Chapter 3

12 1 0
                                    

Maaga akong ginising kinabukasan dahil malayo daw ang byahe papuntang Academy. And I guess, doon muna ako for good.

Naihanda na rin nila yung mga gamit na dadalhin ko nang wala akong kaalam-alam.

Hindi ko na nakita sila Mama bago ako umalis ng palasyo, ang mga naghatid lang sa akin ay yung mga tagasilbi nila na naghatid din sa akin papuntang kwarto ko kahapon.

4 am nasa byahe na ako at napakalamig ng hangin ngayon. Ang kasama ko lang ay ang driver na nanundo sa amin sa Centro kahapon at wala nang iba pa.

Masyado nang busy sila Mama ngayon. At, malaki na rin ang nagbago sa kanila. Sa aming lahat, at lalo na sa Harzenia.

Bihira akong makakita nang gumagamit nang  Qliezerh sa palasyo, maging sila Mama, hindi ko nakitang gumamit non. At nakakapagtaka yon para sa akin.

Madilim pa sa labas  at wala akong matanaw na magagandang tanawin dahil liwanag lang na nanggagaling sa sasakyan namin ang meron kami. Pati ilaw sa kalsada wala kahit isang nakabukas.

Nakarating kami sa Labas ng Academy bago mag-alas otso at mataas na ang araw. Huminto ang sinasakyan ko dahil hindi na daw siya pwedeng pumasok pa sa loob kaya bumaba na ako dala ang maleta ko.

May guard na nakangiti sa akin at nagbigay galang, pero dahil hindi ko alam kung anong gagawin, yumuko na lang din ako kagaya niya.

Pinapasok niya ako at may isang kotse na nakaabang sa akin doon at pinasakay ako nung guard. Tinulungan na rin niya akong isakay yung maleta ko sa likod.

It's a huge school. Nag-iisang paaralan lang ito sa Harzenia, kaya ganito ito kalawak. Lahat ng nagsisimulang mag-aral ng mahika ay nandirito, maging ang mga nagmamaster nang kapangyarihan nila.

Nabasa ko iyon sa librong nasa kwarto ko kahapon bago ako matulog. Nakalagay rin doon kung anong tawag sa mga building at ibang mga lugar sa loob. Dinala ko yung libro na yon dahil alam kong magagamit ko yon habang nandito ako.

Huminto ang sinasakyan ko sa isang mataas na gusali at base sa nakikita kong mga estudyante, ito yung dorm. 

Malayo ito sa ibang mga building na nandito sa loob ng Academy. At halatang bahay pahingahan ito nang lahat.

Tinulungan ako nung driver na magbaba ng gamit ko at tumuloy na ako sa lobby ng dorm kung saan nandoon ang Reception. Nandoon ang isang magandang babae at naghihintay.

Sinabi ko ang pangalan ko doon at may iniabot siyang susi sa akin.

Nabanggit sa akin  nung dalawang tagasilbi nila Mama sa palasyo na sabihin ko lang daw ang pangalan ko sa receptionist at magbibigay na sila ng susi.  Mukhang sa kanila ibinilin lahat ni Mama ang mga dapat ibilin sa akin.

Nagulat ako nang lumipad yung susi pero nakabawi rin ako kaagad at sinundan ko na lang 'yon. Sumakay yun ng elevator at kusa niyang napindot yung floor kung nasaan ang unit na tutuluyan ko. It's on the 25th floor. Pero ang ikinagulat ko ay nasa 30 floors yung pindutan. Pero yung building sa labas mukhang wala naman sa 30 floors. Dapat na kong masanay sa mga ganito.

Huminto yung elevator at nagbukas ito. Hawak ko pa rin yung maleta ko at sinusundan ko lang yung susi hanggang tumigil siya sa isang kwarto sa kanan sa pinakadulo at nahulog na lang bigla.

Pinulot ko 'yon at pinasok sa susian ng kwarto.

Isang malawak na sala ang bumungad sa akin at apat na babaeng nakaupo sa sofa. Lahat sila nakatingin sa akin ng pumasok ako kaya nagbigay galang ako at yumuko sa harap nila.

Mukhang nagkakatuwaan silang apat. Nakaistorbo pa ata ako.

"Ikaw si Elmira?"

Napatingin ako sa babaeng may kulay lilak na buhok. Ang ganda niya at bagay sa kanya yung buhok niyang yon.

Tumango ako sa tinanong niya at ngumiti.

"Oh. Okay. Bale yung kulay blue na pintuan yung kwarto mo. Wag kang mahiyang magtanong kung may mga tanong ka ha. Hindi kami kumakain ng tao."

Sinasabi niya yon habang feeling ko susugurin niya ako any time. Yumuko na lang ulit ako at dumiretso na sa sinasabi nilang kwarto.

Nilock ko yon nang makapasok ako at binuksan ang ilaw.

It looks like my room in the mortal world, hindi kagaya nang kwarto ko sa palasyo na sobrang elegante. Normal na kwarto lang pero maganda.

"What the eff."

Napagdesisyonan kong ayusin muna yung mga gamit ko pero pagbukas ko nang maleta ko, puro libro lang yung laman. What the eff talaga.

"Elmira, are you okay?" May kumatok sa pintuan ko at pinagbuksan ko yon.

"Are you okay? I heard you cursing. What happened?"

It's the purple-haired lady awhile ago.

Pinapasok ko siya at sumunod yung tatlo sa kanya na hindi ko alam na nandoon din pala.

"Oh. I think alam ko na kung bakit."

The golden yellow-haired lady said. Uso ba may kulay ang buhok dito? Bakit halos lahat nang nakita kong babae dito may kulay ang buhok? Pati yung nasa receiving kanina.

"Books." Tinuro niya yung maleta ko na puro libro at kung ano-ano. Pero bakit hindi naman ganon kabigat kanina tong maleta ko kung puro libro 'to?

"Oh. Don't worry Elmira. Nauna pa sayo yung mga damit mo. Kahapon pa nandito yang mga yan." The purple-haired lady said.

So naplano na talaga nila na papasok ako dito bago pa man ako dumating. Great. I have no idea.

Tiningnan ko yung cabinet na nasa loob ng kwarto ko at tama nga, nandoon na lahat. So yung mga libro nalang ang aayusin ko.

Hindi ko naman na kasi binuksan pa yung maleta ko kanina, sa backpack ko nalang nilagay yung mga iba kong gamit pati yung libro kaya wala akong alam.

"Thank you." Sabi ko sa kanila bago ako pumunta sa maleta ko at hinatak ko yon palapit sa bookshelf na nandito rin sa loob.

"No worries. Basta magsabi ka lang samin. Wag kang mahiya."

Nginitian ko sila bago sila lumabas ng kwarto ko.

Hope we'll get along together. At wala sanang plastikan. Sana lang.

Kasi sa mundo ng mga mortal, ganon lahat ng tao kaya mahirap magtiwala.

Harzenia RoyaleWhere stories live. Discover now