KABANATA 7

13 4 0
                                    

"San na tayo susunod? " tanong ko nung nagdradrive na siya at paalis na kami.

"Sa Malacanang of the North naman tayo" sabi niya.

"May Malacanang pala rito? " tanong ko. Ay oo ng apala meron stupid Trix, naresearch mo nga diba.

"Yup. I'll make you try yong empanada dito. Masarap siya pero mas masarap pa din yong don sa Ilocos Sur haha" sabi niya.

"Wow loyal? " biro ko.

"Of course don ako lumaki eh" sagot niya.

Well nagulat ako don. Akala ko taga Manila siya.

"So taga Ilocos Sur ka? Saan? Sa Vigan ba? " dire diretsong tanong ko. I want to go to Vigan kaya!

"Mismo. You wanna go there? " tanong niya.

"Yess. Omg isa yon sa pinunta ko dito! " excited na sabi ko.

"Sakto bukas. Uuwi ako. Byahe tayo bukas ng hapon" sabi niya. Im so excited!

"Sure i want that" hindi ko matago ang excitement ko. Makakapunta na ako sa Calle something. Nakalimutan ko yong buong pangalan.

Nakarating nga kami sa Malacanang of the North na dating tahanan ng dating pangulong Marcos at kanyang pamilya. Pagkatapos naming magpicture at magliwaliw don kumain kami ng kulay orange na empanada, ang sarap nga!

Pagkatapos naming magliwaliw sa sentro ng Ilocos Norte magtatanghali na. Akala ko babalik na kami sa resort pero dumaan pa muna kami sa Red Ribbon para umorder ng chocolate cake tsaka nagdrive ulit papunta sa isang bahay na malapit lang din.

"Maaaang adda manong thanthan'n!" (Maaaa andyan na si Kuya Thanthan)

sigaw ng isang bata habang patakbong lumalapit sa kinaroroonan namin.

Okay ang naintindihan ko lang ay yong 'manong thanthan'. Iloko, that's their language here. Like I said nagresearch din ako konti bago pumunta dito.

Inalalayan niya akong bumaba tsaka humarap at binuhat ang bata.

"Hello Chelsea. Namiss mo ni manong? " sabi niya sabay halik sa pisngi ng bata.

"Wen manong yeey adda cake ko thank you po." (Opo kuya yeey may cake ako thank you po)

Ang cute cute niya.

"Chelsea etoy ngayam ni Ate Trix. " (Chelsea eto nga pala si ate Trix)

sabi niya habang pinapakilala ako.

Ngumiti sakin ang bata at nginitian ko din ito.

"Hi Chelsea. Ilang taon kana? " tanong ko.

"6 po ate. Intay jay unegen manong dedjay ni mamang aglutluto" (Tara na po sa loob kuya andon si mama nagluluto)

sabi niya at bumaba hinawakan ang kamay namin ni Matt, magkabila. Siya ang nasa gitna.

Pagpasok namin sa bahay nila sinalubong kami ng isang medyo may katandaan na babae.

"Thanthan sus adda ka gayamen. Oh isu daytoy ti nobya mon? " (Thanthan andyan kana pala)

sabi niya at tinanggap ang pagmano ni Matt sa kanya. You were raised well Matt, I never thought makakakilala pa ako ng lalakeng ganito.

"Wen nang. Ni Trix, nagpintas niya" (Opo nay, si Trix ang ganda diba)

sabi niya sabay kindat sakin. Ano na naman kay sinabi nito.

"Supay. Naglaing ka pumili Thanthan adda lahi na aniya... " (Oo nga, ang galing mo talaga pumili Thanthan may lahi pa ata no)

sabi niya kapagkwa'y bumaling sakin.

"Ay naku iha pasensya na di mo yata kami naintindihan. Ang sinabi ko eh ang galing pumili ni Thanthan dahil napakaganda mo. Ako nga pala si Martha,tawagin mo na lang din akong Nanang Martha gaya ni Thanthan. "

Nahiya naman ako sa sinabi niya. "Im Beatrix po, Trix na lang po Nanang. " nahihiyang sabi ko.

"Sus nahiya pa tong napakaganda kong girlfriend. " sabi niya sabay akbay sakin. Siniko ko siya at natawa lang siya sakin kapagkwa'y bumaling sa kusina.

"Nang, nakaluto kana? Gutom na ako, tsaka namiss ko luto niyo" sabi niya sabay hawak sa tiyan niya.

"Sus oo na halina kayo sa kusina at kumain na tayo. Ireref ko na tong cake na dala niyo. "

"Yown. Tara na babe let's eat" sabi niya sabay hawak sa bewang ko. Napaigta ako nung bigla niya akong kurotin don.

Inirapan ko siya at bahagyang pinalo ang kamay. Natawa lang siya sa ginawa ko.

Pagkatapos naming kumain don ay pumanhik na din kami pabalik sa resort. Nagpaalam siya saglit dahil may aayusin pa daw sila sa Music Fest mamayang gabi. Ako naman ay gaya ng plano magswiswimming ako sa dagat pero magpapahinga muna ako saglit.

Nakaidlip ako siguro ng mga ilang oras at maghahapon na. Sakto nagswimsuit na lang ako palabas, no one would even bother though. We're in the beach.

Papanoorin ko yong sunset habang nagswiswimming yes! Lumusong ako sa tubig at pumunta sa medyo malalim. Nagfloating floating ako don nung biglang may kumiliti sa paa ko at alam ko na kung sino.

"Parang lahat ng parte ng katawan mo may kiliti ah hahaha" Si Matt nga wala ng iba. Inis ko siyang winisikan ng tubig kata natigil siya sa pagtawa.

"Chill ka lang babe gigil na gigil kana naman" lumambing yong boses niya kaya inirapan ko lang siya. Walang ano ano'y bigla niya akong winisikan.

"Bwisit kang lalake ka! " sigaw ko at hinanap siya kasi bigla siyang nawala.

"Hindi na nakakatuwa Matt ah" banta ko dahil hindi pa siya umaahon.

Nung biglang may humawak sa bewang ko at pinalibot niya yong kamay niya sa tiyan sabay patong ng baba niya sa balikat ko.

"I've never felt so peaceful and happy like this before. " bulong niya. Nanindig ang balahibo, bumilis ang tibok ng puso ko. Parang sasabog na ako. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at huminga ng malalim. Kalma ka lang puso.

"Sunsets literally implies downfall. In our life we always have sunsets, we always have our own downfall. But sunset means a new beginning right, a new hope... Ending a day to look forward to a new one. So whatever your problem is right now, you may feel like your life is being a sunset, falling down. Always remember to look at the brighter side. To look forward to a new hope amidst of all the struggles you have right now. "

Nangilid ang luha kong nakatingin sa papalubog na araw. Pinaharap niya ako sa kanya.

"Hush baby don't cry. Mas maganda kapa sa sunset, I swear. " sabi niya sabay punas ng mga luha kong di ko namalayan tumulo na pala.

"Sira ka...! " sabi ko bahagyang natatawa sa kabila ng pag iyak ko.

Napapikit na lang ako nung bigla niya halikan ang dalawang mata ko. Nung minulat ko ito, nakita ko na naman yong matang niya punong puno ng emosyon.

"Your eyes are too pretty to cry. Hush now babe. " sabi niya sabay yakap sakin.

Humiwalay ako sa kanya at bumakas ang pagtataka sa kanyang mukha. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Dinampi ko ang labi ko sa kanya at kusang gumalaw. Sinuklian niya ito ng isang banayad na halik. Hinapit niya ako papalapit sa kanya at nilagay ko ang mga kamay ko sa batok niya. Impit akong napadaing nung marahan niyang kagatin ang ibabang labi ko pagkatapos ay marahan niya itong siniil. Nalulunod ako, nalulunod ang puso ko.

Naghiwalay ang mga labi namin pansamantala para huminga at nung saglit pa ay muli niya akong hinalikan at hinila pababa. Kasabay ng paglubog namin sa tubig ang tuluyan ng pagkahulog ng puso ko sa kanya.

Thank you for reading!

Northern Light (ON HOLD)Where stories live. Discover now