Chapter 12

9 0 0
                                    

"Mukhang alam ko na yung ipapagawa niya."

Nasa harapan namin ngayon si Ms. Yuri na nakatingin lang sa amin kanina pa. Mukhang pinag-aaralan niya kaming dalawa ni Loisselle para sa ibibigay niyang misyon sa amin kung kakayanin ba namin o hindi.

"So Ladies."

Mas napatitig ako sa kanya nang magsalita siya. Tatlo lang kaming nandito ngayon sa field dahil bukas pa daw ang training namin kay Sir Ville, pero mas maganda sana kung pinagsabay na nila para wala na bukas. Gusto ko rin namang magpahinga kahit isang araw lang.

"Bibigyan ko kayo nang isang buong araw para matapos ang ipapagawa ko sa inyo."

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Loisselle na ikinatingin ko sa kanya. Napakalalim non at parang napanghihinaan siya nang loob.

"Di na ako papasa."

Doon napangiti si Ms. Yuri nang sabihin yon ni Loisselle. Hindi ko maintindihan kung anong gustong iparating nang dalawang 'to sa akin, pero isa lang ang nararamdaman ko ngayon, may hindi talaga magandang mangyayari.

"Wag ka munang panghinaan nang loob Loisselle. Hindi mo rin alam, baka matapos mo ngayon. So..."

Ipinaliwanag niya sa amin kung anong mga kailangan naming gawin na iisa lang naman ang pinatutunguhan — ang matapos ang ipapagawa niya sa itinakda niyang oras. Kailangan bago lumubog ang araw tapos na namin.

Pero mukhang alam na ni Loisselle kung anong ipapagawa sa amin dahil ako lang ang nakinig sa sinabi ni Ms. Yuri, bulong lang siya nang bulong sa tabi ko kanina na hindi ko na inintindi dahil gusto kong malaman kung paano matatapos agad 'tong ipapagawa niya.

Nalaman ko mula kay Ms. Yuri na ito ang mga pinapagawa niya tuwing monthly evaluation kung may natutunan ba ang lahat ng estudyante sa isang buwang pagt-training. At, siguradong alam na alam na ni Loisselle yon na palagi naman niyang nararanasan.

Mga lima sa 70 students niya sa isang section ang nakakapasa lang tuwing nangyayari ang evaluation, minsan daw, wala pa.

"Kung makakapasa kayo ngayon, malaki ang magiging chance niyo na makapasa rin sa monthly evaluation na mangyayari days from now."

So, malapit na yon. At kailangan kong makapasa ngayon dito kung gusto kong matuloy ang plano kong makaalis nang Level 1 agad. At sisiguraduhin kong maisasama ko si Loisselle doon dahil yun ang naipangako ko sa kanya.

"Pwede na kayong magsimula."

Tinalikuran niya kami at naglakad siya palayo sa amin at nang makakuha na siya nang tamang distansya mula sa amin, huminto siya at muling humarap nang nakangiti.

"Good Luck Ladies."

Yun ang huli kong narinig mula sa kanya bago kami makapasok sa isang gubat at nakaramdam na ako agad nang kakaiba.

"Shit. Lerriff."

Napahawak sa braso ko si Loisselle nang sabihin niya 'yon. Isang hawak na parang sobrang natatakot at ayaw mahiwalay sa akin.

Pinagmamasdan ko lang ang paligid. May mga sangang nagbabanggaan dahil sa hangin, matataas na puno, at mga huni nang ibon na iba ang sinasabi para sa akin. Mga negatibong pakiramdam na naghahalo-halo at nadadala nang mga elementong nandito ngayon.

"Kailangan nating mag-ingat. Ang Lerriff ay lugar nang mga negatibong damdamin."

Kung ganon, tama nga ako. Pero maliban doon, may mga mas malalakas na enerhiya akong nararamdaman na nasa paligid lang. Mga nakaantabay sa gagawin namin.

"Ano nga ulit yung hindi natin pwedeng gawin?"

Mas pinakiramdaman ko pa ang mga nasa paligid ko habang hinihintay ang sagot ni Loisselle.

Harzenia RoyaleWhere stories live. Discover now