CHAPTER 16

35 22 2
                                    

ZYC'S POV

"Akey!! Thats it for today, dont forget your talents akey!"
Malakas na sigaw nung baklang instructor sa amin

Talagang ginabi kami ng practice, kaya pinauna ko na sila Ven at Landy

Bigla kong naalala, wala pa pala kaming talent noh.

Tss. Ano naman kayang magandang talent ang pwede naming gawin?

Nagsialisan na ang ibang contestants at may kakaunti pang natitira sa loob

Humarap ako kay Bryce na nakaupo sa gilid ng stage, nagpapatuyo ng pawis.

Matanong nga toh

Lumakad ako papalapit sa kanya, magkaharap kami ngayon. Medyo magka-level din ang mga ulo namin, dahil sa taas ng stage.

"Woi"
Usal ko

"Bakit?"
Tanong niya

"Tungkol sa talent natin, may ideya ka?"

Napaisip sya.

Wala akong ibang maisip na talent kundi ang kumanta, yun kang talent ko eh

"Kumakanta kaba?"
Baling nya

Buti nga naisip nya yan, baka pasayawin ako neto mahirap na.

"Oo"

"Mabuti, kumanta tayo. May alam ka bang magandang kanta?"

Marunong akong kumanta, pero di talaga ako mahilig medyo sa pakikinig ng kanta.
Kakaunti lang din ang alam kong kanta, karamihan English language.

"Ikaw may alam ka?"
Pabalik kong tanong sa kanya, napaisip ulit sya

"Marami akong alam na kanta, pero pwede naman tayong pumili para sa talent natin."

"Kahit anong kanta, basta kaya kong kantahin"

"Alam mo yung SAY YOU WON'T LET GO, kaya mo ba yun?"

SAY YOU WON'T LET GO?
Magandang kanta toh, mukhang kaya ko toh

"Mukhang kaya ko naman, so yan na yung kakantahin natin?"

"Oh sige, pwedeng ako yung tumugtog ng gitara tas parehas tayong kakanta"

Not bad

"Geh, kaw bahala. Mag practice nalang tayo siguro bukas? Mukhang wala narin tayong panahon eh"

Ilang araw nalang Intramurals na, next week na yun. Kaya kailangang magmadali

"Sige"
Sagot nya

Dahil tapos na kaming mag-usap, umalis ako at kinuha ang bag ko na nakapatong sa upuan.

Shemay, unang beses ko pala na umuwi ng gabi at mag-isa.

Nagmadali akong lumabas ng gym at Lumakad palabas ng building. Nagpatuloy lang ako hanggang sa nakaabot ako sa gate.

Madilim na ang paligid, syempre gabi na. Wala na ding estduyanteng pakalat-kalat sa daan, mukhang tahimik din ang paligid.

Lumabas ako ng paaralan at mag-isang lumakad sa Madilim na daan, wag lang sang may bumulagang multo o aswang dito, dahil makakatikim talaga yung instructor namin.

Sa kalagitnaan ng pagalalakad ko, nakaramdam ako na parang may sumusunod sa akin.

Pekeneng pakshet!

Eto na nga bang sinasabi ko!
Wag lang talagang sumulpot, makakasuntok ako ng tao.
Oo tao yung sumusunod sa akin, at marami sila. Ramdam ko yun syempre, dahil sa yabag nila.

Her Codename Is: Lady KatanaWhere stories live. Discover now