KABANATA 12

11 3 0
                                    

"Tara Trix. Kwentuhan pa kita gusto mo? " yaya ni Matthew at inakay na ako. Pahabol ko namang tinignan si Matt na sumusunod na sa amin at seryoso lang ang tingin.

"We had our client before he's with his girlfriend and you know what may taning na ang buhay nito. Ubos na ang pera nila sa bawat gamot at pagpapaospital sa kanya kaya nung hiniling niyang gusto niyang pumunta sa Batanes para lang matupad ang pangarap nila ng girlfriend niya nahirapan ang pamilya niya. One day I've bump with her girlfriend. Hawak hawak ko nun yong printed copies ng advertisement namin. Saktong nahulog yon nung nagkabunggoan kami nung babae at nagulat na lang ako umiyak na siya sa harap ko. And we are in public okay parang feeling ko sinasabi ng ibang tao pinaiyak ko to. Kaya pinakalma ko siya and asked what's wrong. Sabi niya nakita niya ang advertisement namin, alam naman natin na sobrang mahal ang pagpunta sa Batanes diba, eh ang mura daw sa agency namin kaya dali dali siyang nagbook sa amin. Eventually they're our first client. Natupad namin ang pangarap nila ng boyfriend niya. After their trip tuluyan ng namatay yong boyfriend niya. And she applied to became one of our staff na nakabase sa Batanes. And yeah isa pala siyang sikat na influencer. She helped us through her vlogs that's why mas nagboom yong agency namin till now. " mahabang kwento niya.

Ni hindi ko namalayan na nakalayo na pala kami sa bahay nila. Naagaw ng atensyon ko yong lalakeng mamatay na. Hindi ko alam parang nakita ko ang sarili ko sa kanya.

"But right now we're having a problem. Nagback out yong isang investor namin dahil ayaw nila sa low cost. Ang importante lang sa kanila eh pera. Assholes. Kaya ako nandito ngayon kasi balak kong magpaManila to look for some investors. " sabi niya pa.

What if...

"Can I be one of the investors? I want to invest in that" sagot ko. "I wanna help too, I wanna help others to achieve and experience their dream. I wanna help others to be happy as if it's their last day in this world." I really want to.

"Wow. Its so nice to meet someone who shares the same vision with you. Thank you so much Trix. We can talk about your investment in Manila because we're in vacation now. Just enjoy the beauty of Vigan beautiful" sabi niya sabay kindat.

Nakarating na kami sa bukana ng Calle Crisologo. Shit ang ganda.

"Go take some pictures now" sabi ni Matthew at talaga namang di na ako nagpaawat.

Ang dami kong shots dito. Ang ganda dito shit. Nakakapamura talaga sa ganda.

"Ang ganda dito iha noh" sabi ng Mama't Papa nila. " It is the only town during World War II that was saved from the destruction because of a love story. A Japanese General married a Filipina here in Vigan and promised the parish priest that he would save the town from destruction from the retreating Japanese if he would agree to take care of his family. Itong napakagandang lugar na ito ay sinalba ng pagmamahal, kaya masasabi mo talagang napakamakapangyarihan ng pag ibig. " kwento pa nila.

Napamangha ako. There's such thing as love as a savior ah.

"Wow. Thanks to that love. All of it was worth it, eto na ang magandang simbolo ng kanilang pagmamahalan." sabi ko na sinang ayonan naman nila.

"Gusto niyo po bang kunan ko kayo ng litrato? " kapagkwa'y tanong ko.

"Sure iha. We'd love to" sagot niya at pumwesto na silang mag asawa sa gitna. Nakailang kuha ako bago ipakita ito sa kanila.

"Naku ang ganda naman nito Trix" puri ng papa ni Matt.

"Salamat po. Matt, Matthew pwede ko ba kayong kunan with your parents?" tawag ko sa magkapatid na kanya kanyang inaabala ang sarili.

Northern Light (ON HOLD)Where stories live. Discover now