Chapter 8: Mall date

101 1 0
                                    

LISA's POV

Nandito kami sa swimming pool ngayon, nandito ako ngayon sa pool at nagbabad habang si Jungkook naman ay naka-upo lang at nag-la-laptop, ayaw nya akong samahan dahil malamig daw.

Tsk hindi ko alam pero parang ang init naman ng tubig para sa akin, tss ewan ko ba kung epekto din to ng hormones.

"Love, umahon ka na jan" utos sa akin ni Jungkook, pero hindi ko sya pinansin at inilubog ko ang ang sarili ko sarubig atsaka muling umahon.

Nakita ko na isinara nya yung laptop nya atsaka naglakad papalapit sa akin, kaya naman lumangoy ako papunta sa gilid ng pool kung saan sya papunta.

Lumuhod sya "Love, come on"

"Samahan mo na lang kasi ako, nakaka-enjoy kaya" pangungubinsi ko pa sa kanya.

Sinimangutan nya lang ako, tsk bat ba ang hirap pilitin ng lalaking toh?! Dapatanga ako yung pinagbibigyan nya eh!

Naglakad ako papunta sa hagdan kaya naman tumayo na din sya, tsaka ako naglakad papalapit sa kanya.

Maglalakad na sana sya palayo ng swimming pool pero agad ko syang itinulak, hindi nya inaasahan yun kaya naman nawalan sya ng balance at nahulog sa pool, tumalon na din ako para sumunod sa kanya.

Nang maka-recover sya ay tinignan nya ako ng masama, sobrang sama. Napayuko na lang ako atsaka ngumuso.

"Love naman eh" reklamo nya sa akin.

"Kasi naman kanina pa kita pinipilit ayaw mo naman! oh di ayan, kasalanan mo din yan noh kaya wag kang mag-reklamo!"

Tinignan nya naman ako na parang hindi makapaniwala "How is that my fault huh?"

"Buntis ako dapat pinagbibigyan ako" dahilan ko sa kanya, aahon na sana sya pero pinigilan ko sya "Love, stay here" pilit ko sa kanya.

Malakas syang napa-buntong hininga "May magagawa pa ba ako" binigyan ko lang sya ng ngiting panalo.

Hinubad nya yung suot suot nyang top atsaka lumubog at nagsimula ng lumangoy habang ako naman ay pinapanood ko lang sya.

Ang gwapo gwapo talaga ng asawa ko, I'm so proud.

Napasinghap ako ng bigla nya akong yakapin magmula sa likod, ramdam na ramdam ko yung katawan nya sa katawan ko dahil naka-two piece ako at sya naman ay half naked.

"Love" tawag ko sa kanya.

"Mmm?"

"Ahon na tayo" aya ko sa kanya, naramdaman ko naman na tumango lang sya "Tara sa Mall Love" aya ko sa kanya.

"Love naman, magpahinga muna tayo please"

"Bakit palagi mo na lang akong kino-kontra" inis na tanong ko sa kanya.

"Pupunta naman tayo but you need to rest first kanina ka pa nakababad dito sa pool oh" labag man sa kalooban ko ay tumango na lang ako dahil baka nga kung ano pang mangyari sa baby namin pag pinagod ko ng husto ang sarili ko.

Sabay kaming umahon ng pool at agad nya namang ibinalot sa akin yung robe ko.

Nang makarating kami sa kwarto ay pinaderetso nya agad ako sa bathroom para makapag-banlaw.

Nang mayari akong magbihis ay nahiga ako sa kama. Malinis na ang kwarto namin, ala na yung mga petals ng rose na ikinalat kalat ko kagabi.

Habang naka-higa ako ay pumasok na si Jungkook sa kwarto ko habang may kausap sya sa phone nya at nakakunot pa yung nuo nya.

The Unwanted Girl : Season 2Where stories live. Discover now