12. Pards

20 1 0
                                    

Naghehesitate pa si Perez na iwan siya doon.

" Sige na Perez, salamat sa libreng sakay." sabi niya at naglakad na papasok sa kanto.

Ilang minutong lakad at narating na niya ang pakay, umupo siya sa damuhan at tinanggal ang mga tuyong bulaklak sa ibabaw ng lapida.

"Hi Pards, kamusta?" sabi niya at nakangiting tiningnan ang pangalang nakaukit sa lapida.

'Ireneo V. Lopez.'

" Pasensiya ka na wala akong dalang flowers, dapat kasi sa Sunday pa kita dadalawin eh, kaso nainip ako Friday pa lang ngayon." sabi niya sa tonong nakikipagkwentuhan.

Sa kanilang pamilya ay siya ang pinakamadalas dumalaw dito, kapag birthday nito o sa bawat mahahalagang bagay na nagyayari sa kanya ay hindi maaring hindi niya ito dadalawin upang ibalita dito ang nangyari sa araw niya.

She used to be a daddy's girl. Isa itong sundalo, madalas itong madestino sa malalayong lugar pero sa tuwing umuuwi ito ay siya ang pinakamadalas nitong kasama. Tuwang tuwa siya sa tuwing ipinapasyal siya nito at pinapasan sa batok. Ito din ang palaging kasama niya sa paglalaro at maging sa pagbili niya ng laruan.Hindi niya pansin na wala siyang kaclose na mga batang babae na kaedad niya, hindi siya interesadong makipaglaro sa mga ito dahil kuntento na siyang kasama ang kuya niya at si Tres lalong lalo na ang papa niya na hindi siya tinatanggihang makipaglaro ng barbie.

She was so happy then, they were a complete and a happy family at lalo pang nadagdagan ang sayang iyon ng malaman nilang buntis ulit ang mama niya. Walang pagsidlan ng tuwa ang papa niya, sabi nito ay kung lalaki ang isisilang ng mama niya ay papangalan daw nilang Christian Noel, Christina Novie naman daw kapag babae.

Nasa apat na buwan na noon ang tiyan ng mama niya ng muling umalis ang papa niya at madestino sa Mindanao, ayaw na ngang pumayag ng mama niya na umalis ito at magretiro na lang daw ng maaga.  Pero sinabi nitong sa pagbalik na lang daw at iyon na ang huling misyon na kukunin nito.

Dalawang buwan pagkaalis ng papa niya ay nakatanggap sila ng balita mula sa pinakapinuno ng papa niya, may nangyari daw sa papa niya.

Hindi niya makakalimutan ang araw ng pumunta sila sa NAIA at halos magbreak down ang mama niya pagkakita sa mahabang kahon na buhat ng mga sundalo. Isa ito sa pitong sundalo na napaslang sa engkwentro laban sa mga grupo ng rebelde.Kasama nila ang kanyang mga tito na kapatid ng mama niya, iyak ng iyak ang mama niya.

Sa burol nito ay halos ayaw nilang malayo sa kabaong ng papa niya, kung hindi pa sabihan ang mama niya na magpahinga at baka daw makasama sa ipinagbubuntis nito ay hindi pa ito magpapahinga. Ang kuya niya at si Tres ay palaging tahimik at malungkot. Siya man ay ganun din, palagi lang siyang nakatingin sa gwapong mukha nito na mukang natutulog lang.

Pagkalibing ng papa niya ay dumating ang isang malaking kahon, mga gamit daw iyon ng papa niya.  Nang buksan nila iyon ay nandoon ang mga damit ng papa niya, ang photo album nila, mga kung anu anong regalo na dapat ay ipapadala sa kanila. Inabot sa kanya ang isang manika na may itim at maalong buhok, maganda ang mga mata at nakasuot ng filipiniana. Kung sa ibang pagkakataon ay matutuwa siguro siya at iisiping kamukha niya ang manikang iyon pero tila nawalan ng kinang iyon sa kanya. Ibinababa niya ang manika at tiningnan ang kahon, akala siguro ng mama niya ay nakuha nang lahat ang laman niyon pero pagtingin niya ay naiwan sa sulok ang isang dogtag.

Iyon ang dogtag na palaging suot ng papa niya. Kinuha niya iyon at isinuot, "you will always be with me papa" sabi niya na nakatingin doon.

Mula noon ay tinigilan na niya ang maglaro ng barbie at kung ano anung larong pambabae, wala na ang pinakapaborito niyang kalaro kaya wala ng saysay sa kanya ang mga iyon.

Property of Megan FoxWhere stories live. Discover now