CHAPTER 43

16 7 0
                                    

Zyc's POV

Dami naman nilang arte, hindi ba pwedeng wag nalang silang makinig sa final practice namin. Maririnig naman nila yun mamaya.

Para daw masanay na kami. Sa last practice pa talaga.

"Sige na, excited na ako"
Pumapalakpak pa si Kristof, lapad pa ng ngiti.

Kanya-kanya din sila ng sabi na nagsimula na daw kami. Kaya nag strum na si Bryce ng guitar niya at nagsimula na kaming kumanta.

Nakatulala pa sila na ani moy feel na feel ang kanta, may pa galaw-galaw pa sila ng katawan nila. At hindi din na nawala sa paningin ko sina Mama at Papa na nag rerecord pa.

Idedelete ko yan mamaya...

Pagkatapos naming kumanta, ganun parin walang nagbago sa parts or anything.

"Sinasabi ko talaga, bagay ka---este bagay yung kanta sa boses niyo"
Pinapahiya niya talaga ang sarili niya.

Todo suporta pa sila, ge lang. Kung saan kayo masaya, kayo lang ang masaya dun.

Ilang minuto pa at tinawag na kami ng MC.

Syempre naka-ayos na kaming dalawa. Pinasuot nila ako ng puting casual, binago din ang hairstyle ko. Nakapuyod na yun at may iniwang kunting hibla ng buhok sa magka bilang mukha ko.

Basta ganun, may accessories din at kay Bryce ay itim na turtle-neck at coat at Black leather shoes. Bitbit niya na din ang guitara niya.

Aaminin ko kinakabahan din ako konte. Mas napapangibabawan ako ng Ibat-ibang worst case scenario, overthink pa kasi.

Nabigla nalang ako at muntik ng tumalon, kasi may kumalabit sa akin.

Si Bryce

"Namumutla ka"

Hinawakan ko agad ang bibig ko. Tho hindi ko naman nakikita.

"Malamig din ang kamay mo"
Eto ang literal na kaba at bigla.

Hinawakan niya nalang bigla ang kamay ko at para bang wala lang sa kanya yun.

Dama ko pa ang pamamawis ng palad ko.

SHIT BUMITAW KA!

"Malamig kasi ang panahon"
Pasimple Kong kinuha ang kamay ko

"Just relax, magiging ayos ang lahat if you're overthinking"
Sabi niya habang hinihimas ang buhok ko

Aso? Napapadalas na ang pag headpat niya sa akin ah

Pero nakakawalang ng kaba, kunti lang.

"Do you want to eat burger before performing, matagal pa naman tayo"
Sabi niya habang nakasilay sa akin

Pagkasabi niya ng burger, ginutom ako.

Parang masarap nga yun, pero siguro mamaya nalang. Reward nalang kumbaga

"Mamaya nalang siguro"

Tumango lang siya at kinuha ang cellphone niya, dala niya hanggang dito?

May ginawa siya dun at muli niyang binalik sa bulsa niya.

"Nasabihan ko na si Kristof"

Nasabihan?

"Sa alin?"

"Na bilhan ka ng burger, hindi naman ako makakapunta sa canteen so siya nalang"

Nanlaki bigla ang mata ko

Magsasalita pa sana ako pero bigla nalang tinawag ang pangalan namin.

Eto na talaga, ikalma mo lang Zyc. Kakain ka ng burger mamaya.

Her Codename Is: Lady KatanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon