CHAPTER 9

50 28 4
                                    

ZYC'S POV

Namulat ko ang mga mata ko, dahil sa ingay sa labas.

Tumayo ako saka sumilip sa bintana

UMUULAN

Inayos ko muna ang sarili ko at naligo.

"Whoo"
Mahina kong sigaw habang binubuhos ang tabo ng tubig sa ulo ko.

Shems, ang lamig.

Dahil sa malamig ang panahon nag hoodie ako at syempre ang kinain ko ay ramen 🍜.

Japan feels.
Kinuha ko ang payong ko at humayo na.
Buti nga sementado ang daan, kundi putik kalalabasan ko.
Binaybay ko ang basang daan papuntang school at sa awa ng Diyos ay di ako nadulas o nabasa.
Lumakad ako papunta sa building namin at umakyat sa medyo maputik na hagdan.

Pagdating ko sa mismong floor namin at   iniwan ang basang payong ko sa rack ng payong at pumasok.

"Good Morning, magandang umaga bakla"
Salubong ni Landy sa akin sumunod naman sa kanya si Ven
"magandang umaga Tie"

"morning"
Tipid kong sabi at dumiretso sa upuan ko.
Nakaupo na din yung katabi ko na halatang nakikipag-usap sa mga barkada nya.

Naupo ako at doon ko lng napansin ang hoodie ni Bryce.
Nahalata din yun nina Ven at Landy, pati na rin ang mga kaibigan nya, dahil lahat sila humarap sa amin.

"Ow, couple hoodie"
Sabi ni Kristof

"Owemgee, san nyo nabili yarn. Ganda ng kulay ah"
Bamungisngis pa si Landy, kaya tiningnan ko sya ng masama.

"Magkano ba yan dre"
Tanong ni Tom

"Tsk, hindi ko to binili, niregalo to sa akin ni ate"
Kunot-noong sabat ni Bryce

Kaya napa-'ahh' lng sila na may halong pang-iinis.
d -_- b

Buset kayo.

Pumasok na si maam at nag discuss.
Discuss
Dismiss
Next subject....
CHARACTER EDUCATION

"So this morning class, magkakaroon tayo ng tinatawag na First Impressions. Gagawin nyo toh, with pairs at ako ang pipili"

Tinawag ni maam ang mag partner
Ven=Calvin
Landy=Mark
Kristof=Airam(nakaupo sa likuran namin)
Tom=Shey(bakla din)
At ako at si Bryce

Great, just great.!
Punyeta!

"Okay,pwede na kayong mag-start. Pagkatapos nyo gumawa kayo ng reflection paper at pwede na kayong lumabas."

Humarap ako kay Bryce, nakangiti.

"Sinong mauna?"
Tanong nya

"ikaw na, ngiti-ngiti ka dyan eh"
Sagot ko

"Palagi ka bang seryoso?"
Bigla nyang tanong.

"Tanong mo sa mama ko."
Sagot ko

"So pilosopo ka rin? Hmm.. Di ka ba ngumingiti?"

"Wala namang dahilan para ngumiti ako, sino ba namang hayop ang ngingiti-ngiti kahit wlang nakakatawa, diba?"

"No I mean, yan na ba ang normal expression mo?"

"Depende sa lagay ng panahon"
Sagot ko

"lagay ng  panahon? Ano bang dahilan, para ngumiti ka?"

"You dont know. You have to know me more"

Tumango-tango sya habang nakangiti.

Di nauubusan ng ngiti, may factory ata.

Her Codename Is: Lady KatanaWhere stories live. Discover now