Chapter 43

234 6 0
                                    

LISA's POV

Hanggang sa maka-uwi kami dito sa bahay ay hindi pa din mawala sa isip ko yung text na nabasa ko kanina.

Pinilit kong alisin yun sa isip ko pero hindi ko maalis! Iniisip ko pa din kung kanina gaking yung text na yun and why would someone text 'I love you' to him.

Gusto kong tanongin si Jungkook pero natatakot ako.

Kanina nung nakita nya yung cellphone nya ay nakita kong nag-bago ang itsura nya at parang kinabahan pa sya at tinanong nya pa ako kung may nakita daw ba ako pero sabi ko sa kanya ay wala.

I know his hiding something, alam ko na hindi nila kinuwento sa akin ng buo yung ala-ala ko.

I want to remember everything dahil alam ko na yun lang ang solusyon par amalaman ko kung sino man yung nag-text sa kanya nun.

Huminga ako ng malalim atsaka ko pilit na inalis yun sa isip ko at itinuon ko na lang ang pansin ko kay JL na mahimbing na natutulog, napagod siguro sya kanina.

Pero muling bumalik sa isip ko yung text n ayun nang pumasok si Jungkook sa kwarto namin.

Lumapit sya sa akin atsaka ako hinalikan.

"May gagawin ka?" tanong ko sa kanya.

Umiling sya "I'll stay here"

"Wala ka bang trabaho na natira na kailangan pang balikan?"

"Bukas ko na lang tatapusin."

"So you have time?"

Tumango sya.

"Kwentuhan mo ako, you said iku-kwento mo sa akin yung nangyari bago ako ma-aksidente"

Nakita ko na naglikod yung mga mata nya, hindi sya makatingin sa akin ng deretso.

I can already feel that his hiding something from me.

"Baka makasama sayo Love, sinabi naman ni Arra na hindi mo pwedeng i-pressure yung sarili mo na malaman at maalala yung nangyari"

"Hindi ko naman pinipilit na ma-alala gusto ko lang malaman, i can handle it"

"Lisa---" i cut him off.

"Please Jungkook, i really want to know"

"Ayaw ko na mabigla ka---"

"Bakit ako mabibigla? May nangyari ba?"

Mag-da-dahilan na naman sana sya pero inunahan ko na sya "Bakit ba ayaw mong i-kwento sa akin? Are you hinding something?" tanong ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil naiinis na ako sa inaakto nya. Hindi ko man maalala yung nararamdaman ko sa kanya pero alam ko sa puso ko na mahal ko sya.

"Why are you so curious?" biglang tanong nya sa akin.

"Because it's part of my memory, it's part of my life"

"Lisa please wag ngayon, there's a right time to talk about it"

"Jungkook, i'm begging you. Just please tell me"

"Lisa---"

"Just tell me please. May tinatago ka ba? May dapat ba akong hindi malaman kaya ayaw mong i-kwento?" sunod-sunod na tanong ko "Is this about someone?" 

Dahil sa huling tanong ko ay natigilan sya.

"Is it because of the person who sent you the 'I love you' message?" sunod na tanong ko.

The Unwanted Girl : Season 2Where stories live. Discover now