CHAPTER 46

5 2 0
                                    

Zyc's POV

"Itabi mo lang ang bag mo"
Sabi ni Landy at tinulak ako papasok ng van

Pumasok naman ako at nandun na silang lahat, si Calvin, Mark, Kristof, Tom at Bryce

"Hi Zyc!"
Labas gilagid na bati ni Kristof, nginitian ko din siya

Binati din ako ni Tom at Calvin

"Ven mauna ka"
Sabi ni Landy at sumunod sa akin si Ven
Umupo ako sa tabi ng bintana, tinabihan ako ni Ven at katabi niya si Landy.

Sinalpak ko ang headsets ko at nagpatugtog ng kanta
Nadama ko nalang ang pagsandal ni Ven sa balikat ko at hinimas ko ang buhok niya.

Ganda ng bestfriend ko, nasa legal age na.

Nakadama nalang ako ng antok dahil sa lintik na lalaking yun, kaya pinahinga ko ang mga mata ko

"Tie nandito na tayo"
Nagising nalang ako dahil tinatapik ang braso ko.
Pagmulat ko nakita ko si Ven, inayos ko agad ang sarili ko

"Nandito na tayo?"
Tanong ko na medyo wala pa sa ayos ang pag-iisip. Bangag lang.

"Oo tara na, nasa labas na sila"
Agad ko namang binitbit ang gamit ko at lumabas sunod kay Ven.
Nasa labas na silang lahat nag-aayos ng sarili nila.

"Tulog na tulog ka kaya hinayaan ka muna namin"
Singit ni Kristof

"Nagpuyat ka ba?"
Tanong ni Tom

"Ay wala yang pagpupuyatan"
Puna ni Landy

"May eyebags ka pa oh"
Turo ni Ven na akala mo naman kung walang ganun

Saglit kong tiningnan si Bryce

"Wala to"
Sabi ko

Lahat naman sila nagsitinginan kay Bryce

"Anong meron?"
Pabalik-balik na tingin ni Kristof sa amin ni Bryce

"Nakay Bry ba ang sagot?"
At pinagmasdan ni Calvin si Bryce
Nilayo naman ni Bryce ang mukha ni Calvin sa kanya at nagsabi ng

"Ano ba"

"May alam ba kaming hindi niyo alam?"
Si Tom na nakakalokong ngumiti

"Ay may tinatago yan, ano bang ginawa niyo kagabi?"
Pag-uusisa din ni Landy

"Bakit kasali ako?"
Tanong naman ni Bryce

"Sus parang hindi din mahimbing ang tulog mo kanina"

"May insomnia ako kaya ganun"
Sabi ni Bryce

"May ginawa ba kayo Tie? Bat hindi ka nagsasabi?"
Eto na naman ang isa

"Wala nga, ano ba kayo. Diba Bryce?"

"Yeah, tara na"

"Wag ka ngang ano Ven"
Sabi ko at ngumiti siya

"Oh tara na, it's time to party"
Sabi ni Ven na excited

Kaya lumakad kami at sinundan siya

"Hehe, tulungan na kita Zyc"
At kinuha ni Kristof ang isa kong bag, hindi na ako nakapagsalita dahil ngumiti lang siya. Hinayaan ko nalang

"Eh ako naman?"
Parinig naman ni Landy pero walang nakinig sa kanya kaya humarap siya sa amin at tinarayan kami.

"Para namang wala kang kamay"
Si Tom kaya tinaasan siya ni Landy ng kilay

"Para namang hindi gentleman?"
Hirit din ni Landy

Her Codename Is: Lady KatanaWhere stories live. Discover now