Chapter 4

11 1 0
                                    

Lumabas ako nang kwarto ko para makakuha ng maiinom sa kusina kung mayron man.

Nakita ko silang apat na nasa sala pa rin nang makalabas ako. At nagkekwentuhan pa rin.

Hindi na ako nag-abalang itanong kung nasaan yung kusina sa kanila para hindi sila maistorbo. Hinanap ko na lang yon sa unit na hindi naman gaano kalakihan. Pero sapat na para sa limang katao.

Narating ko yung kusina na wala namang pinto kaya madali ko lang nakita. May ref na medyo mataas din dito na double door.

Pero wala namang laman yun kundi puro tubig. Kumuha na lang ako ng isang bote nang tubig pero muntik ko nang maibuga yung tubig na iniinom ko nang makita ko silang lahat pagharap ko.

"Okay ka lang?"

Umubo-ubo ako para mawala yung samid ko. Bakit naman kasi nanggugulat 'tong mga 'to.

"Nagulat ka ba sa laman ng ref namin?"

Umiling naman ako bilang sagot dahil hindi pa ako nakakabawi sa pagkagulat ko sa kanila.

Magugulatin ako people, wag naman kayong ganyan. Atsaka bakit kailangan palagi kayong magkakasamang apat? Nakakagulat na nga yung isa, apat pa kaya.

"Wala kasing mahilig magluto sa amin kaya walang laman yan. Mahilig ka bang magluto?"

Marunong ako pero hindi ako mahilig magluto. Si Lola Red ang nagluluto nang pagkain namin sa mortal world nung nandoon pa kami. Ngayon, I don't know. Wala naman akong hilig e.

"No. I prefer eating outside than to cook my own meal."

Nilapag ko yung iniinom ko sa lamesa at umupo ako sa isang upuan doon.

Medyo maluwag din naman yung kusina. May kitchen table, may mga upuan at kumpleto sa gamit na pangluto, maliban sa iluluto.

"Akala ko pa man din may magluluto na." Napapout yung babaeng may ash gray na kulay nang buhok habang binubulong niya yun na rinig naman naming lahat.

"Okay great! Sabay-sabay tayong kakain sa kung saan palagi. Com'n ladies. It's time to have some lunch."

Napatingin ako sa relo ko nang sabihin niya 'yon. 11:30 na nang tanghali. Mukhang napatagal ako sa pag-aayos ah.

Hindi ako tumayo sa kinauupuan ko kaya nagsibalikan sila sa kung nasaan sila kanina.

"Don't you consider yourself as a lady? Com'n. We'll gonna eat outside."

Napatingin ako sa kanilang apat. Ni hindi ko pa alam yung mga pangalan nila pero alam na nila yung akin.

Paano ba ako sasama sa kanila?

"May bayad ba don? Wala kasi akong dalang pera."

Ni hindi ko nga nakausap si Mama kagabi kung anong gagawin ko dito e. Ni hindi ako nakapagtanong man lang tungkol sa mga bagay-bagay. Makahingi pa kaya ng pera.

"You don't have money?" Nagtinginan silang apat bago ulit tumingin sa akin nang nagtataka.

"Seriously?"

Tumango ulit ako sa tinanong nila. Mukha ba akong nagbibiro dito?

"Baka makakita ka nang ganito sa mga gamit mo. Icheck mo muna. Hihintayin ka namin. Or, we'll just threat you for now." Sabi nang may Purple na buhok at ipinakita ang isang card na blue na parang ATM card sa mortal world.

"No, no."

Tumayo ako kaagad at nagpaalam na hahanapin ko lang saglit. Parang may nakita ako kanina sa wallet ko na ganon pero hindi kulay Blue. Kulay puti na may black.

Harzenia RoyaleWhere stories live. Discover now