KABANATA 8

14 4 0
                                    


"Okay guys isa to sa pakulo ng music fest taon taon, yong mga suki alam na to pero yong mga newbie, I'll tell you. Kung sinong tatapatan ng spotlight, mag isa man o dalawa or marami basta tatapatan ng ilaw kailangan kumanta dito sa harap. Okay? So what are we waiting for? Let's get it on! Be wild and free people! " anunsyon ng emcee sa harapan na sinabayan ng nakakahype na sound kaya mas lalong naghiyawan ang mga tao.

Tumahimik din agad nung magsimula na silang magpailaw at tumapat sa isang lalakeng umiinom mag isa. Game na game naman tong umakyat at kumanta sa stage.

Nagpalakpakan ang mga tao pagtapos niyang kumanta at naghanda na para sa mga susunod pa. Umilaw ulit ito at tumapat naman sa grupo ng mga babae. Game na game din silang kumanta at ibang kasama nila na sumayaw sa harapan.

"You're enjoying aren't you? " tanong niya habang nakaupo sa tabi ko at nasa likod ko ang kamay niya.

"Yes I am. Another first time ko to" I stated as a matter of fact.

"Im glad..." kaswal na sabi niya at pinasandal ako sa kanya at inakbayan.

Tahimik lang kaming nakaupo at nanood hanggang sa matapos ang mga nagpeperform. Umilaw ulit ang spotlight nang bigla itong tumapat samin!

"Looks like we have a couple this time crowd" anunsyo ng emcee.

Tumayo si Matt at nilahad ang kamay niya.

"Will you sing with me again?" tanong niya kaya inabot ko ang kamay tsaka marahan akong hinila patayo.

Nagpalakpakan at hiyawan ang mga tao nung pumunta kami sa harap at kumuha ng mic.

"Alam mo yong kantang Crazy for You? " tanong niya.

"Yes alam ko. Should we sing that? " tanong ko pabalik at tinanguan niya lang ako nang nakangiti.

"Swaying room as the music start

Strangers making the most of the dark

Two by two their bodies become one... " panimula ko habang nakatingin sa harapan.

"I see you through the smoky air

Can't you feel the weight of my stare

You're so close but still a world away... " siya naman habang nakatingin sakin kaya tumingin din ako sa kanya at ngumiti.

"What Im dying to say is that

Im crazy for you

Touch me once and you'll know its true

I never wanted anyone like this

Its all brand new

You'll feel it in my kiss

Im crazy for you... " sabay naming kanta habang nakatingin sa isa't isa.

"Crazy for you... " ulit niya sa kanta at lumapit sakin para halikan ako kaya mas lalong naghiyawan ang mga tao. Feeling ko ang pula ko na grabe.

"Kainggit sana all may jowa! " hiyaw ng emcee at bahagya pang nagpapaypay gamit ang kamay. "Everyone makakasama ulit natin kumanta itong si lover boy mamaya so just enjoy the night! " anunsyo niya pa.

"Natatakot ako... " sabi ko nung maupo ulit kami.

"Bakit?... " nag aalalang tanong niya.

Northern Light (ON HOLD)Where stories live. Discover now