KABANATA 4

17 4 0
                                    

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nagsinungaling na naman ako kay Mama at kay Dale. Nasa bus station ako ngayon papuntang Ilocos Norte. Nagsinungaling ako na may seminar akong aattendan sa Ilocos kahit wala naman talaga. Kahit ang gusto ko lang eh magbakasyon at hindi iisipin ang kung anumang pwede kong isipin tungkol sa kalagayan ko. Good thing hindi pa nakakauwi si Dale kaya mag isa lang ako and that's the plan after all.

Sumakay na ako sa isang air conditioned bus,mga 7-8 hours daw ang byahe at alas otso pa lang ng umaga ngayon so mga hapon na ako makakarating don. I'm planning to go to Ilocos Norte first tsaka tutulak ng Ilocos Sur. Its another first time. And you only live once so be it.

Makalipas ang ilang oras nagstop over kami dito sa Pangasinan, i bet ilang stop over pa madadaanan namin. Bumaba lang ako para umihi. Pagkatapos ay umakyat ulit. Natulog lang ako hanggang sa magising ako ay nasa sentro na kami ng Ilocos Norte.

Grabe ang ganda pala talaga rito. Hindi ko maiwasang kunan to ng litrato, my cam is always ready buti na lang. Pagkababa ko ay pumara ako ng isang tricycle at nagpahatid sa resort kung saan ako may reservation. Pagdating ko, napamangha na naman ako sa beach. It's been a while since nakapunta ulit ako ng beach. Tumingin ako sa kabilang banda ng resort at nakita ang sineset up nilang stage.

MUSIC FEST

Basa ko sa malaking karatula don. Woah what a great timing at may pa music fest pa talaga sila rito. Pagkatapos kong magcheck in ay dumiretso muna ako sa cabin ko at nagpahinga saglit. Mga alas sais na siguro akong naligo at nag ayos. Nagbihis ng beach dress at lumabas para magdinner.

WELCOME TO SEASIDE RESTAUSORT

Nagpaserve ako ng mga seafoods, pagkadating pa lang ay takam na takam na ako. Ang sarap. Buti na lang ako yong taong hindi kinokontrol ang pagkain dahil kahit gano pa karami ang kainin ko hindi ako tumataba. Pagkatapos kong kumain ay naliwaliw lang ako sa dalampasigan. Kumukuha ng mga litrato. Ang ganda ng langit. Naalala ko na naman siya. Simula nun hindi na ulit siya nagparamdam.

"Hello party goers! Let's get started!!!" rinig kong sabi ng emcee sa di kalayuang stage ng Music Fest

Naglakad ako papunta ron at napatigil nung may narinig akong kumanta.

"I look at her and have to smile

As we go driving for a while

Her hair blowing in the open window of her car and

As we go the traffic lights

Watch them glimmer in her eyes

In the darkness of the evening... "

Si Matt ba to? Napamura ako sa isip ko. Siniksik ko ang sarili ko sa crowd na nanonood at nakita ko nga siya sa stage, kumakanta.

"Oh and I've got all that I need

Right here in the passenger seat

Oh and I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me... "

Naalala ko nung roadtrip. He can't be talking about me on his song right? Bwisit lagi na lang bang magdodouble meaning sakin yong mga kinakanta niya?

Pero hindi ko maipagkakailang sobrang ganda ng boses niya. Tila hinehele ka sa lamig at kinakalma ka. Nanatili akong nakatitig sa kanya habang nakapikit siya. Naglakad pa ako pagitna hanggang sa pwestong matititigan ko siya ng maayos.

"We stop to get something to drink

My mind clouds and I can't think

Northern Light (ON HOLD)Место, где живут истории. Откройте их для себя