KABANATA 11

10 3 0
                                    

Nakatulog siguro ako ng mga ilang oras at nung magising ako pagtingin ko sa labas medyo madilim na. 6:30 na pala shit.

Dali dali akong naligo at nag ayos. Nakaharap ako sa salamin habang sinusuklay ang umaalon kong buhok. Sa maniwala o hindi ang ibang tao hindi ko ugaling magmake up. Kahit san ako magpunta unless na lang kung party na required talaga. Natural nang mapula ang labi ko kaya hindi ko na kailangan pa ng lipstick, matangos ang ilong ko dahil nga sa kano na tatay ko, makapal din ang kilay ko na sabi nila bumabagay sa features ng mukha ko.

Nagsuot ako ng isang plain black v neck dress na may konting initials ko sa may heart part and I match it with white sneakers kaya mas lalong tumingkad ang kaputian ko.

Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako, saktong paglabas ko ay ang paglabas din ni Matt mula sa kwarto niya. He looks so fresh wearing his white t shirt and shorts. Ewan ko lang ah pero sakin sobrang napakaattractive ng mga lalakeng nakasuot ng kulay white. Ang linis linis nilang tignan.

"I was about to go there and knock on your door. Nakapagrest kana? " tanong niya at lumapit sakin.

Tumango ako. Medyo natigilan nung marinig ko ang ingay sa baba.

Napansin niya sigurong nagtaka ako nung marinig ko yong ingay kaya napakamot siya sa batok niya. "Oh about that sorry kasi tinawag ni Mama sa mga kamag anak namin na umuwi ako dito at may bitbit pang girlfriend. "

"Oh ganun ba. Sige okay lang. " sagot ko at inaya niya na ako pababa.

Pagkababa namin ay tumungo na kami sa labas sa may garden ata nila. May pahabang mesa don na may mga nakalagay na pagkain. Boodle fight!

"Oh ayan na pala sila. Than, Trix come one let's eat" yaya ng Mama niya.

"Talaga met nga napintas daytoy nobya ni Than,adda pay lahi na" (Talaga naman ang ganda ng girlfriend ni Than, may lahi pa)

sabi nung isa don. Nobya and Than lang naintindihan ko.

"Aysus auntie. Iyam amokon neh. This is Beatrix Aurora Evans, Trix they are our relatives na taga rito din." (Sus eto na papakilala ko na auntie)

Isa isa silang lumapit at nakipagbeso sakin.

"Oh so we have a party now? Reunion? " sabi ng isang lalakeng kakalabas lang mula sa pinanggalingan namin.

He's tall like Matt and very good looking too. Teka... Kamukha niya yong parents ni Matt. Is he his brother?

"Oh hey kuya. Kaya pala may ganito kasi umuwi ka" bati nun kay Matt. Confirmed. "And who's this beautiful lady beside you? " tanong pa nito.

"Trix this is Matthew my brother. Matt this is Trix my girlfriend. " matigas na sabi niya at diniinan pa ang girlfriend.

Ngumising ng nakakaloko si Matthew at lumapit sakin.

"Hi Trix. Im so glad to meet you" sabi niya at niyakap ako sabay halik sa pisngi kko. Bahagya pa akong nagulat.

"Matt stop it" may diin na talaga sa boses ni Matt.

Humiwalay ito sa akin at ngumisi. "What? Im just welcoming her. What's wrong with that BRO?"

Nanatili lang nakakunot ang noo ni Matt habang nakatingin sa kapatid na nakangisi.

"Guys come on let's eat" tawag ng Papa nila.

Nauna nang lumapit don si Matthew at sumisipol sipol pa. Narinig kong bumuntong hininga si Matt at inaya na din akong pumunta don.

Halos kumislap ang mata ko sa nakita kong pagkain na nakalatag sa ibabaw ng dahon ng saging. May kanin, bagnet, longganisa, shrimp, pinakbet, adobong manok at baboy, inihaw na karne at isda, talong na may kamatis at sibuyas na may bagoong. Shit naglalaway na ako.

"Than lead the prayer anak" sabi ng Mama niya

"Sa ngalan ng ama, anak, espirito santo amen. Maraming salamat po sa handa namin ngayon, maraming salamat din sa maayos na kalusugan ng mga taong naririto ngayon. Nawa'y lagi niyo po kaming gabayan at ilayo sa kapahamakan. Maraming salamat Panginoon. Sa ngalan ng ama, anak, espirito santo. Amen. "

"KAINAN NA! " masiglang sabi ni Matthew at nilantakan na ang pagkain.

"Kain na Trix iha. Halos lahat yan pinagmamalaki ng Vigan. Minsanan lang din si Than dito kaya alam kong miss na miss niya ang mga ganito. " sabi ng Mama niya.

"Opo ang sasarap nga eh salamat po" sagot ko.

Kumain lang kami ng kumain hanggang sa maubos ang nasa harap naming pagkain. Dapat daw simot lahat sa pwesto mo.

Pagkatapos naming kumain ay nagpalipas muna kami ng kain bago tuluyang pumanhik papuntang calle crisologo at plaza nila rito.

"Lalakarin natin ang calle kung okay lang sayo malapit lang naman. " sabi niya "Para na rin mabawasan yong taba mo sa dami ng kinain mo kanina" asar niya pa.

Naningkit ang mata ko at natawa naman siya. Palibhasa hindi niya alam na kahit gano kadami pa ang kainin ko hindi naman ako tumataba.

Sumama ang parents niya at ang kanyang kapatid samin na maglibot.

"Wait lang Trix kukunin ko lang yong cap ko sa kwarto. " sabi niya nung nasa labas na kami ng bahay nila.

Habang inaantay siya ay lumapit sakin si Matthew.

"Trix. Im sorry for my attitude a while back. Inaasar ko lang ang kapatid ko. " panimula niya.

"Okay lang yon. Ilang taon kana pala Matthew? " tanong ko.

"Im 23. Mas matanda lang si kuya ng dalawang taon" sagot niya.

So 25 na pala si Matt. Mas matanda nga siya.

"Magkaedad pala tayo. Dito ka ba sa Vigan nagsstay?" tanong ko kasi diba si Matt sa Manila siya.

"Nope. May minamanage akong business sa Batanes kaya don ako. Nagkataon lang na umuwi ako ngayon dito and Im glad na umuwi talaga ako ngayon kasi nameet kita"

Para naman akong naexcite sa narinig kong Batanes.

"You know what dream destination ko ang Batanes! And lucky me kasi may aattendan akong work don " excited na sabi ko. Naeexcite talaga ako. Atleast may kakilala na ako don pag nagkataon..

"Oh wow. Hindi mo naman talaga maitatanggi ang kagandahan ng Batanes no wonder ang daming gustong pumunta don. That's why my business there is a travel agency with low cost. In that way, mas mura mas maraming makakatupad ng dream destination nila. " sabi niya.

Napahanga ako don. I think I've found someone who's kind enough to let others experience what they have been dreaming.

"Give me your contact details, sa inyo ako cocontact pag pumunta ako don" biro ko pero half meant of course.

"Very sure Trix basta ikaw. Gusto mo ako pa mismo magtour sayo eh" sabi niya pa.

"Pwede? Sige ba! " sagot ko at tinawanan niya lang ako sabay gulo ng buhok ko. Para siyang si Dale haha.

"Ehem. " natinag lang kami nung narinig naming tumikhim si Matt. Mas lalo namang ngumisi si Matthew.

"Matt tara na? " yaya ko.

"Sure" sabay nilang sabi. Shit parehas palang Matt tong dalawang to.

Mukhang magkakalituhan pa. Good luck na lang. 

Thank you for reading!

Northern Light (ON HOLD)Where stories live. Discover now