CHAPTER 26

19 14 0
                                    

ZYC'S POV

"Magkano po lahat?"

Tanong ko sa cashier sa isang ice cream store.

"150 pesos Miss"

Pumihit ako ng 200 pesos sa pitaka ko at binigay sa kanya.

Nandito kami ngayon sa "paboritong" ice cream shop nitong isa na malapit sa school

Sa kedami-dami ba namang tindahan ng ice cream, eh dito pa talaga nya gusto.

Ang layo neto sa mall na pinuntahan namin

"Here's your change Miss, thank you and come again"

Ngitian ko lang siya at kinuha ang sukli ko, saka humarap sa kasama ko sa likuran ko na hawak-hawak ang dalawang cup nya ng ice cream

Dinalawa nya talaga, dahil bitin isang mali it na cup lang ice cream

Kala mo naman kung may binubuhay sa loob ng kalamnan nya.

" Oh bat di ka naupo?"
Tanong ko

"May alam ako na lugar na maganda, tara dun"
Masaya nyang sabi

Sinabi ko bang sasama ako?

"Hoy teka. Saan ka ba pupunta? Atsaka di na ako sasama sayo, tama na yan. Dadalawa na nga yang hawak mo"
Habol ko sa kanya habang palabas ng shop

Huminto sya saglit at hinarap ako

"Samahan mo na ako, may sasabihin ako sayo"

"Dito mo na sabihin, dami pang nalalaman"

Umuling siya

" May malapit na Park dito, doon ako magkukwento"

Waw, hanep. Talagang may venue

"Ano ba kasing ikukwento mo, para kang babae"

Totoo yun, kadalasan kasi babae ang mahilig mag kwento.

"Tungkol kay Calv, para naman alam mo ang dahilan ng lahat ng to."

Ano naman pakialam ko sa kwento nun?
Ano, ipapadala ko sa MMK?

" Importante ba yun?"

Tumango siya
"Alam kung hindi mo parin siya pagkakatiwalaan, pero gusto kong malaman mo ang dahilan at simula ng lahat"

Curious din ako kunti, kung paanong naging ganun yung tukmol na yun

Basta-basta nalang pumupulot ng babae, lalampungin, papasayahin at iiwan.

Kala mo naman kung bibigyan ng parangal, kapag nakuha na lahat ng babae

"Oh sige, pero saglit lang ah"
Sabi ko, ngumiti naman sya na parang naluwagan ang pinapasang problema

Nag simula syang maglakad, kaya nag taka ako

"Hoy! Wag Mong sabihin na maglalakad lang tayo?"

Anak ng!
Kapagod maglakad oi!

"Oo naman, malapit nga lang diba. Magsasayang lang ako ng gas, kapag magmaneho ako papunta dun, mas okay ng maglakad para tipid"

Mukha mo tipid

Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga at sinundan nalang sya

Ano pa nga bang ma gagawa ko?

Her Codename Is: Lady KatanaWhere stories live. Discover now