Chapter 10

13 1 0
                                    

"Arrgh."

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit neto, at bumangon ako sa pagkakahiga ngunit nakasara pa rin ang mga mata ko.

Hinatak ko nang matagal ang buhok ko para medyo mawala ang sakit, pero ganon pa rin. Ano ba 'to? Bakit naman ganito kasakit?

"Oh."

Napamulat ako nang mata nang may nagsalita sa gilid ng kama ko.

Nandoon si Rebecca at may inaabot sa akin na gamot at tubig.

"Ito lang ang kaya kong gawin ngayon. Hindi ko pa nagagamit ng maayos yung Healing ko."

May lamig sa boses niya habang sinasabi niya 'yon, pero alam kong sinusubukan niyang  maging approachable.

Minsan ko lang siyang marinig magsalita, at natutuwa ako kapag naririnig ko siya dahil sa lamig na dala niya.

Kinuha ko ang gamot na binigay niya at ininom 'yon. Alam kong hindi yon tatalab nang ganon kabilis, pero umaasa akong mawawala na 'tong sakit ng ulo ko ngayon.

"Ano bang nangyari sa inyo ni Loisselle at kailangang sabay pa kayong mawalan ng malay?"

Hindi na ako nagtataka doon. Nagawa kong tanggalin sa pagkaka-seal ang kapangyarihan ni Loisselle pero kasabay non ang pagbigat ng katawan ko. Alam kong nauna siyang nawalam nang malay dahil nakita ko kung paano siya natumba at nasalo nila Sheila.

Nagawa kong matanggal ang seal ni Loisselle kahit hindi ko siya hinahawakan. Nararamdaman ko ang kapangyarihan niya at sapat na yon para magawa ko yon. Pero, hindi ko alam kung bakit kailangang pati ako, mawalan ng malay.

"Dalawang araw kang walang malay. Buti si Loisselle nagising na kahapon. Pare-pareho tuloy tayong hindi nakapasok."

Pinipigilan kong matawa dahil sa mga sinasabi niya. Alam kong walang nakakatawa, pero the way she talks, nakakatawa talaga. Pinipilit niyang lagyan ng pakiramdam yung pagsasalita niya, pero hindi umiipekto, ang lamig pa rin, kagaya nang kapangyarihan niya.

"Pangatlong araw na ngayon na hindi ko pagpasok dahil sayo. At kung hindi ka pa gumising ngayon, balak ko nang patulugin ka sana nang panghabang buhay."

Hindi ako tumitingin sa direksyon niya dahil mas matatawa lang ako kapag nakita ko ang itsura niya, pero mukhang naiinis na 'to dahil sa sinabi niya. Mukhang hindi magandang galitin ang isang Ice Attributer ah.

"I'm trying to be nice here, but you're really pissing me off. Bahala ka sa buhay mo."

Lumabas siya nang kwarto ko pagkasabi niya non. Napangiti na lang ako dahil sa ginawa niya. She has a pure heart, wag lang gagalitin.

Tumayo na ako kahit ramdam ko pa rin ang sakit nang ulo ko. Naramdaman ko na 'to noon, pero sa mortal world.

Nakabasa ako ng isang libro mula sa isang Library sa mortal world at hindi ko alam kung bakit may ganon silang libro, pero nagpapasalamat pa rin ako. "Unsealed Me" ang title ng libro na yon,at may magandang cover pero halatang walang pumapansin dahil sa alikabok na meron yon  at nasa pinakadulong parte ng Library kung saan nakalagay ang mga hindi masyadong nagagalaw na mga libro. Hindi ko lang alam kung paano ako nakaabot doon at kung paano ko nakita yon. Ang alam ko lang noon, naghahanap ako nang mababasa.

Ginawa ko sa sarili ko ang nakasulat sa libro na paraan para matanggal ang seal ko, at nang magising ako ganito na kasakit ang ulo ko. Pero mas masakit 'to ngayon. Parang binibiyak yung ulo ko.

Pero kailangan kong kumilos ngayon. Kung hindi nanaman ako papasok, baka hindi na talaga ako makaalis sa Level 1 nang maaga.

Lumabas ako nang kwarto ko nang nakaayos na. Dahil katapat ng kwarto ko ang sala, nakita ko silang apat na nakaupo sa sofa at napatingin sila nang sabay-sabay sa akin.

Harzenia RoyaleWhere stories live. Discover now