CHAPTER 25

21 13 0
                                    

ZYC'S POV

Bahagya akong nakasandal sa isang pundasyon at pilit silang sinisilip

Ng bigla nalang naghawakan ng kamay.

Eto na nga bang sinasabi ko.

Pinaalis lang talaga kami, para maka damoves ang loko.

Mukhang manonood ata ng sine, papunta sila ngayon dun at magkahawak parin ang kamay

Pustahang may akbayang nagaganap nito mamaya

Dahan-dahan akong umalis sa pwesto at matalim na sinusundan ng tintin ang dalwa.

Maigi akong Sumunod sa kanila, nakita kong binili sila ng ticket.

Ano kayang panonoorin nila?

Pagpasok nila ay dali-dali akong pumunta sa ticket booth.

Hello Love Goodbye

Yan yung movie na panonoorin nila. Pumila ako at mabilis na naka bili ng ticket.

Pumasok ako sa loob
Ang dilim naman dito, tumuloy ako at pilit na inaaninag kung nasaan nagsusuot ang dalawang yun.

Pinilit ko talagang hanapin sila, pero mukhang sumuot sila sa madilim na lugar.

Eto na talaga yung sinasabi ko
Humanda ka talaga sa akin Calvin

Hahakbang na sana ako ng may

Humablot sa kamay ko

Muntik na akong makasuntok, kung di lang siya nag pakita sa akin.

Anak ni susang marites, anong ginagawa ng isang toh dito?

"Dito tayo"
Sabi niya at di parin bumibitaw sa kamay ko, kaya ako ang kusang kumuha.

Nanantsing pa

Dinig ko pa ang pagtawa niya
Sinundan ko sya at napadpad kami sa madali na parte ng sine han, kung saan walang ma kakakita sayo.

Pwede ka dito ng magtago o gumawa ng kababalaghan

Na sigurado akong gagawin din ng Calvin na yun.

Umupo siya, kaya Umupo din ako. Aba ang luko may hawak pa na popcorn.

"Anong ginagawa mo dito?"
Inis kong bulong

Akala ko ba umuwi na toh?

"It's obvious, nanonood ng sine"
Oo nga naman Zyc, nanonood nga siya ng sine. Sinehan to eh malamang.

Bigla nalang umilaw ang screen na malaki, kaya medyo kita na ang paligid.

Nang naka ramdam akong may humawak sa ulo ko at nilipat yun sa bandang gilid kung saan kita ng-kita ko na ang dalawa.

"If I we're you, hindi ko aalisin ang tingin ko sa taong sinusundan ko. Mahirap na, baka may gawin"

Teka?
May alam ba toh sa plano ko?
Shemaayy
Lagot ako neto kapag nagsumbong to, at mapupurnada ako

Dapat umakto lang ako ng normal, oo tama
Gumalaw ka ng normal

"Sino namang nagsabi sayo sa may sinusundan ako?"
Pilit kong pinapaseryoso ang boses ko, para di halata.

" Di ko alam, unless may sinusundan ka nga?"
Mautak talaga tung isang to

"Eh ikaw, anong ginagawa mo dito. Nanonood ka nga ba ng sine?"

Her Codename Is: Lady KatanaWhere stories live. Discover now