KABANATA 3

20 4 0
                                    

Hindi ko alam kung nakatulog ako o hindi dahil mula kanina nakapikit na lang ako. Pinipigilan yong luha ko.

Tinigil niya ang kotse sa isang bangin na kita ang city lights. Bumaba siya at pinagbuksan ako, ang ganda! Idagdag mo pa yong langit na may nagkikislapang bituin.

Umupo kami sa harapan ng kotse ko at uminom.

"Ang ganda dito, siguro dami mo nang dinalang babae dito noh" biro ko at tumawa siya

"Hay naku ang hirap kayang mambabae" sagot niya

"Bakit binabakuran ka ba ng jowa mo? Mahigpit ba? " biro ko ulit

"Ang hirap kayang mambabae kung iisang babae lang ang nasa puso't isip mo" tuloy niya

"Wow. Faithful? " asar ko at tumawa lang siya ulit

"Ikaw bat ka mag isa sa bar? Asan jowa mo? " tanong niya naman

"No jowa. Pass ako jan ni hindi nga ako mapansin ng taong gusto ko eh" sagot ko

"Ah kaya brokenhearted ka? Kaya nag iinom mag isa? " dumadami tanong nito ah

"Brokenhearted my ass. Porket umiinom broken na agad? Di pwedeng may problema muna? " sagot ko

"Pwede naman. So anong problema wanna talk about it? " concern na sabi niya

"Next time na lang dude kaya nga ako nag iinom para makalimot don eh" sabi ko

"Wow so you're looking forward to next time ah" asar niya

"Ewan ko sayo balakajan haha" sabi ko at hiniga ang kalahati ng katawan ko sa kotse ko.

Dale and I never experienced any kind of what I'm experiencing with this stranger right now. Nakakalungkot lang na yong taong gusto mong kasama sa isang sitwasyon eh wala sa tabi mo.

Maya maya pa ay ginaya niya ang pwesto ko at narinig ko siyang naghum. Medyo familiar siya.

"Anong kanta yan? Kantahin mo nga? " sabi ko

Tumingin siya sa langit at nagsimulang kumanta

" Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan... "

Tumingin ako sa kanya at napatingin din siya sakin

"... Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan..." kanta niya sabay ngiti sakin

"Tanaw pa rin kita sinta

Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala

Sa tuwing nakakasama ka

Lumiliwanag ang daan sa kislap ng yong mga mata... "

Bumaba siya sa kotse at inaya akong bumangon. Umarte siyang luluhod at nilahad niya ang kamay niya, tila inaantay akong paunlakan siya sa isang sayaw. Natawa ako at inabot ang kamay niya. Inalalayan niya akong bumaba tsaka inilagay ang mga kamay ko sa balikat niya. Hinawakan niya ang bewang ko.

"Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay

Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang iyong kamay... "

Kanta niya sabay kuha ng isang kamay ko sa balikat niya at nakangiting pinagsalikop ang mga daliri namin.

"Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan

Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan

Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan

Nating dalawa, nating dalawa... "

Right at this moment i don't feel any doubts, harm o kahit anong problema. I feel so safe, free and happy...with this stranger.

"Langit ay nakangiti, nag aabang sa sandali

Buong paligid ay nasasabik sating halik..."

Tuluyan niya nang nilapit ang mukha sa akin at siniil ako ng halik. Yinakap ko ang mga braso ko sa kanyang leeg at hinapit niya naman ang bewang ko. Hinahalikan niya ako sa paraang hindi nakakabastos at punong puno ng respeto.

Naghiwalay ang mga labi namin at pinagdikit niya ang aming noo habang nakapikit. Dumilat ako at ganun rin siya. Halos magulat ako sa mata niyang punong puno ng emosyon. Yong kislap ng mata niya parang mga bituin sa langit, yong ngiti niya parang anghel. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanya.

Natinag lang kami nung biglang magring yong cellphone ko at ang lakas nun. Nag excuse ako at nakitang tumatawag si Dale. Tsaka ko lang naisip si Dale ngayon!

"Hello Dale natutulog na ako" pinilit kong gawing parang kagigising lang ang boses ko. Ayokong magsinungaling sa bestfriend ko pero sigurado pag nalaman kasi niya to isusumbong niya ako kay Mama at mag aalala siya ng sobra.

"Ay sorry kala ko gising kapa eh. Sige bukas na lang ako tatawag, good night. " apologetic na sabi niya

"Sige bukas na lang ingat ka jan. Good night" sagot ko. I miss you... I wanna add it pero magiging kumplikado lang. Maybe it's better na ganito, para mawala na din pagkagusto ko sa kanya. Binaba ko na ang phone at humarap kay Matt.

Nakita ko siyang nakatingin sakin ng seryoso. "I won't meddle with your business pero next wag mo nang ulitin to cause it seems like tumakas ka lang" sabi niya. Okay narinig niya.

"Worth it naman ang pagtakas ko" sabay ngisi ko.

"Naughty girl. Let's get you home" sabi niya at hindi na ako tumanggi.

Nagdrive siya papuntang bar dahil andon daw ang kotse niya. Kinuha niya pa muna yong number ko tas tinawagan ako para malaman ko daw ang number niya at itext ko siya pag nakauwi nako. Wow jowa lang?

"It's nice meeting you Trix, im looking forward to that next time ah" biro niya.

"Sira. We'll see. Bye, ingat ka" sabi ko sabay halik sa pisngi niya bago siya tuluyang bumaba.

"You too. Take care" sabi niya pagkababa.

Kumaway muna ako bago tuluyang paandarin ang kotse ko. What did I do again? First, sumama ako sa kanya. Second, i let him kissed me. Third, humalik pa ako sa pisngi niya? Hindi pa naman ako lasing pero siguro nga epekto din ng alak yon dahil hindi naman ako ganito kaagressive. Fourth hindi ko man lang naisip si Dale nung hinalikan niya ako. And fifth hindi ko talaga maitatanggi yong abnormal na tibok ng puso ko at yong sobrang sayang feeling. Shit ano to.

Paglimot ang hinahanap ko pero parang pag ibig ang nahanap ko. Tekaaa, ang cornyyyy bat ko ba to nasasabi. Pag ibig agad? Well, inaamin ko naman noong party pa ni Ally naattract na ako sa kanya. And mas naattract pa ako ngayon. Really Trix? What about Dale? I love him... But he only see me as his sister. So si Matt na? Arrgh ang gulo, hindi ko alam.

Pagkauwi ko maingat akong nagpark at umakyat. Naligo ulit at nagbihis bago matulog. Pabaling baling pa ako sa higaan ko dahil hindi talaga ako makatulog. Shit oo nga pala, nakalimutan ko siyang itext.

To: Matt

Nakauwi nako. Thanks for this night btw.

Sent

Aantayin ko pa reply niya or what? Nagbeep yong phone ko.

From: Matt

Been waiting for this text. Akala ko nakalimutan mo na haha, thanks too. Good night.

Okay that's the sign. I won't reply na. I don't wanna think anymore kaya pipilitin ko nang matulog. Pinatay ko na ang lampshade ko at nagkumot na.

Pinikit ko ang mga mata ko pero biglang pumasok sa isip ko yong mata niyang punong puno ng emosyon. Nagsisimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko. It's impossible naman to fall in love this early right? Please heart stop it.

Pilit ko siyang winaglit sa isipan ko hanggang sa makatulog ako.

Thank you for reading!

Northern Light (ON HOLD)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant