CHAPTER 30

19 9 0
                                    

A/N:Expect typos and wrong grammar



Zyc's POV

"Bryce!"

Gulat nalang akong napasabi ng pangalan nya ng nadatnan ko syang nanginginig sa lamig

Kakapasok ko lang sa kwarto nya at balak ko sanang I-check ang temperatura nya, pero eto kaagad ang nakita ko

Tumakbo ako papunta sa kanya at hindi alam kung ano ang gagawin

Sinubukan kong hawakan ang noo nya, pero ang init. Mas mainit pa sa kanina.

Anong gagawin ko?

Susubukan ko pa sanang tawagan si Calvin, pero shoot nasa bahay pala ang cellphone ko.

Ilang beses pa akong nagpa isip-isip ng gagawin, hanggang sa may biglang pumasok sa utak ko.

Wala tung halong kung ano, mas mahalaga ang kalagayan ni Bryce ngayon.

Dali-dali akong lumapit sa kanya at tuluyang tumabi.

Isa lang to sa naiisip ko, at alam kung ito naiisip nyo

Ipinulupot ko ang dalawa kong kamay sa katawan nya at kinumotan kaming pareho, hindi parin natigil ang panginginig nya kaya mas hinigpitan ko ang pagyakap. Inihimas ko pa ang palad ko sa braso nya.

Wala na tung halong malisya

Pinikit ko nalang ang mata ko at hiniling na umayos na ang pakiramdam nya

Ay abay nahihirapan din ako dito

Sa sobrang pag-iisip ko, nakatulog na pala ako.

Tulog ka na nga, nasabi mo pang nakatulog ka.
Nung ma gagawa ko, Wattpad to

==============

Namulat ko ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na diretso ang tama sa mukha ko.

Pilit kong inaanig at dinidilat ang mga mata ko, ilang beses pa akong nagpakurap-kurap hanggang sa naaalala ko kung nasaan ako ngayon.

Mabilis akong napabalikwas sa kinahihigaan ko at animoy balisang nag pagtingin-tingin sa paligid.

Teka, Si Bryce?

Agad ko nilinga ang gilid ko, pero nag taka ako kung bakit wala na sya

Kung nakatulog ako kagabi, ibig sabihin hindi ako nakakain at ni hindi man lang ako ginising ni Calvin o ni Bryce man lang

Paano nalang kaya kung humilik pa ako o di kaya tulo laway ako.

Hinilamos ko nalang ang mukha ko hanggang sa umabot ito sa buhok ko, ng bigla nalang bumukas ang pinto

Hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko, kaya nag madali akong naupo sa gilid ng kama

Si Bryce

"So your awake already.. Good Morning"

Ngumiti siya habang naglalakad pa lapit sa akin at huminto sa tapat ng kama nya

"Breakfast is ready, hihintayin ka nalang namin sa baba"

Teka, bakit parang normal ata ang kilos nito?

Parang kagabi lang, halos kombulsyonin to

"Sandali, magaling ka na ba?"

Tipid syang tumango

Napansin kong nakasout sya ng Jersey, so ibig sabihin maglalaro to

Di kaya to mabinat?

" Eh halos daigin mo pa nga ang apoy sa init mo kagabi. Tas maglalaro ka, baka di ka nyan mabinat?"

Her Codename Is: Lady KatanaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora