CHAPTER 45

7 2 0
                                    

NO EDIT

Zyc's POV

Seryoso akong nakasilip na bintana, ang dilim kasi sa labas.
Ang tahimik na naman ng bahay.

Kani-kanina lang umalis sina Mama at Papa, hindi na rin ako makatulog kaya nagmamasid-masid muna ako dito.
Gusto ko rin samag lumabas kaso may curfew pala kaya mamaya nalang siguro, gusto ko rin kasing magtanggal ng kung ano-ano sa isipan ko.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta ng kusina para kumain, kakatapos ko lang kumain pero nagugutom parin ako.

Nakatanggap din ako ng message mula kay Ven at Landy mga kaninang hating-gabi, kakatapos lang daw nila.

Pagkatapos kong kumain, naligo na ako. At kahit malamig, masarap naman palang maligo.

Feeling ko kasi ang lagkit ko. Nagbihis ako ng sweater at sweatpants, at nagmedyas na rin ako.

Tamang-tama dahil paglabas ko ng bahay, hindi na ganun ka dilim ang paligid.

Nalakad-lakad ako sa Village lang namin habang naka-headsets, pero tinanggal ko din agad baka may kung sino o ano na lumapit sa akin. Nadaanan ko ang isang playground, kaya huminto muna ako at umupo sa isang swing.

Hindi naman ako natakot na baka may tumabi sa akin na multo o ano, atsaka hindi naman totoo ang mga multo.

At doon bumalik na naman sa isip ko ang nangyari kagabi, maraming nangyari kagabi. Pero tumatak parin sa isip ko yung dumikit sa labi ko.

Nagbintang agad ako na si Bryce yun, kahit hindi ko talaga alam kung sino o ano ba yun. First kiss ko yun kung tutuusin at lahat naman ata mabibigla kapag nangyari man yun

Bukod sa hindi ko alam kung labi din ba yun, hindi ko rin alam kung sino yun. Pero si Bryce lang talaga ang kaharap ko ng panahon na yun..

Huminga ako ng malalim at nagpaduyan-duyan sa swing.

May date pa pala ako ngayon, isa din yung date na yun.

Ni hindi ko alam kung ano ang susuotin sa nga date at mas lalong hindi ko alam kung anong nangyayari sa date

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at binuksan ang Instagram ko, ngayon ko lang to nabuksan dahil wala namang magandang gawin dito.

Sabog ang notification ko, madami ang nag-follow sa akin. Wala naman silang photo na i-l-like, dahil hindi ako nag-p-post.

Mayroong Krist_Of,na sa tingin ko ay si Kristof, sa ibaba niya ay Tom_n_Jerry. Kilala niyo naman siguro to. Fi-nollow din ako ni Mark na Mrk_C ang Username. Ganun din si Calvin CalVen ang Username.

Nagtaka pa ako kung bakit ganun tas naalala ko yung Ven galing sa pangalan ni Ven.
Baduy nng idea niya

At si Bryce na Eze_mi ang Username, paano ko nalaman na siya yun? Yung profile niya at posts

Pumunta ako sa camera at kinunan ang paa ko, saka ko i-n-add sa story ko. Ngayon lang ulit ako na kapag IG story.
Binulsa ko ulit ang cellphone ko at umalis na.

Pagdating ko sa bahay, hinubad  ko kaagad ang sweater ko, naka sports bra naman ako at umupo.

7:30 a.m.
Nakabihis na ako, nakasuot ako ng trousers at polo. Dadalhin ko din ang sling bag para may lalagyan ako ng cellphone at pera.

Ka-DATE nalang kulang. Sabagay alas Syete pa naman, ako lang tung atat

Ilang minuto pa may nag message sa akin

From: Bryce
// I'm coming at your house //

Message niya

May malakas na busina mula sa labas, siya na siguro yun.
Kaya lumabas na ako ng bahay at ni-lock ang pinto, pagbukas  ko ng gate nakatayo siya sa harap ko mismo.

Her Codename Is: Lady KatanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon