CHAPTER 4

45 30 1
                                    


ZYC's POV

Magandang Umaga, pero di maganda ang umaga ko. Bumangon ako sa kama ko at tumayo, sinilip ko ang cellphone ko.
6:04 a.m.
*yawnnn*
Naligo ako saka nagluto ng pagkain ko. Itlog lng uulamin ko, di naman ako ganun kaarte. Pagkatapos kong kumain, umakyat agad ako para magbihis at inayos ang sarili ko at umalis.
Lumakad lng ako papunta sa paaraln, dahil malapit lng naman ito sa village namin.
ST. LENOLLA HIGH
nakalagay sa taas ng gate namin, malaki ang paaralan namin. May tatlong malalaking building, may administration building, katabi nito ay nurses office/clinic. May malaking library, may functional hall, may art room, music room, at iba pang room para sa mga club. May malaking covered court, may malapad na field. At mga court ng volleyball, basketball at iba pang sports.
Pumasok ako sa loob, as usual normal parin ang mga tao. Tuloy-tuloy lng ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa buliding namin. Umakyat na ako at humint sa mismong tapat ng room namin. Maingay,magulo, masaya yan ang room namin. Di pa nga ako nakakapasok sinalubong na kaagad ako ng dalwa kong butihing kaibigan.
"Sawadeeka, good morning sayu!" sigaw ni Landy sa mismong mukha ko kaya umatras ako at tiningnan sya.
"good morning Tieeee" bati ni Ven mula sa likuran ni Landy
"Good morning din sa inyo, ang aga aga ang iingay nyo" seryoso kong sabi at umupo sa upuan ko.
"Ay ang aga aga kamo bad mood ka. Hayy nahahagard ako hah.... You should start your morning with a smile loka, like diss ohhh" pakita pa ni Landy ng malapad nyang ngiti
"Badtrip ka siguro, dahil sa ikaw ang Ms. Intrams noh, haist dapat di ka mabadtrip girl, tingnan mo naman ang gwapo ng partner mo kung ako sa posisyon mo, hayy gorabells lng ako, kahit di manalo"
Nagbuntong hininga lng ako, napaharap ako sa pinto ang saktong pumasok ang limang bida bida na lalaki.
"ayss nandyan na sila Venggay" parang kinikilig pa na bulong ni Landy
Isa isa silang pumasok at nagsiupo.
"Good morning boyss" bati ni Landy
Tinanguan lng sya ng mga ito at nginitian. Rinig ko pa ang panghihinayang na bulong nj Landy

Tss. Wag ka ng umasang papansinin ka ng mga yan.
Nagsitayuan naman agad kami ng pumasok si Maam Arena na math teacher naman. Magsisimula na naman ang araw namin ng may sermon.
"Good Morning Maam" nakatayo parin kami habang binabati sya
"Hmm. Good Morning you may take your seats" ganun parin si maam, nasa tono nya parin ang parang maldita na walang pakialam. Umupo kami sa upuan namin. Ang mukha ni maam na istrikta ay nalungkot
"Class this coming week is my retirement program." May bahid na lungkot na sabi ni maam
"From 35 years of teaching,I am finally having my rest, Im happy class to teach you in this past weeks and I hope that even you saw some of my bad sides you have learned something from me."
Kahit ganun ang pinakitang ugali ni maam sa amin, kahit papano may natutunan din kami. Sadya nga lng umiiral ang pagiging istrikta nya.
" So hindi ako magtuturo ngayon, dahil gusto kong kahit ngayon ay magpahinga din kayo, do what you want. Basta wag lng kayong lumabas. Goodbye" sabi nya pa at tumayo sa upuan nya, pero bago paman sya makalabas sa pinto....
"Salamat Maam"sigaw munit bakas ang pagkaseryoso ng mga kaklase ko. Ngumiti naman si maam at tuluyan ng umalis
"Sayang naman ni maam ah noh" animong naghihinayang pang sabi ni Landy
"Heehe, sigurado ka dyan bakla hah."Natatawa pang tanong ni Ven.
Nanlaki naman ang mga mata ni Landy
" Hoy, ano bang pinagsasabi mo hah. Sayang naman talaga si maam eh, dba Zyc"
Naghanap pa talaga ng kakampi
Nagkibit balikat lng ako
"Ewan ko sa inyu" kibit balikat kong sabi
"Tsh..... Nakaka-stress kayo, ano naman kayang gagawin natin dto."
Nag-iisip ata ang dalawa. At ang mga lalaki namang nasa paligid namin, seryoso ang mukha. Pake ko ba.
"Hoy! Laro tayu, pampalipas lng ng oras" yaya ni Landy
"Geh, game ako dyan" sabi ni Ven
"kayo na dyan, tinatamad ako" walang gana kong sabi
"Killjoy ka naman bakla, o sya Ven tayu nalang magalalaro."
"Sali ako sa inyo" hindi ko inaasahan yun
Hahaha, akalain mo namang sasali ang isang gwapong masayahin na si Kristof sa laro ng dalwang baliw na toh.
"s-sure Kristof" parang kinakabahan pa, ngunit masayang sabi ni Landy
"anong lalaruin natin!" nakangiting tanong ni Kristof
"Mmm... Truth or dare, spin the bottle"
"Gegeh, mukhang masaya yan" masiglang sabi ni Kristof
Ayun, naglaro lng sila at mukhang nag-eenjoy naman.
"I dare you Kristof na dapat magawang pansinin netong si Zyc si Bryce"
Tss at talagang dinamay pa ako.
Tumingin sa akin si Kristof na animong parang nagtatanong kaya tingnan ko lng sya gamit ang seryoso kong mukha.
"Wag kang mag-alala dyan" bulong pa ni Landy pero dinig na dinig ko naman. Binulong oa talaga hah.
"Hanggang uwian ang dare mo, dapat ma accomplish mo yun, okey"
Tumango-tango naman si Kristof.
Mga wala talagang magawa sa buhay.
Tingnan natin kung mapipilit nyo akong pansinin yang cold mong kaibigan.
Discuss
Dismiss
Recess
Niyaya agad kami ni Landy na pumunta ng canteen. Pagdating namin sa sa canteen, si Landy ang pinag-order namin.
"Ano bang pinag-uutos nyo sa lalaking yun hah" seryoso kong tanong
"Ahhh, yun w-wala yun. Sige na kumain na tayo andyan na si Landy Tie"
Nagsinungaling pa. Papunta si Landy sa table namin, dals ang isang tray ng pagkain.

Her Codename Is: Lady KatanaWhere stories live. Discover now