14.Changes

27 1 0
                                    

"Ate baka makalimutan mong ilagay sa bag yung sun block ah".

"Hindi, sige na Chino ako nang bahala, matulog ka naman ha, di halata na sobrang excited ka eh." pagkasara niya ng pinto ay nagtungo siya sa closet.

Sa dami ng nagregalo ng dress at mga kikay na damit sa kanya nung birthday niya ay halos natabunan na non ang mga damit na isinusuot niya. Kailangan niya ng pangbeach na damit, of course hindi swimsuit. Hinatak niya ang light blue na rashguard sa pinakailalim ng mga damit.

She's packing her things para sa outing na sasamahan nila ng mga kapatid niya bukas. One night out of town sa isang beach sa Batangas, graduation blowout ni Perez. As expected cum laude nga ito nagtapos nung Martes. Naalala nanaman niya nung matapos ang ceremony at naghagisan na ng cap ang mga new graduates ay biglang hinatak siya ni Perez at niyakap ng mahigpit. Nandun siya dahil kasama siya sa mga naghonor guard, isa kasi sa mga Senador ng Pilipinas ang naging guest speaker.

"Ho-hoy! Perez ano ba!"

"May regalo ka ba sakin?" tanong nito ng bitawan siya.

"Wala".

"That's it."

"Anong that's it?" takang tanong niya.

"Yung hug, yun na yung gift mo. Tss, nagiging slow ka na Fox."

Nalilito siya, simula kasi nung gabi ng birthday niya ay parang may biglang nag-iba, yes she's back being one of the boys, being boyish and all pero parang may naiba talaga at ayaw man niyang aminin ay nararamdaman niya ang kaibahang yon kapag kaharap niya si Perez. The image of him that night, his smile, his eyes lahat yon ay nadikit na sa utak niya. Nung gabing pumunta ito sa bahay nila para imbitahin siya para sa outing ay para siyang sinapian ng hiya. Hiya ng dalagang pilipina na unang beses inakyat ng ligaw. Tatanggi pa sana siya sa alok nito tungkol sa outing pero umepal sina Chino at Tres na nakikinig pala sa taas ng hagdan.

" Ate kelan ka pa tumanggi sa gala? Nag18 ka lang naging epal ka na." sabi ni Tres.

"Oo nga ate, Kuya Al kasama din kami di ba? " sabat ni Chino.

"Of course, lahat kayo pati si Tita din, one night lang yun, Saturday morning aalis then Sunday afternoon nandito na tayo" paliwanag ni Perez, ang bango nito tingnan sa gray na sando at jersey short nito.

"Ano Fox, okay na?" tanong nito na nakatingin sa kanya, hindi siya kumikibo. Ayun nanaman yung kaba na katulad nung gabi ng birthday niya.

Property of Megan FoxWhere stories live. Discover now