Chapter 11: Craving

83 2 0
                                    

JUNGKOOK's POV

Maaga akong nagising ngayon, nandito ako sa may kusina, nag-pe-prepare ako ng breakfast namin ni Lisa.

Nag-prito ako ng egg, bacon, fish atsaka gumawa din ako ng salad, tinimplahan ko na din sya ng gatas nya.

Nang mayari akong magluto ay inilagay ko yun sa tray para idala sa kwarto namin ni Lisa. Pagpasok ko dun ay nagulat at nagtaka ako dahil tulog pa din sya. Hindi naman kasi sya ganito, nauuna pa nga syang gumising sa akin palagi pero bakit ngayon parang sobrang late na tulog pa din sya.

Hindi naman siguro sya ganun napagod dahil nakapag-pahinga naman sya kahapon, ilang oras nga din syang nakatulog kahapon eh.

Ibinaba ko yung tray sa may table atsaka ako lumapit sa kanya.

"Love" gising ko sa kanya, pero hindi pa din sya gumagalaw at nananatili pa din syang tulog.

"Love" tawag ko ulit sa kanya.

"Love" medyo nilakasan ko na yung boses ko kaya naman dahan dahan nya nang iminulat ang mga mata nya.

"Hmm" mahinang sagot nya habang kinukusot yung mga mata nya.

"Come let's eat" aya ko sa kanya.

"I'm still sleepy Love" reklamo nya sa akin na ikina-laki naman ng mata ko.

"W-what? Eh ang dami ng ng tulog mo ah" napakamot pa ako sa ulo ko.

Bumangon sya at tsaka sumandal sa headboard, naka pikit pa yung mga mata nya.

"Come on Love bangon na may appointment pa tayo sa ob-gyn mo ngayon" napamulat naman sya dahil sa sinabi ko.

"Oo nga pala noh" sabi nya atsaka naghikab, tumayo na ako sa higaan atsaka ko sya inlalayan na tumayo din pero nagulat ako ng bigla syang yumakap sa akin atsaka bumulong "Love, tinatamad ako can you carry me hanggang sa bathroom lang" malambing na sabi nya sa akin.

Nagsalubong yung dalawa kong kilay.

Nagulat ako ng bigla syang tumalon at ikinapit sa bewang ko yung dalawa nyang hita, isinabit nya din yung mga braso nya sa leeg ko "Love don't do that please, pano pag nahulog ka" sermon ko sa kanya.

Humarap sya sa akin habang naka-kapit pa din ang braso at binti nya sa akin "Sorry" naka-nguso nyang sabi atsaka ako hinalikan sa pisngi ko "Walk now" utos nya sa akin.

Agad naman akong naglakad papunta sa bathroom, pagdating dun ay ibinaba ko sya sa harap ng sink at nagsimula na syang mag-hilamos.

Pagkayari nyang mag-hilamos at mag- mumog ay ibinuka nya ulit yung mga kamay nya kaya naman nagtataka ko syang tinignan "Carry me"

Medyo nagulat pa ako sa sinabi nya pero ginawa ko din naman yung inuutos nya.

What is up with this women today, sabi ko sa isip ko.

Binuhat ko sya atsaka ko iniupo sa may bangkuan, umupo ako sa upuan na nasa tapat nya, napatingin ako sa kanya na parang sinusuri nya pa yung mga pagkain na nasa harap nya "Eat up Love" utos ko sa kanya.

"Love" tawag nya sa akin kaya naman agad akong napalingon sa kanya.

"Mmm?"

"Ayaw ko ng pagkain"

"Ha?!" gulat na tanong ko.

Kakaiba talaga sya ngayon! Kasi hindi naman sya ganyan eh, ngayon lang sya hindi maagang nagising, tapos masyado na syang clingy, tapos ngayon ayaw nya ng luto ko, hindi naman kasi ganun kapili si Lisa sa mga pagkain nya ngayon lang talaga!

"What do you want?" tanong ko sa kanya.

"Umm gusto kong lagyan ng Nutella yung bacon" naka-nguso nyang sabi sa akin.

"N-nuttela sa bacon?" nagtatakang tanong ko.

Tumango tango lang sya "You think it's gross?" nangingilid na yung mga luha nya.

Agad naman akong umiling sa kanya "I'll get you some wait for me" sabi ko atsaka ako tumayo at lumabas na.

Pag-dating ko sa kusina ay nandun si Lila nag-aayos ng pinggan "Lila" tawag ko sa kanya.

"May kailangan po kayo ser?" agad na sagot nya sa akin.

"May anak ka na diba?" tanong ko at tumango lang sya sa akin "Medyo weird kasi si Lisa ngayon eh, gusto nyang lagyan ng nutella yung bacon" nakangiwing sabi ko, bahagya pang natawa si Lila.

"Ganyan po talaga ser lalo na po at malapit nang mag-apat na buwan yung tyan ni Ma'am, lumalala po talaga ang paglilihi ng mga buntis pag apat hanggang limang buwan na" paliwanag nya sa akin, tumango tango lang ako.

"Sige salamat" pasasalamat ko sa kanya.

"So lumalala yung hormones nya?" mahinang bulong ko sa sarili ko habang naglalakad ako pa-akyat sa hagdan.

Pag-pasok ko ay nakita ko si Lisa na nagtitipa sa cellphone nya.

Ibinaba ko yung nutella sa table at agad naman syang napabaling sa akin "Thank you Love" nakangiti nyang sabi sa akin kaya nama nginitian ko din sya.

"What are you doing Love?" tanong ko.

"I'm just checking yung mga dates ng check-up natin" sabi nya.

"Mmm, it's our 3rd time going for a check up right?" tanong ko.

"Mmm, and when I reach 28 to 36 weeks or 6-7 months na si baby every two weeks may na yung visit natin sa hospital"

"Eh pano pag 8 months ka na?" curious na tanong ko.

"8 months hanggang sa mag-due ako dapat once every week ang check up ko" sabi nya kaya naman napa-tango tango ako.

"I'm so proud of you Love ang tali-talino mo"

Napangiti naman sya ng pagkalaki laki dahil sa sinabi ko.

"You know Love I almost gave up being a doctor" simula nya "Yun yung time na nawala sa akin si Lana"

"Love--"

"I'm fine don't worry, kumain na tayo" sabi nya sa akin, nahagip pa ng paningin ko ang pag-punas nya ng mga luha nya.

Ilang beses nya ng naikwento sa akin yan.

She almost gave up being a doctor kasi sinisi nya yung sarili nya, doctor sya pero ala syang nagawa nung mga time na yun, yun yung dahilan nya. Sobrang nasaktan ako nun dahil grabe yung iyak nya nung mga time na yun, that's why I always convince her na walang may gusto na mangyari yun sa anak namin.

Pagkayari naming kumain ay pumasok si Lisa sa closet para magpalit ng damit dahil naka-pantulog pa sya na damit.

"Love" tawag nya sa akin kaya naman agad akong nagtungo sa closet nya.

"Why Love?" tanong ko ng makapasok ako sa closet nya.

"What do you think?" Tukoy nya sa dress na suot nya tapos umikot pa sya sa harap ko.

Naka-suot sya ng fit na dress na hanggang tuhod ang haba.

Ngumiti ako "Your beautiful"

"Really?" nakangiting sabi nya sa akin.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung bewang nya then i kissed her.

It was passionate.

"You're very beautiful Love"

~TO BE CONTINUED~


The Unwanted Girl : Season 2Where stories live. Discover now