13.1 At Eighteen

26 1 0
                                    

"Aray! Please tama na, ang sakit!" sigaw niya.

"Beh ano ka ba naman, sandali na lang ito, huwag kang malikot kasi."

Hindi niya maipaliwanag kung ano ang mararamdaman niya, kanina, matapos ang ilang minutong byahe ay ibinaba siya ng dalawang lalaki sa van. Nang tanggalin ang tela sa ulo niya ay laking gulat niya ng makitang sa isang salon siya dinala ng mga ito.

At nagkakamali pala siya ng isiping sangganong mga lalaki ang kumuha sa kanya, dahil bading ang dalawang iyon na kahit malalaki ang katawan ay napakalantik pala ng mga bewang at kamay. Magkaibigan ito at silang dalawa ang may-ari ng Bromance Salon.

Inutusan daw sila ng mama niya na imake-over siya para sa family dinner nila mamaya. Gusto niyang maloka sa  mama niya dahil sa kalokohan nito, bakit kailangan pa siyang 'kidnapin' para lang dito.

Sabi ni Reggie na isa sa mga bading, ay alam daw ng mama niya na hindi  siya basta basta mapapapayag na magpamake-over kaya kinailangan pa siyang daanin sa gulatan. Tuwang tuwa pa nga ang dalawang bading, feeling daw nila ay nasa action movie sila kanina at muntik na daw hindi makeri ng powers  ng mga ito ang pagsipa at pagpalag niya, 'para ka palang amazona beh!' sabi pa nito kanina.

Heto siya ngayon at nakaupo, binubunutan siya ng kilay ni Reggie gamit ang sinulid at halos maiyak na siya sa sakit. Hindi naman kasi siya nakapagbunot ng kilay kahit minsan.

Ang isang bading naman na si Franco at nilalagyan ng malalaking rollers ang buhok niya. Ang isa sa mga assistant nito ay pinepedicure siya, tapos na ang mga kamay niya na nilagyan nito ng kulay Tan na nail polish.

"Matagal pa ba yan? " inip na tanong niya, pakiramdam niya ay ang tagal nang iniinvade ng mga ito ang katawang lupa niya, hindi siya sanay sa ganitong mga kaartehan. One of the boys nga siya eh.

"Beh, ano ka ba, seat back and relax ka lang dyan mamaya makikita mo ang resulta." sabi ni Reggie na busy sa pagaayos ng sinulid.

Matapos siyang bunutan ng kilay ay inumpisahan na nitong lagyan ng make up ang mukha niya.

"Huwag makapal ha." sabi niya agad. OA na umirap si Reggie, nakakatawa naman ang baklang to, ang laki kasi ng katawan tapos kalbo pa pero pamatay ang kilay at pilikmata, makapal at mapula din ang labi nito, halos kahawig din nito si Franco.

" Just trust na lang may super magical powers okay? Mapapanganga ka sa magiging look mo mamaya aswear! " maarteng sabi nito, napangiti na lang siya at tumango.

Matapo siyang make-up-an ay pinapasok siya ni Franco sa isang silid, maluwang ang salon at malamig sa mata ang apple green na interior noon, light brown naman ang mga upuan at ibang furnitures ito siguro ang dressing room. Pumasok si Reggie at inabot sa kanya ang dalawang malaking paper bags.

"Bebe girl, isuot mo na yan dali, para matanggal na din yang rollers mo, wait ka namin outside." lumabas na ito.

Binuksan niya ang isang paper bag at naroon ang isang royal blue na dress, tube ang style at heart ang korte sa dibdib, makinang ang parteng dibdib hanggang beywang. Sa tingin niya ay hapit na hapit iyon kapag sinuot niya, ang mama talaga niya, basta nakasilip ng pagkakataon ay gusto siyang bihisan na parang manika.

She wear it anyway, umabot hanggang sa kalahati ng hita niya ang haba niyon. Walang salamin sa kwarto kaya hindi niya mabistahang mabuti ang lapat ng damit sa kanya, maging ang  mukha niya ay hindi pa din niya nakikita, tinakpan ni Reggie ang salamin sa harap niya ng minemake-up-an siya, mamaya na lang daw niya tingnan kapag ayos na lahat.

Kinuha niya ang ikalawang paper bag at naroon sa kahon ang isang pares ng gold na sapatos, open toe iyon at nasa three inches ang taas. God, kaya ba niyang isuot yon? Matangkad na siya, bakit kailangan pang magheels?

Property of Megan FoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon