Chapter 17

4 0 0
                                    

"Loisselle, kasama na ba kayo sa assessment bukas?"

Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom.

Ngayon ay linggo at maghapon na kaming lahat na nakatambay lang dito sa unit namin at walang nagbalak lumabas kahit isa. Nagpadeliver lang kami ng pagkain para sa pananghalian kanina at hindi ako aware na may ganon pala.

Pero minsan lang daw pwede yon sabi ni Sheila kanina, consideration lang daw yon para sa may mga assessment.

At assessment na ng level 2 bukas, dahil doon, wala nang pasok ang lahat ng level dahil lahat ng mga Instructor ay kailangang nakabantay sa assessment.

Pero, tinatanong ko rin kung makakasali ba kami bukas sa assessment dahil dalawang linggo pa lang yung nakakalipas nang magsimula akong magtraining sa level 2, at si Loisselle isang buwan na.

"Siguro. Level 2 na rin kami e. Ready na ba kayo?"

Bumalik ako sa sala at nakiupo sa kanila kahit hindi pa rin ako sanay makipag-usap sa kanila maliban kay Loisselle.

"Siguro? Gusto ko nang makaalis sa level 2. Yung tagal mo sa level 1, ganon din yung tagal na namin dito. Kaya kailangan maging ready."

Kumakain nanaman sila ng snacks kaya nakikikain lang din ako at nakikinig sa usapan.

Sobrang tagal na rin siguro nila sa level 2. Kung ako din naman yung nasa posisyon nila, gagawin ko na yung best ko para makaalis. Maraming oras ang nasasayang.

"Kung kasali kayo, ready na kayo?"

Ako, kung hindi kayo ready, baka hindi rin ako. Kasi sa inyo lang ako aasa para makaalis sa level 2.

Ang kinakatakot ko lang ngayon, maraming manonood. Hindi ko nasubukan mag-assessment sa level 1, kaya kinakabahan ako para bukas.

At yung thought na maraming manonood at makikitang kinokopya ko lang yung kaya nilang gawin, natatakot ako.

May posibilidad na gamiting chance yon ng mga taga Emerald para manguha ng kapangyarihan ng iba dahil malaking event yon para sa lahat. Magtitipon-tipon lahat bukas para sa assessment kaya hindi malabong mangyari yon.

"Ako oo. Lagi ko namang nararanasan mag-assessment e."

Napatingin ako kay Loisselle nang sabihin niya yon.

Right. Sanay na siya dahil sa tagal niya sa Level 1, pero palagi namang bumabagsak.

"Magkaiba ang assessment ng level 1 sa level 2, Selle. Kung noon, dinadala lang kayo sa gubat para makatapos ng mission, pero dito, ibang-iba."

Nakinig lang ako sa sinasabi ni Shiela. Parang silang dalawa lang yung nandito ngayon kasi silang dalawa lang yung nagsasalita, at kaming tatlo nakikinig lang.

"Kung sa level 1, isang araw lang, dito sa level 2, umaabot ng isang linggo. Parang matira matibay dito. Pero hindi ko alam kung anong gagawin ngayong assessment dahil paiba-iba din sila ng mga pakulo. Last assessment namin, paramihan ng points na makukuha, by group. Ngayon hindi ko alam. Pero ang sigurado ko ngayon, hindi magiging madali to. Lalo na para sa inyong dalawa kung makakasali man kayo."

Nabibilib na talaga ako kay Sheila. Paano niya nakukuhang magsalita ng ganon kahaba? Ako, isang tanong isang sagot lang ang kaya ko. Pero siya walang tanong pero ang daming sagot.

"Ah."

"Ouch!"

Binato ng unan ni Sheila si Loisselle at sakto yon sa mukha niya.

"Ah? Napakahaba ng sinabi ko tapos ah lang yung isasagot mo?"

"Eh sa yun lang yung gusto kong sabihin e. Bakit ba? Sila nga nakikinig lang dito , pero ako pa na sumagot yung sinaktan mo. Bwisit ka."

Gusto ko sanang tumawa pero naramdaman ko yung panlalamig. I mean, mas lalong lumalamig dito dahil kay Rebecca.

"Chills. Hoy, anyare sayo?"

Hinampas ni Loisselle si Rebecca sa braso niya dahil naramdaman niya rin siguro yung lamig.

"Bakit? Normal lang to saken."

Napataas yung kilay ko dahil sa sinabi niya. Hindi. Hindi 'to normal.

Hinawakan ko ang braso niya.

Kinokontrol niya yung kapangyarihan niya na gustong lumabas. At parang hindi na niya kakayanin pa kung magpapatuloy yon. Baka mabalot kami ng yelo dito.

Hindi na talaga maganda 'to. Ngayong magkakasama kami, nagagawa nilang gawin ang gusto nila, paano pa kaya kung hiwahiwalay kami?

Tinulungan ko siyang pababain yung lamig at kontrolin yung kapangyarihan niya gamit ang kamay kong nakahawak sa kanya.

Medyo bumabalik na sa dati yung temperature dito sa unit namin at kumakalma na siya. Kanina kalmado siya pero nararamdaman ko yung pagkataranta niya sa loob niya, ngayon, pareho nang kalmado.

Napatingin siya sa akin nang tanggalin ko yung kamay ko sa pagkakahawak ko sa kanya.

Hindi ako nagsalita nang kahit na ano, pati siya, pero alam kong may gusto siyang sabihin at malaman na kahit ako, hindi ko rin alam ang kasagutan.

"Elmira."

Napatingin ako kay Liezel na biglang tinawag ang pangalan ko.

"Bakit?"

"Hanggang ngayon hindi ko alam kung anong kapangyarihan mo."

Napatigil ako sa sinabi niya. Alam kong hindi yon tanong, pero lahat sila nakatingin na sa akin. At hindi ko alam kung paano sagutin yon.

"Pero mas maganda sigurong hindi na namin alam."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko ngayon dahil minsan lang din siya magsalita pero ganon pa yung lumabas sa bibig niya.

Tumayo siya sa kinauupuan niya pagkasabi niya non.

"Nandito lang kami kapag nahihirapan ka na. Wag mo sanang kalimutan yon."

Umalis siya pagkasabi niya non at pumasok sa kwarto niya.

Hindi ko alam kung anong irereact ko sa sinabi niya pero natutuwa ako.

"Oo nga no. Ang tagal na nating magkasamang dalawa pero hindi ko pala alam kung anong kapangyarihan mo."

Ngayon naman si Loisselle na ang nagsalita.

Ako rin naman, hindi pa rin malinaw sa akin kung anong kaya ko talagang gawin. Ang alam ko lang, isa akong Summoner, kaya kong magseal at mag-unseal ng kahit kaninong kapangyarihan, naiintindihan ko ang mga hayop, at mga bagay na nadidiscover ko minsan sa sarili ko na kaya ko palang gawin.

"Pero okay lang. Bye. Sa kwarto nako."

Sumunod din sa kanya si Shiela na pumasok din sa sarili niyang kwarto at naiwan kaming dalawa ni Rebecca dito sa sala kasama ang mga kalat na iniwan nila.

Sinimulan ko nang maglinis kasi yun naman talaga ang mangyayari dito dahil any time aalis na rin yan dito.

"Elmira."

Hindi ko siya tiningnan nang tawagin niya ako at tinuloy ko lang ang pagliligpit.

"Thank you."

Napahinto ako sa ginagawa ko nang marinig ko yon mula sa kanya gamit ang malamig niyang boses.

Aalis na sana siya pagkatapos niyang sabihin yon pweo pinigilan ko siya.

"Yung. Yung mga libro sa kwarto ko."

Nandon pa rin kasi hanggang ngayon kahit sinabi na niya kung anong mangyayari sa mga yon kaoag walang sulat.

"Walang mangyayari sa mga yon kung walang magsusumbong. Itago mo nalang."

Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin yon, at iniwan nga talaga nila ako sa kalat nila. Ang galing.

Okay. Ready na akong masunog silang lahat, pero hindi naman pala. Okay na rin, pwede ko pang mabasa yung iba ulit.

Harzenia RoyaleOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz