KABANATA 2

24 5 0
                                    

Nagising ako sa mainit na sikat ng araw at sa sakit ng ulo ko, hindi naman marami ininom ko kagabi, maayos pa nga kaming nakauwi ni Dale.

Parang binibiyak sa sakit yong ulo ko, tinignan ko yong oras sa phone ko at nakitang alas sais pa lang ng umaga. Maaga pa naman itulog ko muna.

Ilang minuto muna akong pabaling baling sa higaan ko, iniinda yong sakit ng ulo ko bago tuluyang makatulog ulit.

"Anak gising na, kumain na tayo. Ni hindi kapa nagbreakfast tanghali na" maingat na yogyog ni Mama sakin habang ginigising ako.

"Sige Ma maliligo lang ako bababa na din" sagot ko at bumangon na.

Medyo masakit pa yong ulo ko pero tolerable na naman na siya, siguro uhaw at gutom na lang to.

"Sige dalian mo at nang makakain kana, antayin ka namin ni Dale sa baba" sabi niya at lumabas na sa kwarto ko.

Pumasok na ako sa banyo at naligo. Sumasakit na naman tong ulo ko, parang mas lumalala.

Dali dali kong tinapos ang pagligo at nagbihis na. Saktong paglabas ko ng kwarto ko biglang sumakit ng sobra yong ulo ko.

Parang binibiyak parang kanina pero mas malala. Napakapit na ako sa pintuan dahil parang anytime matutumba na ako.

Pinilit kong maglakad pero ang hirap aninagin ng daanan, parang wala akong makita.

"Maaaaaa!!!!!! " sigaw ko gamit ang natitirang lakas ko

Hindi ko na kaya, tuluyan na akong napaupo sa sahig.

Narinig ko na lang ang yabag nila paakyat bago ako tuluyang nawalan ng malay.

---

"I advise na manatili muna rito ang pasyente for some tests then antayin natin yong result ng kanyang MRI. For the meantime, wait for the nurse to check her vitals at babalik ako pagkakuha ng result ng MRI. I'll go ahead. " rinig kong sabi ng isang doctor.

Minulat ko ang mga mata ko at nakitang nasa hospital ako. May nakakabit na swero sakin. Dali dali akong nilapitan nila Mama at Dale nung nakita nilang gising na ako.

"Kumusta pakiramdam mo anak? Anong gusto mo? May masakit ba sayo? Tawagin ko ulit yong doctor or nurse sandali lang" nag aalala at natatarantang saad niya.

"Okay lang ako ma. Antayin na lang natin pagbalik nila. " nahihirapang sabi ko at tinulungan ang sarili kong umupo.

"Trix sobra mo kaming pinag alala. Hindi naman marami ininom natin kagabi bat ka nagkaganun" nag aalalang tanong ni Dale.

"Hayaan mo na. Okay na ako. " sagot ko at nginitian sila

"How can I leave like this? Tsk. Kailangan ko daw umuwi ng probinsya saglit dahil aayusin namin yong lupa nila tatay na pinag aawayan ng mga kamag anak namin. Sorry talaga babalik din ako agad" sabi niya at hinawakan pa ang kamay ko.

"Ano kaba okay lang ako, andyan naman si Mama. Mas kailangan ka nila don. Kaya go. Ingat ka" sagot ko

"Sigurado ka ah? Ma pasensya na talaga " apologetic na sabi niya kay Mama

"Ayos lang yan Dale. Oh siya alis kana baka maiwan kapa ng bus. " sabi ni Mama at nakipagbeso sa kanya. Hinawakan niya lang ang ulo ko. Of course kapatid nga diba?

"Opo inantay ko lang magising tong si Trix para makapagpaalam ako. Pagaling ka. Ingat kayo" sabi niya at lumabas na dala yong backpack niya.

Pagkaalis niya inasikaso naman ako ni Mama. Bumili siya ng pagkain ko. Pagkatapos ko pinilit ko muna siyang umuwi para makapag ayos din ng sarili niya.

Northern Light (ON HOLD)Where stories live. Discover now