Chapter 1

34 2 0
                                    

"Elmira, anak. Kailangan na nating bumalik."

Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang marinig ko ang boses ni Lola Redina sa tenga ko.

I was battling with my own thoughts when she said that thing. I'm not surprised by her sudden speaking, I was surprised because of what she have said.

I looked at her like I just heard something unexpected. Well, That was really unexpected.

I've been waiting for this time to come.

I've been living my life here in the mortal world for almost 12 years now. Since I turned 7, my parents decided to send me here because of some law that they've been disobeying since I was born, that's why I'm here.

Living like a mortal, a normal person. But years passed by, I've learned something.

"Is this for real La?"

Ngumiti lang siya sa akin kaya napatalon ako sa tuwa nang ikumpirma niya ang sinabi niya.

"Oh my God! Should I pack my things now?"

Nakatingin lang siya sa akin na nakaupo sa kama habang halos mamatay-matay na ako dahil sa sayang nararamdaman ko ngayon.

"Hindi na kailangan. Hindi rin natin madadala. Mag-ayos ka na. Bago makapananghali aalis na tayo."

It's already 8 and I should prepare myself for my comeback.

I just hope, everyone welcomes me as part of their world, not someone who lived outside Harzenia for so long.

"Are you ready Mira?"

Tumango ako bilang sagot dahil hindi ko kayang magsalita. I'm excited and nervous at the same time. It's my first time using a portal again for 11 and a half year. At parang nakalimutan ko na yung feeling.

I'm also excited to see what Harzenia has become for the passed years. I'm excited to see my parents and my brother Alexis.

Hinawakan niya ang kamay ko at may humawak din sa kabila kong kamay. It's Lolo Smith. Lola Red's husband and my father's parents.

Ngumiti ako sa kanila bago nila ako hinatak papasok sa portal na ginawa ni Lolo kanina sa bakuran namin.

Nakapikit ako habang gumagamit kami ng portal, pero mas mabilis na siguro ito ngayon kesa sa una kong gamit non papunta dito when I was seven.

"Nandito na tayo."

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang mga halaman ng Harzenia. The fresh wind that's coming from those tall trees, and those humming animals. I missed these so much.

I wiped my tears away. I'm so emotional right now and my grandparents were just laughing at me. They can't blame me. Nalayo ako sa totoo kong mundo nang mahabang panahon.

"Tara na. Malayo pa ang pupuntahan natin."

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng kakahuyan at may natanaw akong kalsada sa hindi kalayuan.

Nang marating namin iyon, saktong isang sasakyan ang paparating kaya pinara ito ni Lola Red.  Ang galing. May sasakyan na rin dito.

Samantalang dati, kalesa lang ang sinasakyan na hila ng kabayo para makapunta sa kung saan.

Huminto kami sa bayan ng Harzenia. Napakaraming nagbago. May matataas nang gusali na wala noon.

Marami nang bilihan at pasyalan. Parang sa mundo lang na kinalakihan ko. Sa mundo ng mga Tao.

Naglakad kami papunta sa Estasyon ng tren.

Maraming mga naghihintay din ng masasakyan kagaya namin pero hindi kami nakisiksik doon. Nagpunta kami sa sakayan papuntang Centro na ikinabigla ko. Hindi kami nakatira doon. Unless, lumipat sila.

Hindi ako nag-abalang magtanong sa kanilang dalawa. Alam kong pagod din sila kaya hindi ko sila inistorbo.

Sumakay kami sa unang tren na dumating na Kaunti lang ang mga sumakay. Karamihan sa kanila may magagandang kasuotan. Mga maharlika ng bayan.

Sa pagkakatanda ko, sa Centro nakatira ang mga may matataas na katungkulan sa Harzenia.

Habang umaandar ang tren, nakatingin lang ako sa labas kung saan makikita ang tanawin ng Harzenia.

Ang Centro ay nasa kapatagan sa gitna nang mga nakahilerang bundok, malayo sa maingay na paligid ng bayan.

May mga natatanaw pa rin mula dito na mga gusali. Pero mas kapansin-pansin ang daanan na puno ng iba't-ibang klase ng bulaklak. Napakakulay. At pumapasok sa tren ang amoy ng mga ito.

Pero napatakip ako sa ilong ko nang may maamoy akong isang usok. Pinasara lahat ng mga bintana kaya ginawa ko rin dahil nasa malapit ako sa bintana.

Biglang nagdilim ang paligid at napahawak ako kay Lola Red nang mahigpit. Nabalot ng kadiliman ang buong tren pero tinawanan lang ako ni Lolo Smith.

"Huminahon ka lang Elmira. Ganito talaga sa Centro. Nasa Tunnel tayo." Ang sabi ni Lola Red sa akin.

Wala naman akong nakitang tunnel kanina, ang nakita ko lang ay yung bundok. Oh. Nasa ilalim ng bundok yung tunnel? Sana nakita ko din.

Ilang saglit lang ay huminto na yung tren at isa-isa nang bumababa ang mga tao.

Pagbaba namin may mga guard na sumalubong sa amin at naghanap ng ID.

May pinakita naman sila Lola Red at pinaalis rin kami saglit.

Ganito ba talaga sa Centro? Noong bata ako, hindi ko naranasang pumunta dito, kaya nakakapanibago. Bago sa akin lahat.

May isang kotse ang naghihintay sa amin pagkalabas namin ng terminal. Isang itim na itim na kotse at may isang nakadamit din na itim na lalaking matipuno ang lumapit sa amin at pinagbuksan kami ng pinto.

Sa passenger's seat ako umupo kasama si Lola Redina, at sa shotgun seat naman si Lolo Smith katabi nung nagmamaneho.

Maganda sa Centro. Punong-puno din ng bulaklak ang paligid. May iba't-ibang klase ng mga halaman akong nakikita sa mga nadadaanan namin. Pero ang pinakaagaw pansin dito ay ang mga Bundok na nakapaligid.

Magaganda rin ang mga bahay na gawa sa bato na nadadaanan namin. Para akong pumasok sa ibang mundo sa Harzenia. Malayo sa style nang mga nasa bayan.

Mala paraiso ang Centro at marami rin akong nakikitang mga tao na sobrang gaganda ng mga kasuotan, mga maharlika.

"Okay ka lang?"

Napatingin ako kay Lola Red nang magtanong siya sa akin.

"Yes La."

Ngumiti ako sa kanya at tumingin ulit sa labas.

I feel like I'm lost in the middle of a new world. Hindi ganito ang iniwan ko noon. Parang feeling ko hindi na ako bagay sa lugar na 'to.

Napatingin ako sa harap nang may isang ingay akong narinig.

Nagbubukas yung malaking gate na nasa harap habang papalapit kami.

I know this gate. Nabasa ko na 'to noon.

This is the gate of the Harzenia Royale, where the Palace is located. I don't know kung anong meron dito ngayon at kung bakit kami papasok dito ngayon.

Ang alam ko lang, I'm lost.  I'm lost in my real world.

Harzenia RoyaleWhere stories live. Discover now