KABANATA 9

11 4 0
                                    

Nagising ako na parang binibiyak ang ulo ko. No please wag ngayon. Aray ang sakit.

Pinilit kong bumangon at pumuntang banyo para kunin ang gamot ko at inumin. Halos iuntog ko na ang ulo ko sa pader dahil sa sobrang sakit nito.

Pinakalma ang sarili ko makalipas ang ilang sandal bago ako lumabas ng banyo at dumiretso higa na, buti hindi nagising si Matt.

Tinignan ko ang oras sa bedside clock at nakitang alas singko pa lang ng umaga, maaga pa at ilang oras pa lang ang naitulog ko.

Dumantay sakin ang braso at bewang ni Matt na parang isa akong unan na niyayakap niya. Sandali ko siyang tinitigan, para talaga siyang anghel.

Wala sa sariling siniksik ko ang sarili ko sa kanya at don ko natagpuan ang antok.

---

Bat parang may basang tumutulo sakin? Minulat ko ang mata ko at nakita ang natatawang lalakeng may hawak na basong tubig at basa ang kamay.

Argh bwisit talaga!

"Madam alas nuebe na ng umaga! Gumising kana gutom nako! " bulyaw niya. Sinamaan ko siya ng tingin talagang tinotoo niyang babasain niya ako para lang magising.

"Oh ang aga naman nitong magsungit" asar niya.

Padabog akong bumangon at dumiretso sa banyo. Sinadya kong magtagal ng isang oras don para mainis siya. Paglabas ko may pagkain na kami don at talagang gutom na gutom na ako.

"Just in time, come on let's eat" yaya niya.

Hindi ko siya inimik at nagpatuloy lang kumain.

"Uy sorry na. Eto na oh ah" sabi niya sabay subo sakin ng isang kutsarang sinangag at bacon. Sandali ko lang siyang tinitigan bago bumalik sa kinakain ko.

"Trix naman eh. Sorry na" manigas ka!

"Sige ka di kita isasama sa Vigan mamaya" banta niya.

"Anong mamaya di ba bukas pa yon" sabi ko.

"Anong bukas mamaya kaya, sinabi ko sayo kahapon" sagot niya. May sinabi ba siya kahapon? Bat parang wala akong maalala.

"Ah okay" sagot ko na lang. Di ko pa rin siya bati.

"Bati na tayo ah? Sorry na... " sabi niya at lumapit sakin sabay yakap.

Hinayaan ko lang siya sa ganung pwesto. Bahala siya.

"Uy pansinin mo na ako" sabi niya at nagpacute pa.

"Okay sige na. " hayaan mo na nga lang. Rupok mo girl.

"Yeey pagtapos natin dito mag ayos kana ng gamit mo tapos ako kukunin ko na din yong mga gamit kong naayos na kagabi, magbyabyahe tayo ng mga alas kwatro. " paliwanag niya.

"Anong oras na ba" tanong ko.

"10:30 po. " sagot niya.

"Magswiswimming muna ako bago tayo umalis" sabi ko.

"Sure swimming muna tayo"

Pagkatapos naming kumain gaya ng plano nagswimming pa kami at kumain ng tanghalian sa Seaside Restosaurt. Nung mga alas tres ng hapon tsaka lang kami umahon at nagpunta sa kanya kanyang cabin para mag ayos. Saktong alas kwatro ay nagcheck out na kami sa resort.

"You can sleep muna medyo mahaba ng konti ang byahe natin" sabi niya nung papaalis na kami.

"Kung makakatulog ako. Basta gisingin mo ko pag malapit na tayo ah" sabi ko.

"Yes boss"

Hindi ko alam kung ilang oras o minuto akong nakatulog basta nagising na lang ako sa parteng may eroplanong nakalapag sa isang lote na malapit sa parang municipal hall ata?

"Is that true? " turo ko don sa eroplano.

"Yup. Andito na tayo sa San Ildefonso, Ilocos Sur. Malapit lapit na tayo. Isang municipality na lang which is Bantay, Vigan na. " sabi niya.

Tahimik ko lang pinanood ang kalsada at mga bukid na binabaybay namin. Sarap pala sa feeling ng nasa probinsiya.

V I G A N

Basa ko sa arkong papasukan namin, may mahabang kalsada na may mga center plant. Ilang minuto din namim itong binaybay bago ko makita ang isang fountain sa kaliwa ko habang ang Provincial Capitol naman sa kanan ko.

"Welcome to my hometown" sabi niya pa at itinuro sakin ang Vigan Cathedral na sobrang ganda.

"Uuwi muna tayo samin para makapagpahinga at makapag ayos, mamayang gabi na tayo pumuntang heritage maganda rin kasi don lalo na pag gabi tapos by 8pm magsisimula yong dancing fountain na nadaanan natin kanina. Yong ibang pasyalan naman bukas na lang. Okay lang ba? " tanong niya.

"Of course Im so excited" sagot ko. Pero kinakabahan ako dahil uuwi kami sa bahay nila. And I was kinda guilty dahil hindi pa siya nakakapag uwi ng babae sa kanila at nagkataon na ako pa ang una. I mean it shouldn't me right? Tumikhim ako. "What if sa hotel na lang ako magstay? " Napabaling siya sakin "What? No. Sa bahay kana we have a lot of guestrooms. "

"Pero... "

"Walang pero pero, you'll go home with me" pinal na sabi niya.

Sasagot pa sana ako nung biglang tumunog ang phone ko at nagtext si Mama asking kung kelan daw ako uuwi. Rineplyan ko na lang siya ng not sure Ma update na lang kita. And for Dale, he texted me din like there's nothing happened.

Ang nabuo lang sa utak ko tungkol don sa narinig kong pag uusap nila ay si Shane ang may pakana. Siguro intensyon niya talagang mapakinggan ko sila para magback off ako, para masaktan ako. And yeah she succeeded nasaktan na nga ako.

From: Dale

Im going home soon Trix malapit na kaming matapos dito. Baka magkasabay pa tayong dumating or mas mauuna, we'll see about that. Anyway, mag ingat ka jan dude. Miss you and Mama.

Inaamin ko nawaglit sa isip ko si Dale nitong mga nakaraang kasama ko si Matt pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa ganitong pakikitungo ni Dale sakin, I mean hindi na to bago pero hindi naman kasi siya madalas magsabi ng ganito eh.

"Trix see this oh, madadaanan natin ang Heritage" true to his word nadaanan nga namin ito. Ang ganda, walang kupas kahit dumaan ang maraming taon . Ultimong nakalagpas na kami ay pilit ko pa rin itong tinatanaw.

"Ang ganda... " usal ko. "Parang ikaw" sagot niya.

"Ewan ko sayo" sabi ko sabay irap.

"Maganda kahit maluma man" sabi niya at humalakhak. Gago to ah! Inis ko syang pinalo sa braso.

"Hey iba kasi ang ibig kong sabihin! " sabi niya at bahagya pang natatawa. Hindi ko siya pinansin.

"Maganda parang ikaw. Kahit maluma man, lumipas man ang maraming taon, kahit ano pang pagdaan walang kupas pa rin ang kagandahan. "


Thank you for reading!

Northern Light (ON HOLD)Where stories live. Discover now