Chapter 22: Fight

121 3 0
                                    

LISA's POV 

Hindi na ako nakatulog mag mula kanina nandito pa din ako at naka-higa. Hindi mawala sa isip ko yung napa-naginipan ko ngayon. Napahawak ako sa tyan ko.

"JL" mahinang bulong ko.

Sobrang tahimik dito sa loob ng kwarto na kahit na yung orasan ay maririnig mo, hindi pa naka-bukas ang kurtina kaya naman madilim pa din.

Napa-tingin ako sa orasan at alas nuebe na ng umaga pero wala pa din akong balak bumangon.

Ipinikit ko ang mga mata ko at pinaki-ramdaman ko ang paligid ko. Narinig ko na bumukas ang pinto pero hindi ko yun nilingon "Lumabas ka muna, baba na lang ako mamaya pag gusto ko ng kumain" utos ko sa kung sino man yung pumasok narinig ko naman na sumara yung pinto.

Akala ko ay umalis na yung pumasok pero nagkamali ako dahil bumukas yung ilaw ng kwarto agad naman akong napalingon para tignan kung sino yun.

"J-Jungkook" tawag ko sa kanya.

Naka-suot sya ng suit at seryosong napatingin sa akin, ilang segundo nya ako tinitigan bago inilibot ang paningin sa kwarto at nahinto ang tingin nya dun sa may basag na vase at cellphone na hanggang ngayon ay nagkalat pa din sa sahig.

Naglakad sya papalapit sa akin at ramdam ko ang bigat sa bawat hakbang nya, sobrang seryoso ng muka nya. Napa-upo naman at napasandal naman ako sa headboard ng kama. 

Nang makalapit sya sa akin ay tinignan nya ako sa mata ako naman ay agad na ang-iwas ng tingin dahil hindi ko matagalan ang mga titig nya sa akin "Tumayo ka" malamig na utos nya sa akin pero hindi ko sya pinansin at nanatali akong sa puwesto ko, narinig ko ang pagbugtong hininga nya.

"Ah!" napasigaw ako ng buhatin nya ako at sya mismo ang nag-tayo sa akin sa harapan nya, tinignan nya ako mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri ang buong kabuuan ko "Ano ba!" iritang sigaw ko sa kanya dahil naiilang na ako sa titig nya.

"Bakit hindi mo sinasagot yung mga tawag ko ha?" madiin at galit na tanong nya saakin. Gusto kong maiyak dahil sa lamig ng pakikitungo nya sa akin "Sumagot ka" utos nya sa akin.

"Nabasag yung cellphone ko" dahilan ko sa kanya.

"Please don't talk shít on me, Lisa, kayang kaya mong bumili ng bagong cellphone"

"How dare you curse me" madiin at naiiyak na sabi ko sa kanya, ngayon nya lang kasi ulit ako minura at hindi ko nagustuhan yun at ayaw ko na marinig yun ng anak namin "Hindi mo ako kinontact for three days pero ngayon ka lang umuwi tapos galit ka pa! Are you even worried?!" galit na bulyaw ko sa kanya.

"I wasn't contacting you because I was busy with work!" dahilan nya sa akin.

"Busy with work or busy with somebody?" sarkastikong tanong ko pa sa kanya.

"What are you saying, Lisa?!" 

"Kilala kita Jungkook at alam kong kahit gaano ka ka-busy sa work mo ay mas uunahin mo ako, uunahin mo kami!" sigaw ko sa kanya at kasabay dun ang pag-tulo ng luha sa mga mata ko.

"Lisa I don't understand!"

Bahagya pa akong natawa "Mukang sobrang close na kayo ng Secretary mo ah" sarkastikong sabi ko sa kanya lalo namang nagsalubong yung mga kilay nya at agad din namang nawala yun siguro ay alam nya na kung ano ang tinutukoy ko.

"Lisa... That photo was nothing"

"Eh bakit ipinost mo Kung nothing lang yun!"

Nagpakawala sya ng malalim ng hininga atsaka ako sinagot "Look, sya ang nag-upload nuon, i already deleted it on my Instagram" paliwanag nya sa akin, lumapit sya sa akin atsaka ako niyakap "Lisa i know your jealous, but please don't be... Wala yun it was just a picture" malambing na sabi nya sa akin "I Love You" dagdag nya pa at dun na ako napa-iyak ng todo.

Lahat ng takot ko ay nawala ng bitawan nya yung tatlong salita na yun "Hush" pag-aalo nya sa akin.

JUNGKOOK's POV

Binuhat ko si Lisa at inihiga ko ulit sya sa kama, agad naman syang nakatulog. Ang totoo ay nung isang araw ko pa talagang gustong umuwi pero hindi ko maka-uwi dahil natambakan ako ng trabaho.

Kahapon naman ay uuwi na sana ako dahil nayari ko na ang gagawin ko pero... pero may nangyari namang hindi ko inaasahan.

Napatingin ako kay Lisa, umupo ako sa gilid nya atsaka ko pinunasan yung mga luha sa pisngi nya "I'm sorry" mahinang bulong ko atsaka ko sya hinalikan sa nuo nya.

Lumabas ako ng kwarto at nagtungo ako sa office ng makarating ako dun ay ipinatawag ko si Nelia.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok duon "Come in"

"Ser" si Nelia, lumapit sya sa table ko.

"Paki-linisan yung kalat dun sa kwarto namin, wag ka mo na buksan yung mga kurtina at wag kang mag-ingay masyado, natutulog pa si Lisa" utos ko sa kanya " Kumakain ba si Lisa?" tanong ko sa kanya.

"Opo Ser, bumaba naman po sya at minsan po ay nagpapahatid na lang sya ng pagkain sa kwarto nyo."

"Ano bang nangyari sa kanya nung wala ako?" tanong ko ulit.

"Hindi po namin sigurado Ser eh, basta po nung Martes po ay narinig na lang po namin na may nabasag sa taas tapos po nung mga nag-daang araw ay kain tulog na lang po si Ma'am at palagi din pong namumugto yung mga mata nya at nahahalata ko din po na kulang sya sa tulog pero Ser kumakain naman po sya sa tamag oras, iniinom din naman po nya yung mga vitamins nya" sagot nya sa akin, nag-pasalamat naman ako sa kanya bago sya lumabas sa opisina ko.

Naiinis ako sa sarili ko. Tsk dapat talaga ay umuwi ako agad. I'm worried about her pero kinumbinsi ko ang sarili ko na wala ok naman sya dahil kung sakaling may mangyari naman sa kanya ay makakarating naman agad sa akin yun.

Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo ko sa swivel chair, lalabas na sana ako sa opisina ko ng biglang mag-ring ang cellphone ko...

-----Samara Rosario Calling-----

Nagsalubong ang kilay ko at pinaty yung tawag ngunit nag-ring ulit yun kaya naman inis na sinagot ko yun.

"I already told you to stop pestering me! And you're already fired so stop calling me" inis na sabi ko sa kanya.

"Pano yung nangyari sa atin sa Siargao Jungkook? Ganon-ganon na lang yun?!"

"For pete's sake isang malaking pag-kakamali yun! You know I have a wife!" mahinang sigaw ko sa kanya "Don't you ever call me again" babala ko sa kanya atsaka ko pinatay yung tawag at binlock yung number nya sa cellphone ko.

Oo, sya ang dahilan kung bakit hindi agad ako naka-uwi kahapon. Nang matapos lahat ng trabaho namin ay nag-aya sila na mag-celebrate at nakisama naman ako sa kanila.

Naka-tatlong baso pa lang ako ng alak ay nalasing na ako at inamin din sa akin ni Samara na may nilagy daw sya dun na lalo kong ikinainis.

Hindi ko maalala ang buong pangyayari, i already checked the CCTV footage at the hotel at totoo ang sinabi nya na may nangyari nga sa amin, Malinaw at kita ang muka namin sa CCTV kaya naman walang halong duda na may nangyari nga sa amin! Ang naaalala ko lang ay nagising ako na katabi sya at pareho kaming walang saplot. Muntik ko na syang masaktan, hindi ko ginusto ang nangyari sa amin pero wala akong magagawa dahil nangyari na yun!

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Lisa, natatakot ako na baka pag nalaman nya ay iwan na na naman nya ako.

Ayaw kong lumayo sya at ayaw ko din na ilayo nya ang anak namin, natatakot ako na mawala sya at hindi nya na ulit ako balikan pa.

Huminga ako ng malalim at lumabas na ako sa opisina ko at pag-dating ko sa tapt ng pintuan ng kwarto namin ay sakto naman ang pag-labas ni Nelia.

Nang tuluyan na syang makalabas ay ako naman ang pumasok sa kwarto. Hinubad ko ang sapatos at blazer ko atsaka ako tumabi kay Lisa at niyakap sya.

Paulit ulit ko syang hinalikan sa noo at paulit ulit akong humingi ng tawad sa kanya... Hindi ko na nga alam kung ilang beses akong nag-sorry sa kanya.

"I'm sorry, I Love You, Lisa"

~TO BE CONTINUED~


The Unwanted Girl : Season 2Where stories live. Discover now