Chapter 6

13 1 0
                                    

Pumasok kami kinabukasan ni Loisselle na parang hindi kami belong sa klase. Parang ang tagal na nung huli naming pasok dahil may kanya-kanya silang grupo. Hirap nang umaabsent e.

Kung kelan aabsent doon may madaming gagawin.

Nasa isang malaking classroom kami ngayon na palagi naman naming pinaglelecturan.

"So ano na, tunganga tayo?"

Lumapit ako sa Trainer namin para makapagtanong nang kung anong gagawin. Mahirap na baka hindi ko pa masunod yung two-month plan ko.

"Wala ba kayo kahapon?"

Mukha ba? Nang-aasar pa eh.

"Nagkasakit po kasi si Loisselle kahapon. Sinamahan ko lang sa infirmary."

Napakalaking sinungaling. Pero dahil naman sa pag-absent namin kahapon nasaulo ko yung libro na Papunta sa level 2 at level 3. Bale yung isang libro na sinasabi ni Loisselle kahapon na walang sulat, hindi ko pa nababasa.

"Oh. I see. Maghanap na lang kayo nang kagrupo niyo o kaya kayong dalawa na lang. Madali lang naman. Mag-iisip lang kayo kung paano papaamuhin yung fox na yon."

Napatingin ako sa tinuro niya.

Nakakulong yon sa isang malaking cage. Kulay puti siya na may tatlong buntot at napakalaki niya. At feeling ko anytime kakainin niya kami ng buhay once na nakawala siya diyan.

"Seryoso  ba kayo Sir? Hindi naman kami papatayin niyan no?"

"Loisselle. Ang tagal mo na dito, pero ganyan ka pa rin magreact. Of course hindi kayo papatayin niyan... Yun ay kung mapaamo niyo."

Nakatitig pa rin ako sa Fox na yon at hinayaan ko lang mag-usap yung dalawa. Parang may mali sa kanya eh.

Bigla akong napaiwas ng tingin nang hinatak na ako ni Loisselle papunta sa pinanggalingan namin kanina.

"Makigrupo na tayo sa iba."

Hinatak ko siya pabalik sa pwesto niya dahil paalis na siya para maghanap nang kagrupo.

"What? Wag mong sabihing tayong dalawa lang? Kilala ko yang si Sir. Hindi 'to magiging madali."

Wala namang magiging madali talaga sa mga training natin. Nasa diskarte yan.

Nung nasa mortal world ako, palagi akong nagt-training mag-isa nang hindi ako nakikita nila Lola Red. Palagi akong nasa gubat nang hindi nila nalalaman. At marami na akong nakaharap na ganito at mas malala pa sa Fox na yan.

Ilang beses ko nang nakaharap yung kamatayan para makapag-ensayo lang at matutunan ang mga dapat matutunan kahit mag-isa ako. Dahil alam kong wala akong maaasahan kundi ang sarili ko lang.

"Let's go for the shadow"

"Ano yon?"

Napatakip ako sa tenga dahil sa pagsigaw niya. Kelan pa naging maingay 'tong babae na 'to? Parang ang layo-layo ko a.

Hinatak ko siya paupo para makapag-usap kami.

That's the only way. May nakita akong anino kanina na nakadirekta sa kanya at yun ang kailangan naming unahin bago ang lahat.

"Look at the back of the cage. Doon sa madilim na part."

Nasa kabilang dulo yon ng classroom at malayo kami mula doon dahil nasa kabila kami malapit sa dulo. Kung titingnan lang nang saglitan, hindi mapapansin yon agad, pero kung pag-aaralang mabuti, hindi normal yung posisyon ng Nilalang na 'yon at parang gusto niyang magwala pero may pumipigil sa kanya. And then I saw something at the back kanina. A shadow, pero hindi ganon kavisible.

Harzenia RoyaleWhere stories live. Discover now