas nauna sa kanila dito, hindi alam ang gagawin.

"No? Palaaway lang talaga yang si Kyla. Syempre dahil nag-iisang babaeng kaibigan nung apat, napapasali sila palagi sa gulo dahil sa kanya."

Halata nga. Ang taray e. Pero bakit ang daming nalalaman nitong Shiela na to. Alam lahat ng storya ng mga nasa paligid.

"Alam mo talaga lahat no?"

At alam lahat ni Loisselle lahat ng gusto kong itanong.

"No? Si Liezel lang ang nagsabi sakin ng mga yan. Kasi maraming kaibigang hayop yan."

Bakit pagdating sa hayop na word may diin si Shiela? May tinatagong sama ng loob?

"Aww."

Nahuli nang mata kong kinurot siya sa tagiliran ni Liezel.

"What? Totoo naman di ba? Shapeshifter ka di ba?"

Humarap siya sa amin at nagpanggap na may ibubulong pero ang lakas niya ding sinabi.

Harzenia RoyaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon