Chapter 23: Suspicion

114 3 0
                                    

LISA's POV

It's already been a month... Pansin na pansin na yung baby bump ko at bukas na ang check up ko, bukas namin malalaman kung ano ang gender ng baby namin.

Maraming nag-bago sa relasyon namin ni Jungkook simula nung umuwi sya galing siargao. 

Nung first week ay ok pa naman kami, mas naging sweet sya sa akin then parang bigla na lang nawala. Sobrang busy nya sa trabaho at halos wala na syang time sa amin ng anak nya.

Maaga syang umaalis papuntang trabaho, hindi na kagaya ng dati na sasabay pa sya sa akin na mag-breakfast, dati ay nine or ten am pa sya pumapasok pag walang gagawin na importante sa kumpanya pero ngayon ay alas sais pa lang ng umaga ay bumabangon na sya at nag-gagayak na tapos uuwi sya ng alas nuebe na ng gabi.

Palagi akong mag-isa sa bahay minsan naman ay bumibisita dito si Mommy. Iniiwasan ko na magtampo kay Jungkook dahil ayaw ko naman na maka-dag-dag pa ako sa mga iniisip nya.

Nandito ako sa kusina ngayon at nag-luluto. Napag-desisyunan ko kasi na dalhan si Jungkook ng lunch nya sa office, matagal tagal ko na din kasi tong hindi nagagawa eh.

Nang matapos ko lahat ng niluto ko ay iniutos ko na lang kay Nelia na ilagay yung mga niluto ko sa topperware. Umakyat na ako sa taas at nag-shower ng mabilis atsaka nag-bihis.

Nagsuot ako ng sleeveless na floral na maternity maxi dress atsaka nag-top ako ng maong na jacket at flat na sandals.

Pagbaba ko ay agad namana kong sinalubong ni Nelia "Ma'am nasa sasakyan na po yung mga niluto nyo"

"Ah sige salamat" naka-ngiting sabi ko sa kanya.

Paglabas ko ay naka-handa na yung sasakyan dun at inalalayan naman ako nung driver ko na makapasok.

Tinawagan ko si Jungkook para sana sabihin na papunta ako sa kumpanya nya pero hindi nya sinasagot yung tawag nya kaya naman itinext ko na lang sya.

Isa pa yan sa mga kinaiinisan ko ngayon, hindi nya madalas nasasagot yung tawag ko dahil busy daw sya samantalang nuon ay kahit gaano sya kabusy ay nasasagot nya lahat ng tawag ko.

"Ma'am nandito na po tayo" nabalik ako sa realidad at napasilip ako sa bintana at nandito na nga kami sa kumpanya.

Pinagbuksan nya ako ng pinto at dinala yung paper bag na may laman na mga pagkain.

Nagpahatid lang ako hanggang sa floor ni Jungkook at kinuha ko na yung paper bag at nagtungo na ako papunta sa office ni Jungkook, nandito na ako sa tapat pero bago ako pumasok ay pinuntahan ko muna yung Secretary nya pero laking gulat ko na iba na yung Secretary nya... Lalaki na.

"Good Afternoon Ma'am"  bati nya sa akin.

"Good Afternoon" balik na bati ko sa kanya "A-Ahm ikaw yung bagong Secretary ni Jungkook?" tanong ko dahil baka mamaya ay hindi pala.

"Ah opo Ma'am"

"Kailan pa?" tanong ko ulit at kitang kita ko naman kung pano nagsalubong yung mga kilay nya dahil sa sunod sunod na tanong ko.

"Mahigit isang buwan na po Ma'am" sagot nya sa akin at ang mga kilay ko naman ang nagsalubong ngayon.

Ganun na katagal?! Bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Jungkook.

"A-Ah sige, nandyan ba si Jungkook?"

"Opo Ma'am"

"Sige pasok na ako ah" paalam ko sa kanya pero pinigilan nya ako.

"Ah Ma'am may appointment po ba kayo kay Boss?" tanong nya.

"Asawa nya ako" sabi ko sa kanya at taka naman syang napatingin sa akin.

The Unwanted Girl : Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon