Chapter 21

4 0 0
                                    

"Anong nangyari diyan?"

Napatingin ako sa tatlong kakapasok lang ng unit namin at si Rebecca agad ang napansin nila na nakahiga lang sa sofa habang ako nagbabasa nang libro.

Kakabalik lang nila galing sa Assessment at halatang pagod din.

Nagkibit balikat ako sa tanong nila at binaba ko ang librong hawak ko at pumunta sa kusina para maghanda ng meryenda nila.

Kanina pagbalik ko galing rooftop, kung nasaan sila Rebecca, napansin ko kaagad yung mga estudyanteng nakasalampak sa damuhan na parang kakabalik lang sa sarili nila.

Naka-upo lang din yung tatlo, si Rebecca at yung dalawang tumulong doon at halatang pagod na pagod, pero wala na si Alexis.

Tinulungan ko si Rebecca na tumayo at makabalik sa unit namin habang pinapakiramdaman ko ang lahat nang napasali sa gulo.

Sinubukan ko silang pakalmahin lahat at ibalik yung lakas nila, pero masyado silang marami para magawa ko yon kaya hinayaan ko na lang sila at si Rebecca na lang ang pinagtuunan ko nang pansin.

Simula nang makabalik kami, nakahiga lang siya sa sofa, at nakapikit ang mgamata, pero alam kong hindi sita natutulog.

Bumalik ako sa living room dala ang isang pitsel ng juice at isang tray ng Burger kung saan nandoon silang lahat na nakapikit, nasa kanya-kanyang sofa sila.

Nakaupo na si Loisselle sa inuupuan ko kanina at nakapatong pa yung paa niya sa isa pang couch na medyo mababa sa inuupuan niya.

"Kumain muna kayo."

Nagsimulat sila nang mga mata pati si Rebecca na kanina pa walang imik at kanya kanya silang nagsikuha ng meryenda.

Umupo ako sa couch na pinagpapatungan kanina ng paa ni Loisselle at kumuha din ng makakain ko.

"Anong nangyari diyan at parang mas pagod pa sa amin?"

Nagkibit balikat lang ako sa tanong ni Loisselle dahil hindi naman din sumagot si Rebecca. Kung ayaw niyang sabihin, bakit ko pa sasabihin.

Mukhang wala talaga silang alam sa nangyari kanina dito.

Pero mas maganda na 'yon kesa maistorbo yung konsentrasyon nilang lahat sa assessment.

Kagaya ni Alexis, nawala nalang rin kaagad yung Cede at Peter na tinawag nila kanina at hindi ko alam kung saan na sila nagpunta.

Tinanong ko na kay Rebecca kanina kung bakit niya kilala yung dalawa, at ang sabi niya, sa level 3 din daw yung mga yon, pero mas piniling umalis nalang at minsan bumibisita sila sa Polaris kahit hindi na sila nag-aaral sa Academy.

"Hoy, Elmira. Tinatanong kita."

Napatingin ako kay Loisselle dahil sa sigaw niya.

Kahit pagod siya, ang lakas pa din ng boses.

"Sorry. Anong tanong mo ulit?"

Napailing siya sa sinabi ko.

"Anong problema niyong dalawa? Kami yung nag-assessment pero kayo yung parang pagod na pagod a. Lutang na lutang kayong dalawa."

Napatingin ako kay Rebecca at nakatingin rin pala siya sa akin.

"Yung totoo, nag-away ba kayong dalawa?"

Napangiti ako sa tinanong ni Sheila.

Maganda nga sana kung kami lang yung nag-away, pero kahit ganon, hindi ko papatulan si Rebecca. Baka magawa akong frozen agad niyan.

"Hindi ako papatol kung awayin man niya ako, baka maging bloke ako ng yelo pagnagkataon."

Nakita kong napailing si Rebecca sa sinabi ko at napangiti siya.

Harzenia RoyaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon