SIMULA

44 7 4
                                    

Fate is something you wanna know but you can't. There are some people who can predict it and some who really can't and just trying or the right term is fooling others about their fate just for money.

May ilang tao ding nagpapaloko gaya tong nanghihila sakin ngayon dito sa Quiapo para daw magpahula.

"Trix don't be a kj ang hirap kayang tumakas sa mga bantay ko para lang makapunta dito. Come on" sabi ni Ally sakin habang hinihila ako. Perks of rich kid huh.

"Fine. Sasama na nga eh" sagot ko. Nakakastress talaga ang init at siksikan dito grabe.

"Napipilitan pa. Come on girl ayaw mo bang magkaron ng clue sa taong makakatuluyan mo? " tanong niya nung medyo napunta na kami sa part na maluwag na at wala na masyadong tao.

"Nagpapaniwala ka jan. Di naman totoo yan eh" sagot ko sa kanya. Di talaga kami pareho ng paniniwala.

"Try mo lang wala namang mawawala eh. Don tayo kay Kuyang walang customer kawawa naman" yaya niya at hinila ulit ako. Hilig talagang manghila nitong babaeng to.

"Buti na lang may klase si Dale at di natin siya kasama kundi isa ring kj yon gaya mo" singhal ni Ally. Dale is my best friend since bata pa kami. Si Ally naman ngayong college lang namin nakilala.

"Kuya pakihulaan naman tong kaibigan ko kung sinong magiging jowa niya" halos mapairap ako sa sinabi nitong babaeng to. Para akong desperada sa jowa ah.

"Ilahad mo ang palad mo ineng" sabi nung lalakeng medyo may katandaan na.

Iniabot ko naman ito.

Okay fine suko na. Itratry na. Gaya ng sabi niya wala namang mawawala.

"Pinanganak siya nung oras na lumitaw ang mga naggagandahang ilaw sa kalangitan. Ang simbolo ng mga espiritong nagkakasiyahan ang namutawi sa langit ng gabing siya'y isinilang. " sambit nito.

"Aurora... Ikaw si Aurora at ang lalakeng makakatuluyan mo ay ipinanganak saktong paglitaw ng Aurora Borealis sa kalangitan" tuloy niya pa. Pano niya nalamang Aurora ang pangalan ko? Im Beatrix Aurora. And that Aurora Borealis? That's what I've been dreaming to witness!

"Wow girl! Sa dream place mo pala pinanganak future jowa mo! At saktong paglitaw pa ng Nothern Light grabeee" hirit ni Ally, paniwalang paniwala.

"Mapalad ka ineng sapagkat mamahalin ka niya ng sobra. Ngunit may malaking unos kayong pagdadaanan at nasa sayo ang magiging kahihinatnan ng inyong pagmamahalan. " binawi ko ang kamay kong hawak niya.

One of the reason kaya ayaw ko ng ganito is yang ganyan. Parang nakakakaba naman yong unos.

"Magpakatatag ka ineng. Makakaya niyo lahat ng magkasama. Dahil ikaw ay sa kanya itinakda tulad ng pagkatakda niyang isilang sa mismong oras ng paglitaw ng simbolo ng kasiyahan ng mga espirito. "



Sorry for the typos and errors, please bear with me. I accept criticism because I know I'm not that good. Thank you for reading!

Northern Light (ON HOLD)Where stories live. Discover now