Chapter 1: Happy couple

334 7 0
                                    

LISA's POV

6 months before Lisa gave birth...

Nagising ako at muka nya agad ang una kong nakita na agad namang nagpangiti sa akin, hinaplos haplos ko yung pisngi nyang, napaka-lambot, napaka-kinis kasarap pang-gigilan.

We've been married for more than two months now. Araw araw masaya dahil gigising at matutulog ako na sya ang nakikita.

Naging hands-on sya sa akin, lalo na at nagsisimula na akong magkaroon ng cravings at lumalala na ang morning sickness ko but everything's worth it dahil hindi na kami makapag-hintay ni Jungkook na lumabas ang baby namin.

Mayayari na ako sa first-trimester ko pero may morning sickness pa din ako, at napaaga din ang pagbabago ng hormones ko nasa lahi na siguro namin to, dahil naikwento sa akin ni Daddy na ganito din daw si Mommy nung ipinagbubuntis nya ako.

Nabalik naman ang atensyon ko sa asawa ko ng medyo gumalaw sya.

'Asawa ko' ang sarap isipin ng salita na yun.

Gusto ko lang mahiga at panoorin sya maghapon pero hindi pwede dahil may trabaho sya. Parang gusto ko tuloy maiyak.

Gusto kong nandito lang sya sa bahay pero may kumpanya din syang inaasikaso, sya din yung nag-aasikaso sa L&L corp dahil ayaw nya akong papasukin, kahit anong pilit ko ay ayaw nya dahil ayaw nya daw akong ma-stress.

Si Arra naman ang nag-aasikaso sa LJK Hospital...

Ako naman ay ang inaasikaso ko ay itong bahay namin. Maski dito sa bahay ay wala akong ginagawa dahil ang bilin ni Jungkook sa mga maid dito ay wag daw akong papagudin.

3 months pa lang yung tyan ko at wala pa akong baby bump pero kung umakto sya ay parang due date ko na! Bagay na madalas na ikinaiinis ko.

Nilaro ko yung mga pilikmata ni Jungkook, lalo akong napa-ngiti ng bahagya syang umangil at nagsalubong ang kilay atsaka nya unti unting minulat ang mga mata nya, kaya naman lalo akong napangiti.

"Good Morning" Mahinang sabi ko na sapat lang para marinig nya.

Lumabas ang mga matatamis na ngiti nya na lalong ikinaganda ng umaga ko.

"Good Morning Love" sabi nya, then he gave me a peck on the lips.

Niyakap ko sya atsaka isiniksik ang sarili ko sa kanya, narinig ko pa na natawa sya...

This past few weeks ay naging clingy ako sa kanya, at gustong gusto nya naman yun dahil palagi daw syang nakaka- 'score'.

Napatingin sya sa akin atsaka nya ako hinalikan sa noo na ikinapikit ko, humiwalay sya sa akin atsaka nya ako tinitigan.

"Bangon na Love, let's eat" inihiwalay nya ako sa kanya at nauna syang bumangon sa akin "Come" utos nya sa akin pero ayaw kong bumangon! Tinatamad ako.

Lumapit sya sa akin atsaka nya hinawakan yung tyan ko "Good Morning Baby!" nakangiting sabi nya habang hinahaplos haplos yung tyan ko "Get up Love, baka gutom na yung baby natin" malambing na sabi nya sa akin.

"Tinatamad ako" naka-nguso kong sabi sa kanya, "Mahiga muna tayo, mamaya na tayo bumangon" pangungubinsi ko pa sa kanya.

"Love, come on, you need to eat breakfast and you need to take you're vitamins" pumaibabaw sya sa akin, pero naka-suporta yung kamay nya para hindi nya ako tuluyang madaganan atsaka nya pina-ulanan ng halik yung muka ko "Come on, Get up" malambing pa ring sabi nya.

 "Love I said tinatamad ako" inis na sabi ko sa kanya nang sapilitan nya akong pabangunin.

"Love you need to take your vitamins and you need to drink your milk" malambing na sabi nya pa sa akin.

The Unwanted Girl : Season 2Where stories live. Discover now