Chapter 28: Baby boy

202 3 0
                                    

LISA's POV

Madilim na nung lumabas ako sa closet ko. Dumeretso ako sa bathroom at naghilamos na.

Habang naghihilamos ako naramdaman ko na may yumakap sa akin sa likod at base sa amoy ay alam ko na kung sino toh.

"Love" tawag nya sa akin.

"Bitawan mo ako" utos ko sa kanya "Jungkook nakiki-usap ako sayo, bitiwan mo ako" ulit ko ng hindi sya sumunod.

Dahan dahan nyang inalis yung pagkakayakap nya sa akin, nagpunas ako ng muka ko atsaka ako lumaba ng bathroom.

 "Lisa let's talk, ayaw ko ng ganito" si Jungkook.

Hinarap ko sya "Bakit ako gusto ko ba?"

"Lisa please pakinggan mo muna ako" pagmamakaawa nya.

"Sige papakinggan kita, explain everything! Ipaliwanang mo sa akin kung pano at kailan nagsimula? Sabihin mo sa akin kung pano mo sya nabuntis, s-sabihin mo sa akin na sayo yung bata na dinadala nya!" muling nangilid yung mga luha ko "Ipaliwanag mo sa akin kung bakit mas kailangan mo syang unahin kesa sa amin ng anak mo?!" hindi sya nakasagot "Alam mo na may Checkup kami ngayon pero mas inuna mo pa yung lintek mo na babae!" tumulo na yung mga luha ko "Sino ba yung asawa mo ha?! Ako ba o sya na?! Sino na bang mahal mo ngayon?! Sya na ba?!"

"Lisa---"

"Jungkook naman eh! Bakit mo ba ako ginaganito?! Ginag0 ba kita?! Nang-lalake din ba ako?! J-Jungkook sabi mo nuon hindi na mauulit?!"

"Lisa, please calm down"

"Sino na ba ngayon?! Sya na ba yung mahal mo ngayon?!"

"No! Of course not!"

"No?! Ginagag0 mo ba ako?! Muka kasing mas mahalaga na sya sayo!"

"Lisa, she's pregnant, anak ko yung dinadala nya!" sigaw nya sa akin at dun na ako nagsimulang humikbi.

"Jungkook! Buntis din ako! Buntis ako sa anak natin! Hindi lang sila ang may kailangan sayo! Kailangan ka din namin ng anak mo!"

"Lisa, mahina yung kapit nung baby nya"

"Ha! Anong klaseng rason ba naman yan! So ano?!"

"Lisa, Mahal kita at hindi magbabago yun!"

"Hindi magbabago?! Jungkook! Nagbago na yung relasyon natin simula nung nakilala at nabuntis mo yung babae na yun! Nung umuwi ka galing Siargao lahat nagbago na Jungkook! Lahat-lahat nagbago na!"

 "Lisa, Doctor ka! Alam mo kung gaano nya kailangan mag-ingat!"

"So just because I'm a Doctor inaasahan mo ng maiintindihan ko yan?!"

"Lisa, it's not---"

"Then what?! Hindi kita maintindihan?! P-Pero sa inaakto mo ngayon ay parang mas mahalaga pa sya! Na parang sya yung asawa at ako lang yung babaeng nabuntis mo!" umiiyak na sigaw ko sa kanya.

"Lisa, Please! Wag kang mag-isip ng ganyan dahil mas importante kayo"

"Wag akong mag-isip ng ganito?! Jungkook pano?! Pano ko paniniwalaan yang mga sinasabi mo kung salungat ng sinasabi mo yung ginagawa mo?!"

"Lisa---"

"Paulit-ulit na lang tong nangyayari na toh eh! Ang sakit sakit! Jungkook ang sakit-sakit ng pinararamdam mo sa akin!"

"Lisa---"

"B-Baka hindi talaga tayo para sa isa't isa" mahinang sabi ko na sapat lang para marinig nya.

The Unwanted Girl : Season 2Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora