CHAPTER 33

24 8 3
                                    

Zyc's POV

Nakaupo kami ngayon, naghihintay ng inorder ni Iry.

Tudo usap naman sila ng kung ano-ano, kaya nakinig nalang ako.

"Remember nung PE class natin and then ang yabang nung isa natin classmate but in the end hindi sya naka points"

Kwento sila ng kwento, nakikitawa nalang kami o minsan tahimik.

" And I remember din nung maliliit palang kayo. Grabe ang iyak ni Kristof dahil parehas sila ng costume ni Tom sa Halloween Party"
Kwento ni Ate Bea

"Nag-effort kaya ako nun Ate, tas pirate din pala costume nito".
Tinuro nya pa si Tom..

" And then nung one time when we had field trip"
Singit ni Iry

Pakiramdam ko ata ginawa kami netong audience. Tagakinig lang kasi kami

Bigla nalang nag tawag yung tindera na handa na daw yung inorder nila

Nag prisinta naman si Landy, kaya sumama na din ako. Para naman may silbi. Nakakahiya naman sa manlilibre

" Shala talaga ng bakla. Andaming inorder, trip nya ata magpapista".
Sabi ni Landy habang kinukuha yung tray, binitbit ko yung drinks at si Landy naman sa pagkain.

Nilapag muna namin yun bago kami naupo.

Tahimik kaming kumakain hanggang sa may narinig kaming sigaw

"NASAN NA YUNG LALAKING YUN?"

May pumasok na dalawang lalaki at babae sa canteen. Mukhang naghahanap ng gulo

" Ayun siya oh"
Turo nung babae sa isang lalaki na malapit lang sa amin

Mabilis na humakbang yung lalaki kanina at bigla nalang sinuntok yung isa.

" What is happening right now?"
Tanong ni Ate Bea na tumayo

Nagsuntukan lang silang dalawa, kaya marami ang naki-usyoso. Meron ding lumabas. Hindi kami maka alis dito dahil obvious na na corner kami.

"Sht, anong gulo toh?"
Si Calvin

"Mag tawag kayo ng teacher at kayo itigil nyo yan!"
Sigaw ni Landy na nanduro pa

Tila ba walang narinig yung dalawa at nagpalitan parin ng suntok

"Lumayo kayo"
Suway ni Tom na pilit kaming pinapatabi. Dahil malapit lang talaga sa amin

Bigla nalang nag labas ng kutsilyo yung lalaking sumugod kanina

" Dang! Kung hindi pa tayo aalis dito madadamay tayo"
Puno ng pag-alalang sabi ni Calvin

"Patigilin nyo na sila baka may masaktan sa kanila"
Paki usap ni Ven

"Oh my God, we need to go. It's dangerous here"
Hindi nalang sana sya nagsalita

Bigla nalang tumalsik yung lalaki na sinugod sa mismong mesa namin kaya tumalsik ako sa di kalayuan

Ang sakit nun ah. Yung pwet ko talaga

Hindi ko nahanap sina Ven dahil sa dami ng taong nagkumpulan

Tumayo na ako at hindi pa nga ako nakakatayo ng maayos ay natumba na naman ako

Naguguluhan na ako dito dahil sa dami ng tao.

Nagulat nalang ako ng may tumalsik sa akin

Isa pa, dadambahan ko na talaga kayo!

Her Codename Is: Lady KatanaWhere stories live. Discover now