22. Wish

60 1 0
                                    

" Tres, yeah she's with me. Ako nang bahala, ihahatid ko siya. Okay. Take care bro." ibinalik niya sa bulsa ang cellphone niya.

" Hmmm, Tres? Uuwi na ba tayo? Maaga pa."

Inipit niya sa likod ng tenga nito ang buhok na tumatabing sa mukha nito, nakasandig ang buong bigat nito sa kanya habang inaalalayan niya ito palabas ng bar.

" Tres, can we ple-please stop walking, I'm so dizzy." sabi nito.

Gustong mag-init ng ulo niya, bakit hinayaan ni Brand na maglasing si Gene. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at iniupo ito roon .

" Tss... kelan ka pa natutong uminom ng ganyan? " bulong niya at binasa ng tubig ang bimpo niya, pinunasan ang mukha at leeg nito.

" Huwag muna tayong umuwi, baka pagalitan ako ni mama at ku-kuya." she's slurring her words.

" Mabuti ngang pagalitan ka para hindi ka na ulit payagan magbar." medyo inis na sabi niya. Nakita niyang bahagyang dumilat ito.

" Tres? Ik-ikaw ba yan? Bakit lalo ka yatang pumogi." sabi nito, mukang antok na antok ang mga mata at nakangisi.

She's really drunk sa isip isip niya. Natalikod lang siya saglit para ihatid sa labas di Maricar pero pagbalik niya ay lasing na lasing na ito.  Humanda sa kanya si Brand bukas.

" Finally, inamin mo ring gwapo ako." napapangiti siya. Naisip niyang sakyan na lang ang kalasingan nito.

Its been so long. He can't recall the last time he got near her, this near.

" Loko ka talaga. But hey, you're so good kanina, I never thought you could sing. I'm so pr-proud of you bro." nakapikit ito habang nagsasalita.

He guide the bottled water into her mouth para mawala ang sinok nito, naubos nito ang laman niyon.

" Thanks bro, ang gwapo mo talaga tonight, and I think bagay na bagay kayo ni Achee, do you like her?" tanong pa nito, she's really thinking that he's Tres.

" Yup, bagay nga sila. How about us?" nakatingin lang siya sa mukha nito. Bahagyang kumunot ang noo nito sa sinabi niya. Dumilat ito at parang pilit na inaaninag ang mukha niya.

" Stefan? "

" Yes, its me."

Nakita niyang nagpanic ang reaksiyon nito pero nawala iyon ng muli itong pumikit at sumandal, mukhang hindi pa nawawala ang hilo nito.

" Where's Maricar? "

" She went home. Aalis na siya bukas." sagot niya.

" Where is she going?" bulong nito na pilit pa ring nagsasalita kahit parang antok na antok na.

" Manila. "

" She's leaving you." sabi nito at muling dumilat.

" Yeah. She needs to."

" Are you,-- are you okay?" tanong nito, nakatingin ito sa kanya, her eyes are sad.

" Of course."

Bigla itong tumawa, pilit itong bumangon at hinawi siya para makababa ito sa sasakyan. Muntik pa itong masubsob kung hindi niya ito mabilis na naalalayan. Tumatawa pa rin ito ng isandal niya sa sasakyan.

" Really? You're okay? How can you be okay?"

" She need to go back to her family, they want her there, I understand that."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Property of Megan FoxWhere stories live. Discover now