Chapter 19

9 1 0
                                    

"What are you doing?"

Nagsimula na ang assessment ng Level 2 kanina, at naiwan kaming dalawa ni Rebecca dito sa unit dahil tinatamad siyang lumabas at ako, ayokong makita yung ginagawa ng mga nag aassessment ngayon dahil naiinggit ako.

Kesa magmukmok ako sa isang tabi, itutuon ko na lang yung oras ko sa pagluluto ng pananghalian nung tatlo, para kahit papano, nakatulong ako.

"Sabi mo hindi ka marunong magluto?"

Sa pagkakatanda ko, hindi ko sinabing hindi ako marunong magluto noon. Sinabi ko noon na hindi ko hilig ang pagluluto pero marunong ako.

"Hindi ko sinabing hindi ako marunong."

Nakaupo siya ngayon sa isang stool at pinagmamasdan akong maghiwa ng mga gagamitin ko sa pagluluto.

Mas maganda sana kung tumutulong siya ngayon hindi yung pinapanood niya lang ako.

Nagluluto ako ngayon ng Chicken Afritada at  Adobo na palaging niluluto ni Lola Red para sa akin noon.

Namiss ko na yung mga ganitong ulam. Palagi nalang kasi kaming sa Polaris kumakain ng lunch, at medyo nagsasawa na rin ako sa mga pagkain doon.

Hindi naman sa paulit ulit yung mga ulam na niluluto doon,  marami namang mapagkakainan, pero iba pa rin kapag sariling luto or lutong bahay.

Well, wala talagang balak tumulong si Rebecca, at ayoko naman siyang aluking tumulong, hindi naman kami ganon kaclose na gaya ng kay Loisselle kaya nakakahiya naman.

"Kung kailangan mo ng tulong-"

"Oo."

"Ahem. Ako nalang magluluto ng kanin."

Napatitig ako sa kanya nang sabihin niya yon sa napakanormal niyang pananalita.

So, ang Rebecca na kilala ko ay hindi marunong magluto?

"What? Ayaw mo ba?"

Napailing na lang ako sa tinanong niya at napangiti ako. Well, she's Rebecca, wala na akong maitatanong pa.

"I'll bake Egg Pie for dessert."

Napalingon ako sa kanya nang sabihin niya yon nang may halong ngiti sa mukha. Para akong nakarinig ng isang napakagandang salita. This is miracle!

"Wag kang ngumiti ang pangit mo."

Natawa na ako sa sinabi niya. Ganito pala siya.

Medyo nawala yung awkwardness sa pagitan namin nung sinabi niya yon, at habang naglulito ako, sinimulan na niyang gawinyung pie niya at nagdaldalan lang kami habang ginagawa namin ang kanya kanya naming trabaho.

Nakakagaan ng loob na hindi na kami ganon sa dati na magngingitian lang kapag nagkikita, minsan wala na nga lang pansinan.

Kasi she's Rebecca. Kahit gusto mong makipagclose sa kanya, hindi yun agad-agad.  Ice attributer siya, at hindi naman maiiwasan na mamisinterpret yung mga sasabihin  niya or mga kilos niya, kasi katulad ng ability niya, malamig din ang ugali niya, at hindi ko alam na may ganito siyang side — maingay.

Natapos kaming magluto bago dumating yung tatlo.

Nagkagulatan pa nga sila dahil akala daw nila nag-aaway na kami dito kasi ang ingay daw.

Inirapan lang sila ni Rebecca at sabay-sabay kaming kumain.

Ala una ng hapon nang magsialisan sila ulit dahil malapit nang magsimula ulit yung assessment at naiwan ulit kami ni Rebecca dito sa sala.

"Bakit ba gustong-gusto mong makasali ngayon sa assessment?"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya sa tanong niya.

Harzenia RoyaleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora