Chapter 34: Secret

164 1 0
                                    

LISA's POV

Days and Months past already.

Magmula ng nangyari yun kay Samara ay wala na kaming balita pa sa kanya.  Kinausap sya ni Jungkook ng maka-recover sya.

Naawa ako kay Samara dahil alam ko din ang pakiramdam ng mawalan ng anak but it's all in the past now at ayaw ko ng alalahanin ang mga masasakit na sandaling iyon.

Tatlong buwan na ang tyan ko ngayon at excited na kami ni Jungkook, hindi na kami makapag-hintay na makita ang baby namin.

Weekly na ang checkup ko ngayon at palagi akong sinasamahan ni Jungkook, at  tatlong linggo na lang ay lalabas na sya.

We are both excited to see you baby JL.

Madalas ang bisita ng parents namin ni Jungkook dito pati na rin ng grandparents nya, sila Ate naman ay bumibisita pa-minsan-minsan, busy din kasi sila ni Kuya Charles sa anak nila.

Pero hindi alam ng parents namin ni Jungkook ang tungkol kay Samara, napag-desisyunan namin na wag ng sabihin dahil pareho kaming hindi sigurado kung ano ang magiging reaksyon nila.

Naka-leave si Jungkook sa kumpanya ngayon at pumupunta lang sya dun pag may emergency katulad ngayon. 

Wala sya ngayon dahil nagpatawag ata ng emergency meeting ang board. Minsan ay naiinis ako dahil merong oras na hindi naka-uwi si Jungkook ng tatlong araw dahil nagkaroon ng emergency yung isa sa mga hotel nila sa Batangas at kinailangan nyang asikasuhin yun.

Nandito ako sa kwarto ni Baby JL ngayon naka-upo ako sa isang lounge chair dahil nakaka-ngawit tumayo dahil sobrang bigat at laki na ng tyan ko, parang isang tusok mo lang ay puputok na!

Unti unti naming inayos ni jungkook ang kwarto ng anak namin. White at light grey ang theme ng room, light grey ang pintura ng pader pero sa gawing baba ng pader ay may puting pintura, white din ang ceiling, bintana at pinto, carpeted ang sahig. 

Nung una ay hindi naman ganun kalakihan ang kwarto ng anak namin pero napilitan naming ilipat ni Jungkook ang kwarto ni Baby JL dahil hindi na kasya ang mga gamit nya dun sa kwarto nya dapat. Yung kwarto nya ngayon ay may sariling closet, bathroom at lalagyan ng laruan!

Maraming gamit ang anak namin dahil sa tuwing bibisita dito sila Daddy ay may dala-dalang mga regalo, ayos lang sana kung isang paper bag pero sa tuwing pupunta sila ay punong puno yung kwarto ng gamit.

Maging si Jungkook ay sobra sobra ang binibiling gamit pati yung hindi pa naman mga kailangan ay binibili nya!

Nung nag-pa-baby shower kami ay andami-dami din naming natangap na regalo galing sa mga kaibigan namin at mga kaibigan nila Daddy.  

Nasa sinapupunan ko pa lang ang anak ko ay ini-spoil na nila pano pa kaya pag lumabas na!

Parang pwede na akong magtayo ng baby boutique sa dami ng gamit at damit ni Baby JL!

Minsan pa naming napag-kwentuhan ni Ate kung gaano ini-spoil ni Daddy ang mga anak ni Ate! Minsan daw ay ayaw ng umuwi ng mga anak nya sa bahay nila pag nakakasama nila si Daddy dahil lahat daw ng ituro ng mga anak nya sa mall ay binibili ni Daddy!

Nakakatuwang isipin na hindi ko pa man naipapanganak ang anak ko ay sobra sobra na ang pagmamahal na ibinibigay nila sa kanya.

Pero nakaramdam din ako ng lungkot at guilt ng maalala ko si Lana. Pinagsisisihan ko na inilayo at itinago ko sya sa pamilya ko. Kung hindi ko siguro ginawa yun ay sobra sobra din ang pagmamahal na matatangap nya.

Kahit kasi hindi sabihin ni Lana nuon ay alam kong nararamdaman nya na may kulang sa pagkatao nya, at her young age natuto na syang umintindi, sinasabi ko sa sarili ko na hindi mararanasan ng anak ko ang mga naranasan ko pero pakiramdam ko ay ginawa ko din sa kanya yun, hindi man sya nasaktan nawalan naman sya ng chance na makilala yung mga taong alam kong mamahalin sya.

The Unwanted Girl : Season 2Where stories live. Discover now