Chapter 36: Accident

194 2 0
                                    

LISA's POV

Gabi na ng napag-desisyunan kong umuwi. Pinahatid na ako ni Ate sa driver nila para daw hindi ko na hintayin pa yung driver ko.

Hindi pa kami nakakalabas ng village nila Ate ay tumawag sa akin si Jungkook.

Huminga muna ako ng malalim bago ko yun sinagot.

"Lisa, where are you? Late na wala ka pa dito" agad na bungad nya sa akin at halata sa tono ng boses nya ang pag-aalala.

Kung wala sana kaming problema ngayon ay kikiligin pa ako o kaya naman ay lalambingin ko sya pero masyadong komlikado ang lahat at hindi ganun kadaling kalimutan yung mga pinag-gagagawa nyang katarantaduhan sa akin.

"Pauwi na ako" malamig na sabi ko at nangilid na naman ang mga luha ko.

Sa tuwing babangitin ko ang pangalan nya, sa tuwing naririnig ko ang boses nya, sa tuwing nakikita ko ang muka nya ay hindi ko mapigilan na hindi masaktan at hindi malungkot, paulit-ulit  kong naaalala ang mga ginawa nya sa akin at paulit ulit akong nasasaktan sa tuwing naiisip ko yun.

"Saan ka ba galing?" muling tanong nya.

"Ano bang pakialam mo" inis na tanong ko sa kanya.

"Lisa, just please answer me"

"Nangaling ako sa bahay ni Ate, pauwi na ako kaya pwede ba.  Ibababa ko na"

Akmang ibaba ko na yung tawag ng muli syang magsalita.

"Lisa please, let's talk"

"Jungkook i ask for space, sawang sawa na akong pakinggan yang mga paliwanang mo , sawang sawa na akong intindihin ka, kaya please lang Jungkook, give me a break" i said and hang up. 

Hindi ko na kaya...

Ayaw kitang iwan but i need to.

I need to find myself, I need to fix my shattered heart...

I need to let you go, love...

Not only for myself but for our baby.

I'm sorry Love...

Hindi ko na kaya...

Pinunasan ko naman yung mga luha ko na nag-uunahan na naman na tumutulo.

"Kuya nasan na tayo?" tanong ko sa driver ni Ate.

"Malapit na po tayo sa highway Ma'am" tinanguan ko lang sya.

Isinandal ko yung ulo ko sa bintana at itinuon ang pansin ko sa mga nadadaanan namin.

Lumiko na kami papunta sa highway.

Malapit na kami sa bahay ng...

May nakasalubong kaming isa pang sasakyan na mabilis ang takbo at papunta sa amin, Iniliko ng driver ko yung sasakyan, ipinalibot ko ang kamay ko sa tyan ko too protect my baby, I heard a loud crack and banging sound then everything turned black.


JUNGKOOK's POV

Nandito ako sa company ngayon dahil nag-patawag sila ng emergency board meeting.

Pupuntahan ko na sana si Lisa sa bahay ng Ate nya dahil sobrang nag-aalala na ako, gabi na kasi ay hindi pa sya umuuwi. Aalis na sana ako kanina ng biglang tumawag ang secretarya ko.

Nandito ang lahat ng board members. Hindi ko alam kung ano ang paguusapan pero may hinala ako na about yun sa bagong hotel na itatayo sa Batangas sa susunod na buwan.

The Unwanted Girl : Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon