CHAPTER 29

23 13 0
                                    

Zyc's POV

"Zyc, it's lunchtime. Let's go"

Halos bumulong na si Calvin, habang nakasilip sa pinto

Baka kasi magising tong isa.

Dahan-dahan akong tumayo sa inuupuan ko at sumunod sa kanya na nauna ng bumaba.

Halos mangalay ang katawan ko sa kaka-upo at kakatangin sa kanya at syempre sa paligid

Pag labas ko hindi ko na isinara ang pinto ay nag tuloy pababa kung saan naamoy ko na ang sinabawan.

Tumuloy ako papunta sa kusina, na kung saan nakalapag na ang lahat sa mesa.

Mukha palang, masarap na.

Nag hugas muna ako ng kamay sa faucet nila na hightech.
Ilagay mo lang ang kamay mo sa tapat, lalabas na kaagad ang tubig.

Edi kayo na may ganyan, sa amin kasi iiikot mo pa.

"Maupo ka na"
Aya nya na nagsasalin ng kanin

Naupo ako sa tapat nya at nagsalin na rin ng kanin, sinidlan ko naman ng sabaw ang maliit na mangkok sa harapan ko.

Sumubo ako ng kanin at sabaw

Bestfriend goal kayo ni Bryce?
Dapat masarap mag luto?

"Masarap ba?"
Walang anong tanong nya

Ngitian ko lang sya

"Actually si Bry talaga nag turo sa akin magluto. I have to learn daw, to be independent like him"

Parang Bahagya pa syang tumawa

"I wish  someday that someone would take care of him. He lacks in family-love and also self-love"
Tumango-tango pa sya

Hindi ko alam kung bakit nya to, sinasabi sa akin?

"How about you, sabi sa akin ni Ven you live by yourself"

May araw din sa akin tung bruhang toh

Madaldal masyado

" Ah oo"

Tipid kong sagot

"Is it hard to live on your own?"

Bat ba andami mong tanong?
Kumakain ako

"Subukan mo nalang, for experience"
Sabi ko

Andaming tanong eh, di naman kami ganun ka-close

"Sabagay, people like you and Bry are independent. Hanga nga ako sa tulad nyo"

Tumatango-tango pa sya habang kumakain

Nag patuloy nalang ako sa pagkain hanggang sa matapos ako at nagboluntaryong ako nalang ang maghuhugas ng pinagkainan

Nakakahiya naman siguro yun noh, nakikain ka lang

Pagkatapos kong maghugas ng pinggan, syempre inayos ko kaagad ang mga pinangbili ko

Kailangang ko ng umuwi syempre, wala naman akong balak na mag sleep-over dito

Nakaupo ako ngayon sa sofa ng salubongin ako ni Calvin na animoy pinagbagsakan ng lahat ng problema

Halo-halo ata emosyon nya ngayon

"Ah Zyc... Pwede bang humingi.......... ng pabor?

Nahiya pa ata eh

" Bakit, anong pabor ba yan? "

Her Codename Is: Lady KatanaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu